Chapter 8

2.7K 56 1
                                    

"Let's go. Ihahatid kita sa labas." Saad ni Thelly at inilapag ang bowl sa coffee table.

Humawak ako sa isang braso nito at sabay kaming naglakad papuntang front door. Nang binuksan na ni Thelly ang pintuan ay bumungad sa amin ang isang lalaking naka black suit. I think he's in his early 50's. Unang tingin ko pa lang sa lalaki ay biglang bumagsak ang pakiramdam ko. I thought he's the one who is going to fetch me. Hindi ko man maiwasang madismaya ay iyon talaga ang nararamdaman ko. Wala akong nagawa kundi ang lumapit sa lalaki.

"Magandang umaga po ma'am Serene." Bati nito. It's a bit odd dahil kung anong galang ng pagsasalita nito ay hindi ko makitaan ng kaunting emosyon ang mukha nito. Though that didn't stop me from smiling and greeted him back.

"Good morning din po." Bati ko. "Kuya I'm just gonna ask you some few questions regarding about this..." Hindi ko alam papaano sabihin kung gaano ka-unexpected ito. Tumango naman ito at parang walang pakealam sa sinabi kong sobrang bitin.

"Gusto ko lang pong klarohin kung sino pong nag-utos sa inyong pumunta dito."  Though my heart knows who it was.

"Si sir Raven po ang nag-utos sa akin nasunduin ka. Nakilala niyo na daw po siya kahapon. Alam niya po daw na hindi ka sisipot kaya po na nandito ako." He said it with his blank face. Nawala sa utak ko ang ilang tanong na paulit-ulit kong tinatak sa utak ko. He's really intimidatingly serious.

Gusto ko sanang tanongin kung bakit hindi na lang siya ang sumundo sa akin at kailangan pa na ibang tao ang utusan. Nang maisip iyon ay nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan. Ako pa ang may ganang magreklamo samantalang dapat magpasalamat na lamang siya na may taong concern sa kapakanan nilang mag-ina. Tumango na lamang ako at nagpaalam na ako kay Thellianne. Tudo paalala naman sa akin si Thelly na mag-ingat. Binilin niya pa so Kuya na mag-ingat sa pagmamaniho. Nagpakilala muna ito bago ako inalalayan papasok sa backseat. He even make sure na maayos at komportable ang pagkakaupo ko bago gumayak sa driver seat.

We arrived at the big mansion with a couple of minutes. Hindi ko maiwasang mamangha sa desinyo nito lalo na kung saan ito itinayo. Malapit lamang ito sa Cape Engaño Lighthouse though may ilang kilomentro pa itong layo. Mas lamang ang matibay na makintab na kahoy at tinted na wall glass kumpara sa semento sa buong mansion. Binuksan ni kuya Hermes ang backseat door at inalalayan akong bumaba. Mayroon itong dalawang baitang na hagdanan na gawa sa fully furnished na kahoy bago ang wooden front door. Pinagbuksan ako ni kuya Hermes ng pintuan. Nagpasalamat ako at tumango lamang ito.

Shocked is really visible on my face right now. I was really amazed  on how amazing and elegant the interior was. Ang dining palang ang nakikita ko pero I could feel the homey vibes in this house. Pina-upo ako ni kuya Hermes at sinabing may tatawagin lamang ito.

"Shoot" bulong ko ng makitang si Dra. ang lumabas na galing yata sa isang kwarto. Medyo kinakabahan ako ng masilayan ko ito. Hindi na nito kasama si kuya Hermes.

Tumayo ako at nakangiting sinalubong ng tingin ang Doktora. Her presence is so warming tulad noong isang araw. Napakaganda nito kahit may edad na. She wore a very simple summer dress na naging eleganteng tingnan dahil sa pagdadala nito sa damit.

"Good morning po"nakangiting bati ko.

"Good morning hija. Please have a seat." Saad nito ng nakangiti rin. Hinawakan ako nito sa siko ng marahan at iginayang umupo sa couch na inupuan ko kanina.

"I'm so sorry to bother you this early hija. I never thought that Raven could be this so persistent. He really cares for his former student." Bakas mukha ng ginang ang tuwa at pagkamangha nito sa anak. Kumunot naman ang noo ko sa huling sinabi nito.

"Don't say that po. I was really happy nga po na naisipan po ni Raven iyon. It's a huge help po para sa amin ng baby ko." Nakangiting saad ko.

"So sweet of you hija. Anyway... I'm sorry. I have forgotten to introduce myself to you yesterday. I'm Hermosa Morgan Del Russo. You can call me Tita and you're Serene Israel right?" Saad nito. Her smiles help her glow even more.

"Yes po." Though I'm still smiling bakas sa mukha ko ang pagtataka. How come Raven knew me? And what? Former student?

"Oh... That look." Mahina itong natawa." Raven told me about you, though hindi naman talaga ito magkukwento kung hindi ko pinilit. He said that he's actually one of your professors during your last year in college. Though nagresigned siya after the first semester dahil naging hectic ang schedule niya sa Ospital."

Parang nakalutang ang utak ko sa lahat ng sinabi ni Tita. How come I couldn't recalls all my memories about him? Hindi ako makapaniwala. How come I forgot about him? That face is really ain't easy to forget though. Nahiya naman naman agad ako sa naisip.

"I'm sorry Tita. Hindi ko po matandaan." Napakamot ako ng bahagya sa itaas ng kilay ko. Napressure ako bigla. Natawa naman si Tita Hermosa sa reaction ko na mas lalong nagpa-init ng dalawang pisngi ko.

"It's okay hija. Don't feel pressured matagal naman na iyon. Namangha nga lang ako sa anak ko at nakakatanda pa ng isang tiyak na estudyante." Natutuwang saad nito.

"Right Tita. Ang galing po ni Sir Raven." Saad ko. Not sure to what I've addresses Raven right now. Naguguluhan ako though hopefully Dra. Hermosa would correct me and tell me just to call Raven only by his name.

"Oh no. Just call him Kuya hija. I bet he's way older than you at saka hindi naman na siya nagtuturo ngayon. He's more focusing being a doctor right now." Saad nito na ikabagsak ng balikat ko.

Thank God tita didn't noticed it. Ngumiti lamang ako at sumang-ayon. It's better this way though. Hopefully kung ano man itong inaakto ko ay hindi na lumala pa. I should put a boundary to prevent myself from these upcoming distructions.

"Six months from now, turning twenty two na naman na po ako next year on January Tita. "

"And Raven would turn twenty seven. Four months from now on November as well hija." Saad nito.

"Talaga Tita? Malapit na pala."

"Yes hija. Tumatanda na ang baby ko." Natawa naman ako sa saad nito. Can't wait to feel that kind of heartwarming sadness someday. Ang sarap siguro sa feeling na nagawa mo na lahat ng gagawin sa mundong ginagalawan mo at ginagabayan  mo na lamang ang anak mo na magkaroon ng walang hanggang kasiyahan sa mundo. Tinatanaw itong bumubuo ng sariling pamilya na makakasama niya habang nagpapahinga na ako kasama ang Diyos.

Hinawakan ko ang kamay ni Tita at bahagyang pinisil ito. Hoping that it will ease the sadness she's feeling right now.

"Goodness! Let's cut the drama hija." Natatawang saad nito. Pinisil din nito ang kamay ko at inilalayang tumayo.

"Let's go hija. We'll perform the check up right now para makakain na tayo. I cooked something for you. Hopefully, you'll like it."

Natawa ako at nagpatiuna kay Dra. Hermosa. I guess I'm already famished.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon