Chapter 33
Denise
Nang matapos ako magsuklay ay sinukbit ko ang bag ko at bago pinatay lahat ng electricfan iyon lang naman ang meron ako na ginagamitan ko ng kuryente dahil ako padin ang nagbabayad ng mga tubig at kuryente dito.
Kaya kailangan kong magtipid. Kaya iwas din ako sa TV at dahil hindi naman talaga ako mahilig manood ay nakakatulog agad ako pagkatapos ng assignment ko.
Tumingin pa ako saglit sa maliit kong salamin sa id bago lumabas.
Pero napatigil ako ng mabugaran ko si Daryll na nakasandal sa may pintuan ng condo niya. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya.
"A-Anong ginagawa mo dito? B-boss agang-aga ah haha." I forced laugh.
"Tsk limot mo na ba? Di ba sinabi kong liligawan na kita? Kaya ito ang unang araw ng pangliligaw ko." Nakataas na kilay na sabi nito sa akin.
"Aba naman! Pumayag ba 'ko? Hindi naman-"
"Wag kana madami sinasabi, malalate na tayo kanina pa ako nag-aantay sa 'yo dito." Lumapit ito sa akin kaya napaatras ako.
Grabe hindi kona siya makilala sa mga ginagawa niya simula pa kagabi. Akala ko jinojoke time lang ako ng lalaking ito.
Iyon pala ay...
"Tsk." Sabi nito bago kinuha ang kamay ko at hinila ako.
"H-Hoy!" Natatarantang sabi ko. Pero hindi ako nito binigyan pansin at hinila ako hanggang sa makarating kami sa elevator.
Hindi nalang ako nagpumiglas kahit sobrang bilis ng tibok ng puso ko... Lalo na't hawak niya ang kamay ko.
Nang makapasok kami sa loob ay walang gustong umimik napakatahimik. At hindi ko rin siya masinghalan sa kadahilanang nahihiya ako.
Akala ko ay wala nang magsasalita sa amin hanggang sa makalabas pero mali pala ako.
"Kumain kana ba?" He said. Halos mahina na iyon pero sapat parin para marinig ko.
"O-Oo," My voice was trembling. I looked away. Hindi ko matagalan ang titig niya na nagpapahina sa tuhod ko.
"Tsk, bakit hindi halata?" Bulong niya. Napataas ang kilay ko doon.
"Aba't anong ibig mong sabihin?" Nanlalaking mga mata na usal ko.
"Iyong totoo, Denise kumain kaba talaga?" He looked at me seriously.
Ang totoo niyan ay hindi pa talaga ako kumakain dahil alam kong late na ako nagising. Paano ba naman ay occupied ang isip ko dahil sa kaniya.
Hindi niya ako pinatulog dahil sa mga pinagsasabi niya.
"Hey!"
Nabalik ako sa ulirat at gulat na tumingin sa kaniya. Andami ko namang iniisip di ko namalayang nasa baba na kami.
Nagmadali naman akong lumabas dahil nahihiya ako. Di ko tuloy alam kung ano nasa isip niya.
Napatakbo na tuloy ako sa hiya. Nang makakita ng tricikle ay pinara ko agad ito. Hindi naman sa gusto ko siyang takasan nahihiya lamang talaga ako.
Pero wala padin naabutan parin niya ako.
"What do you think you're doing?" Nakakunot ang noo na sabi nito. Napakamot naman ako sa ulo ko.
"Wala, aalis na ako mamaya mona ako utusan late na tayo." sabi ko. Pagkatapos ay nagtangka akong tanggalin ang kamay niya sa braso ko ay hindi ko nagawa.
BINABASA MO ANG
The Gangster Slave
Teen FictionPano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begins... /BOOK COVER MADE BY: @ART_CHING/