Chapter 2

2.7K 214 72
                                    

Chapter 2

Denise's POV

Galit na galit ako lumakad patungo sa kanila at pinagtutulak 'yong mga babaeng maiingay at walang ginawa kundi tumili ng tumili ansakit-sakit naman sa tenga. Nakakainis, nakakagalit. Buwiset. Ito na nga lang 'yong cellphone ko masisira pa.

"Ouch, aray ano ba 'yan." Sabi nung isang tinulak ko. Aba! Bagay lang sa kaniya 'yan.


"Aray!"

"Ano ba!"Sabi ng mga babaeng tinutululak ko pero wala na akong PAKE! basta mabayaran lang, 'tong cellphone ko. Hanggang sa makarating nako sa unahan. At nakita ko silang pinagkakaguluhan naman. Nakatalikod silang tatlo sa akin. Teka, parang pamilyar sakin 'yong isa base sa suot na damit niya at tinignan ko 'yung shoes niya at SIYA YON! Ang lintek na sumira ng Cellphone ko! At talagang pamilyar siya sa 'kin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita basta pamilyar.

Nagpalinga-linga ako sa paligid ko kung ano pedeng gawin sa kaniya. At sakto! May nakita akong naglalaro ng basketball. Kaya umalis muna ako sa pwesto na 'yon at pumunta don sa mga naglalaro.

Mabilis naman akong lumapit sa kanila. "Ah, mga kuya pedeng pahiram muna ako neto saglit?" Tanong ko

"Bakit Miss?" Wala ipangbabato ko lang.

"Ah wala. May gagawin kasi kami ng kaibigan ko balik ko nalang saglit lang naman." Sabi ko. Nagkatinginan muna sila sa 'kin bago ibigay.

"Ah, Salamat balik ko nalang." Sabi ko sabay lakad pabalik don kanina buti naman at di pa sila nakakalis dahil marami sa kanila 'yong nakakuha ng litrato. Tsk, artista ang peg.

"Tumabi kayo!" Sigaw ko. Nagsi-alisan naman sila at weirdong tumingin sa 'kin. Siguro nagtataka sila kung bakit? Well mamaya malalaman ninyo. Hindi puwedeng di ako makaganti. Pero wag kayo mag-alala pag hindi niya talaga binayaran 'yong cellphone ko ibabato ko talaga 'to sa kaniya. Oh, matigas-tigas pa 'to.

Siguradong knock-out siya. Mabilis naman akong nakarating doon at kinulbit 'yong lalaking 'yon. At nanlaki 'yong mga mata ko. . . kasi siya 'yong lalaki kanina. At talaga namang uminit ang ulo ko. Siya naman eh, dinumihan pa niya 'yong damit ko tas ito naman bibinggo na 'to, sa 'kin.

"Oh, bakit?" Maangas na sabi niya. Siguradong namumukhaan niya ako not sure.

Dinukot ko naman sa bulsa ko 'yong cellphone ko at pinakita sa kaniya. "Ano 'to?" Galit na sabi ko. Nagtitimpi pako.

"Oh, commonsense naman. Siyempre basag na phone." Sabi niya at ngumisi sa 'kin. Talaga naman oh. Kanina pa 'yang ngising 'yan ah.

"Alam mo ba kung bakit 'to nabasag?" Tanong ko.

"Oh ano namang pake ko jan. Baliw ka nga talaga." Murmur niya pa. Akala niya ata'y hindi ko siya narinig.

"Dahil pinagkaguluhan kalang naman ng mga fangirls mo at dahil sa kakatakbuhan nila at kakasunod sa inyo na parang aso ninyo, ay napaakan mo 'tong cellphone ko. Kaya ang gusto ko Bayaran mo 'to." Wika ko. Tinignan naman niya ako ng parang hindi makapaniwala. Na parang bang sinasabi. "Are you kidding me look?" Bahala na siya basta bayaran niya 'to. Mahalaga 'to sa 'kin dahil binigay 'to sa akin ni Stephanie nung Birthday ko. Palibhasa'y mayaman, hindi gaya ko.

"Wala akong pake!" Sabi niya at umalis kasama 'yong mga kaibigan niya na parang di makapaniwala. Bakit? Di sila makapaniwala. Bakit sino ba siya? "Ang sabi ko bayaran mo 'to," Sigaw ko kaya napatigil sila tatlo dahil sa sigaw ko.

"Omg! Nababaliw na siya."

"Bakit niya ba sinisigawan nang ganiyan sila daryll."

"Omg! I know transfer siya, hindi niya kilala 'yung sinisigawan niya."

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon