Chapter 19

1.7K 32 1
                                    

AS ALWAYS true to his words, Raven came home at exactly 7:50 in the morning. May dala-dala itong paper bag. Habang naglalakad papunta sa akin ay ramdam ko ang saya nito kahit hindi naman nakangiti.

"Good morning,"bati ko sa kanya nang makalapit sa kinaroroonan ko na nakatayo sa hamba ng pintuan.

"Good morning, baby,"he said as he wrapped his right arm around my waist and kiss me on my forehead.

"How's it going?"I asked him.

Naglakad kami papuntang kusina habang nakapulupot pa rin ang braso nito sa baywang ko.

"Maayos naman ang pag-uusap namin. How about you? How was your sleep?"nag-volunteer itong magprepara sa hapag habang nakapwesto na ako sa sariling upuang madalas kong kainan.

"Maayos rin. Uhh..."I'm really having a second thought right now. What if he'll get mad? Pero sa anong rason naman kung gano'n?

"What? What is it?"tanong nito when he could sense the uncertainty to what am I about to say.

He looked at me and continued to prepare those foods na obvious namang si Tita ang nagluto. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang nangyari kanina o maghihintay na lang ako na ito ang magkusang magkwento kong nagkita ba sila ng kaibigan nito.

Tita Hermosa said that Raven is not a kind of man who talks a lot which I highly agreed. However, he's more in actions which kinda hard to resist. Maybe, I should ask him later or while we're eating or maybe I should start asking now.

"Uhh...nagkita na ba kayo?"panimula ko.

Pinaghila ako nito ng upuan nang natapos na nitong pinagsalin ang mga ulam sa mga pinggan. He arranged the table like he always do na parang may criteria na dapat sundin. When I say arranged, it means that all these utensils on the table were very organized. Pantay ang pagkakalagay ng mga kutsara at tinidor na may tissue pang patungan. I was even shocked when I first encountered this side of him. However, he still looks so cute though.

"Nino?"he confusedly asked me.

Pinaglagyan ako nito ng fried rice at chicken nuggets sa pinggan ko. I let him finish it first before continuing.

"Eat,"saad nito at sumubo muna ako ng kaunti.

"Ni Raven,"He looked at me with so much confusion.

"Me?"kunot-noong tanong nito.

"No,"I giggled with his humour."I was pertaining to your friend, Raven."saad ko.

His expression changed all of a sudden.

"Bakit naman kami magkikita? He's in Manila, Serene,"seryosong saad nito at sumubo. He looked so tense and a little bit irritated.

"Wag kang magalit dahil nagsasabi naman ako ng totoo. He was here a minutes ago,"I calmly explained though he was calm and composed too but his eyes were the one who are showing an emotion for him.

"I'm not mad, baby, I'm sorry. I was just a bit irritated. Can you please tell me what time he actually went here?"he said in a very calm manner.

Why? Why are they acting like they don't want to see each other. Siguro ay meron silang hindi napagkaintindihan pero sa edad nilang ito ay may gana pa silang magkatampuhan?

"I think, it's around 6,"tumango lamang ito.

Even though his expression darkened, he never ceased to makes my heart flutters in every simple actions that he'll do.

Habang kumakain ito sa harapan ko ay itinaas ko ang dalawang kamay ko at hinuli ang mukha nito. Hinawakan ko ang dal'wang pisngi nito at hinuli ang titig ni Raven.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon