Chapter 25

1K 82 5
                                    


Chapter 25

Kasalukuyan kaming nasa-canteen nila Arabela, nang matanawan ko si Jerome na papalapit sa amin. Napatingin naman ako kay Stephanie at kita ko ang pag-iwas nito nang tingin.

"Den!" Sigaw niya nang makita kami. Kumaway naman din ako sa kaniya.

I don't want to be rude 'no! Kahit akwward ang nangyari noong camping. Ngayon lang ulit kami nagkita dahil walang pasok noong Saturday at Sunday.

"Kamusta?" Tanong nito sa 'kin bago lumipat ang paningin nito sa mga kasama ko.

"Oh nandito napala si Stephanie, tagal mong nawala ah!" Natatawang sabi nito.

Napatingin naman ako Kay Stephanie. Ngumiti lang ito pero umiwas din agad ang paningin niya.

"Dre!"

Napatingin kami kay kiro. Napatingin naman ito sa amin bago kumaway.

"Sino 'yang mga 'yan?" Bulong sa akin ni Arabela.

Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya. "Iyong nauna si Jerome tapos iyong sumunod ay si Kiro," sabi ko. "Kaibigan ni Daryll." Patuloy ko.

"Ha? Sino namang daryll? Haha gulo mamaya mo nalang ako kuwentuhan pero, iyong pangalwa mong binanggit ang gwapo! Nainlove na ata agad ako!" May kilig sa boses na sabi nito. Napataas naman ang kilay ko.

Kakakita palang inlove na agad?

"Oh bakit?" sabi ni Jerome. Umaakbay naman ito sa kaniya bago ilipat ang paningin sa amin.

"Wala naman, agang-aga mo lumandi ah!" Natatawang sabi ni Kiro. Mabilis naman siyang sinapak sa braso ni Jerome.

"Gago!"

"Luh, haha oh sino naman itong kasama niyo?" sabi ni kiro bago ituro si Arabella. Napatingin naman sa akin si Arabella at kitang-kita ko pagkagat nito nang mariin sa kaniyang labi.

"A-Ah ako nga pala si Arabella-"

"Si Arabella kaibigan ko." Patuloy ko sa sasabihin ni Arabella. Ang dali niya magtiwala dito, 'di pa niya alam ang ginagawa nang mga lalaking ito.

"Oh haha, new friend?" Tanong nito. Tumungo naman ako sa kaniya.

"Grabe naman den, sinira mo diskarte ko huhu!" Bulong sa akin ni Ara. Inirapan ko nalang siya at kinuha ang tubig sa bag ko.

"Makikiupo ha?" sabi ni Kiro. Dahil madami pa namang space ay tumungo ako. Umupo naman silang dalawa.

"Pinahihirapan kaba ni Daryll den?" sabi ni Jerome. Napatingin naman ako sa kaniya.

Si daryll, pinapahirapan ba niya ako? I don't think so?

"Hindi naman, sa katunayan binigyan niya pa ako nang condo, alam ko namang may tinatagong bait iyong Kumag na iyon." sabi ko.

"Eh? Talaga si Shawn? Tangina malala na 'yon? First time niya magbigay ng condo. Kami nga ay 'di mabigyan noon haha! Sabagay afford naman namin e!" Mahangin na sabi ni Kiro.

May pagkasayabang din pala ito 'no?

"Talaga?" Tanong ni Jerome. Tumungo naman ako sa kaniya. Napatingin naman akonsa humawak sa kamay ko si Stephanie.

"Bes, doon kana ba talaga titira? Hindi kana ba babalik sa bahay?" Tumungo naman ako sa kaniya. Siguro? Or kung matapos man ang kontrata ko ay sana may naipon na ako para naman makabili ako nang kahit maliit na bahay.

"Pagpasensyahan mo na si Mama ha..." aniya.

"Oo naman 'no! Palagi ko namang iniintindi si auntie, at kahit kailan 'di ako nagtanim nang sama nang loob sa kaniya, siya na ang nagalaga sa akin simula bata palang ako..."

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon