Chapter 13

1.9K 45 1
                                    

"PASOK,"saad ko nang marinig ang tatlong magkakasunod na katok galing sa labas ng silid ko.

Bumukas ito kaya binaba ko na ang cellphone ko at inilagay sa side table. Dahan-dahang naglakad si Thelly habang bitbit ang tray na may lamang isang bowl ng soup at maraming sliced fruits.

"Ang dami naman niyan, hindi ko yan mauubos,"ani ko kay Thellianne.

"Sino bang may sabing sayo lahat 'to? Yung soup lang yung sa'yo no,"saad nito ngunit kalmado naman.

"Sungit naman, sorry na,"lambing ko dito at tumabi sa kanya na nakaupo na sa kama ko.

Prente itong naupo habang nasa kandungan nito ang isa kong unan kung saan naroon lahat ng sliced fruits.

"Dali na! Chika ka na,"apura nito sa akin.

"Nakalimutan kasi kitang i-text kasi nawili ako doon sa lighthouse kasama si Raven, sorry a? Alam kong nag-aalala ka-"

"Hindi naman masiyado, kasi pinuntahan ako ng driver na sumundo sayo kanina. Sinabi niya na hindi ka makakapunta at okay ka naman daw,"Saad nito na ikinalito ko.

Dali-dali kong hinawi ang kumot na nasa-kandungan ko at inabot ang cellphone.

"Ano yan! Mag-ingat ka naman babae ka,"pagalit na ani nito at umayos ng upo.

"Sandali, may tatawagan lang ako. Hintayin mo 'ko dito,"nagmamadaling saad ko lumabas ng kwarto.

Dalawang ring lamang at sinagot na nito ang tawag na ikinabigla ko. I think he's not that busy huh?

"Hello?"paunang sabi ko.

"Kumusta? Bakit ka napatawag? Are you hungry? Any cravings?"sunod-sunod na tanong nito sa baritonong boses.

Mukhang naistorbo ko ang pagtulog nito base na rin sa boses nitong galing sa idlip.

"I'm sorry, mukhang nagising kita,"saad ko at pilit kinakalaban ang pagpitik ng dibdib ko.

Sa maikling panahon ay hindi ko alam pero dapat ko bang maramdam ang nararamdaman ko ngayon? I shouldn't keep on doubting myself now. Dapat kung anong nararamdaman ko ngayon ay dapat pahalagahan ko.

"It's alright Serene, do you want anything? Dadalhin ko diyan,"seryosong saad nito ngunit ramdam ko sa tono nito ang pag-aalala.

"Wala, gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo kanina. Kinabahan ako dahil sinabi mo pa na... ikaw na ang bahalang mag-explain sa kaibigan ko pero nagawa mo naman na pala,"saad ko.

"Oh, that...nakalimutan ko. I got distracted by your presence earlier though."

Hindi ako naka-imik agad. Rinig ko sa kabilang linya ang malalalim nitong hininga.

"Gravy,"tanging nabulalas ko. Halos sapuhin ko ang noo ko sa kapalpakan ng nasabi ko.

"Gusto mo ng gravy? Ano pa?"rinig ko ang pagbangon nito sa kama dahil na rin sa mahihinang tunog ng comforter.

"Gusto ko ng puting gravy na homemade, dapat maanghang,"saad ko at natakam sa naisip.

"Ano pa?"tanong nito at rinig na rinig ko ang nagkakalampagang utensils sa background sounds nito.

"Ikaw ba ang gagawa?"tanong ko.

Wala sa itsura nito ang marunong sa gawaing kusina.

"Oo, gravy lang ba ang gusto mo?"ani nito.

Buong akala ko ay magpapagawa lamang ito sa kusinera nila o ano.

"Gusto ko rin ng buko juice na may maraming Nata De Coco."

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon