Chapter 9

2.5K 53 3
                                    

"OKAY hija just relax," ani ni Doktora sa magaang boses.

Todo kalabog ang dibdib ko ngayon sa kaba at ramdam kong nanlalamig at namamawis ang mga kamay ko kahit malakas naman ang air-conditioned sa kwartong pinasukan namin ni Tita Hermosa. Kompleto at high-tech lahat ng mga kagamitan base sa obserbasyon ko.

Naka-higa ako ngayon at nakataas ang suot kong dress hanggang sa tiyan ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng dalawang pisngi kahit babae naman si Tita.

"Don't be shy hija. I'm a fan too,"namula naman ang pisngi ko.

Medyo nalulungkot ako dahil wala akong makapitang taong magsasabi sa aking wag matakot o makakaya ko 'to. Kamay na hahawak sa akin habang sabay naming titignan ang magiging anak namin sa loob ng tiyan ko. Piniling ko na lamang ang naiisip at ngumiti kay Tita.

Tita put something on my tummy.

Naiiyak ako at ramdam ko na may  humaplos sa dibdib ko habang tanaw ko ang anak ko galing sa malaking TV screen na nakadikit sa wall nang biglang bumukas ang pintuan. Hindi ako agad naka-galaw upang takpan ang pag-ibabang bahagi ng katawan kong walang saplot maliban na lamang sa puting underwear na may logo'ng EXO.

"Raven!"singhap at napatayo si Tita ng makitang ang anak nito ang pumasok.

"I'm s-sorry,"Saad ni Sir Raven at iniwas ang tingin sa akin.

Pakiramdam ko ay napunta sa buong mukha ko ang lahat ng dugo na mayroon ako. There's no blanket on the bed where I am right now that I could immediately cover myself with.  Lumabas naman ito agad kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Goodness! I'm so sorry hija. Raven was never been that rude before. Maybe he forgot about the session we have today,"she said with sincerely.

"It's okay Tita. Hindi mo naman kasalanan. Wala naman pong may kasalanan. It was purely an accident po,"sinserong saad ko.

Sa katunayan nga ay mas napanatag pa ako na si Sir Raven ang pumasok kesa na ibang tao iyon. However, it was still embarrassing though. Hindi ko nga kayang mag-bikini noon kahit anong pilit ni Thelly. Ito pa kayang may ibang lalaki na naman ang nakakita sa sobrang exposed kong postora.

Ngumiti naman si Tita sa akin.

"Okay hija let's proceed. Kita mo yan? That's your child. Napakalusog niya at medyo malaki siya ng kaunti kompara sa naturang laki ng limang buwang bata but don't worry. It's normal. May mga cases lang talagang ganyan lalo na kung nasa genes naman,"masayang ani nito. Napangiti naman ako sa nalaman. My child is beautiful. Hindi ako katangkaran kaya I assume na ang Papa ng anak ko ito nagmana. Pero please naman. Wag nalang pati mukha.

"Talaga po? Hindi po ba ako mahihirapang magdeliver kung ganon?"

"Hindi naman hija especially if you often do exercises. Mas magandang exercise ang walking sa buntis hija lalo na kung kabuwanan na nito," nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Tita.

"Do you want to know the gender-"

Sabay kaming napaiktad at napalingon ni Tita sa pintuan ng bumukas na naman ito. Naangat ko ng kaunti ang tuhod ko dahil sa pagkabigla para takpan ng mga tuhod ko ang underwear ko na hindi rin naman nakatulong. Halatang nagmamadali ang kung sino dahil sa may pwersa ang pagkakabukas nito.

"Crap. I forgot to knock again,"bulong ni Sir Raven na hindi ko masiyadong narinig.

"Raven! Ano na naman ba? Can't you see? Serene's not comfortable!"gigil na saad ni Mrs. Del Russo sa anak na wala man lang reaksyon.

Basta nalamang itong lumapit sa higaan na kinahihigaan ko na may bitbit na blue cotton towel at parang tanga naman akong naka-tunganga lang sa kanya. My eyes are on him. Eyeing his every moves that makes me feel like I'm stupid. Napaiwas nalamang ako ng tingin kay Raven.

Dark Secrets Series: His Drastic DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon