Chapter 12

2K 42 1
                                    

"I SHOULD take you home to your Cabin now Serene,"ani nito habang hinihamas pa rin nito ang tiyan ko.

Nakatayo kami ngayon paharap sa dalawang maliit na Isla habang siya ay nasa likuran ko, nakayakap. Papalubog na ang araw at napintahan ng kulay kahel ang langit.

Dama ko sa bawat himaymay ang lamig ngunit nilalabanan nito ng init na hatid ng katawan ni Raven. He made me feel like I'm safe and very comfortable even when we only met a few days ago. I mean, I only met him thoroughly a few minutes ago.

"Ikaw bahala,"saad ko.

Nang mapagtantong hindi ko pala nadala ang cellphone ko at may kasunduan pala kami ni Thelly kanina ay parang binundol ng drum ang dibdib ko.

"Kailangan ko na palang umuwi ngayon,"saad ko at kumawala sa yakap ni Raven.

Nang lingunin ko ito ay nakatitig sa aking ang mga mata nito ng matiim. The way he look at me feels like he's ready to worship me and the moves that I will make. I don't know...maybe it just me.

"Bakit? May lakad ka pa ba?"kunot-noong saad nito habang ini-abot ang suot kong flat sandals kanina at marahang isinuot sa akin.

"Wala na kaso nakalimutan kong sabihan si Thelly na hindi pala ako makakapunta kanina, nag-aalala na yun,"ani ko at hindi napigilang kagatin ang kuko ng hintuturo kong daliri.

"Stop it, Serene. You haven't washed your hands yet,"sabi nito at mahagyang inilayo ang daliri ko.

"Kinakabahan ako e, nangungurot pa naman yun si Thelly ng singit pagnagagalit,"hindi napigilang bulalas ko.

He exaggeratedly look at me. Sakop na nito ang towel at iba pang kalat at nakaayos na nakasilid sa paper bag.

"What?"he said calmly.

"Dali na, malapit ng mag-gabi,"saad ko at hinila na siya.

"Careful."

Inilalayan ako nito kahit hawak nito ang isa kong kamay habang naglalakad kami papunta sa sasakyan nito.

"Come on Raven, faster!"saad ko at napansing humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.

"What's wrong?"tanong ko dito. Nilingon lamang ako nito saglit at hindi na pinansin.

What's wrong with him? Is he okay? He's back with his untamed aura again. Kaya marahas na hinigit ko ang kamay nito kaya napatingin ito sa akin.

"What?"kunot-noong tanong nito.

"Anong problema mo?"seryosong saad ko. His expression changed when he saw me and somehow felt my aura darkening.

"Wala. We should really get going Serene and make our moves a little bit...faster," saad nito nito at nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam pero parang may laman ang salitang binibitawan nito.

Hindi ko na lamang iyon pinansin at marahan na lamang tumango.

"Damn that innocence,"bulong nito na hindi ko masiyadong narinig ngunit iginaya nito paitaas ang kamay kong hawak nito at naramdaman ko ang mainit nitong labi na nakalapat sa likod ng palad ko.

My heart suddenly beats erratically. Damn this man!

"What's with you and your... unexpected actions?"tanong ko kahit ramdam kong kinakapos ako ng hininga.

I'm actually glad that it's already dark at ang cellphone lang nito ang nagsisilbing ilaw namin sa daan upang hindi nito makita ang nag-iinit kong pisngi.

"My way of expressing myself Serene. Do you think that am I too fast?"kalmadong tanong nito.

Masiyado yatang napakalinaw ng mga mata ko at napansin ko pa ang bahagyang pamumula ng tainga nito.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon