Chapter 21

1.5K 93 44
                                    


Stephanie POV muna tayo♡

Hindi ko talaga kayo matiiis kaya maguupdate ako sabi ko saka na ako mag-uupdate pero heto at nagsusulat ako nang chapter haha ang lalakas niyo talaga sa akin readers. Pakiisip naman kung anong pede kong itawag sa inyo mga readers ko haha sana merong mag-suggest dedicate ko sa kaniya next chapter iyon lang happy reading!♡

Chapter 21

Stephanie's POV

NAPA IWAS ako ng tingin ng makita kong kinantahan niya ang kaibigan ko. Kahapon ko pa alam na si Denise ang kakantahan niya narinig ko ang pag-uusap nila kahapon bago pa man kami pumunta dito.

Umiiyak akong pumunta sa isang abondonadong room. Doon ko lahat ibinuhos ang mga luha ko. Hindi ko akalaing magagawa ko iyon sa bestfriend ko.

Bess...

Sige aaminin ko na. Aaminin ko nang naiingit ako sa kaniya at gali lolt ako sa kaniya hindi siya sa 'kin nagsasabi ng totoo ilang ulit ko siyang sinasabihan na kung may hindi ba siya sinasabi sa akin pero wala siyang sinabi.

Hindi ko naman gustong saktan siya nabulag lang siguro ako nang selos. Noong sinaktan siya ni Mama pupunta sana ako sa trabaho niya at nagulat ako sa nakita ko. Kitang-kita ko kung paano titigan nang lalaking mahal ko ang kaibigan ko. Kumakain siya noon at nakatingin lang siya ka'y Denise na para bang siya lang ang babaeng nakikita niya.

Then sudenly I feel a pang on my chest.

Tinignan ko ulit sila at masaya na silang nag-uusap ni Jerome. Kitang-kita ko sa kanila ang saya habang nag-uusap sila. Masaya pa naman ako dahil kinausap ako nang lalaking gusto ko simula elementary pero mukhang naunahan na 'ko nang kaibigan ko.

Sa tingin palang ni Jerome sa kaniya alam na alam ko na...

May gusto sa kaniya ang lalaking mahal ko.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mga mata ko nang makita kong pinunasan niya iyong kanin sa gilid nang mga labi ni Denise habang nakatitig ka'y Denise, ka'y denise na bestfriend ko.

"Ha! Ano ka ba naman Stephanie, wag mong sabihing nagseselos ka?" Natatawang bulong ko sa sarili ko. Nagtago agad ako samay halaman nila sa labas nang makita kong lumabas sila.

At mas lalong sunod-sunod na tumulo ang luha ko nang makita kong hinalikan niya ang kaibigan ko...

Pinilit ko namang wag makaramdam ng kahit anong selos o galit sa kaibigan ko kasi si Denise 'yon, si Denise ang bestfriend ko ang pinagkakatiwalaan ko sa lahat.

Kaya noong umuwi ako sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nagkulong nagluluto noon si Mama.

"Stephanie, kumain kana mamaya dumating pa iyong palumunin mong pinsan." Sabi ni Mama. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagtaklubong nang kumot habang umiiyak.

Bakit ganito kasakit?

Ayaw kong katiting na makaramdam ng selos o galit kay Denise dahil masama iyon, kaibigan ko siya. Pilit ko iyong pinapaala sa sarili ko.

Kapag nakikita ko sila ay pilit akong ngumingiti kahit ba na parang dinudurong ang puso ko. Pilit ko ding pinapaala sa sarili ko na. Ayos lang 'yan Stephanie, hindi pa naman siya ang huling lalaking natitira dito. Kailangan mo nang mag-move on dahil mukhang ang bestfriend ko ang gusto niya.

Unti-unti nading lumalayo ang loob ko ka'y denise. Hindi dahil galit ako sa kaniya dahil gusto siya nang lalaking gusto ko kundi pilit kong pinapaala na wag akong magselos sa kanila. Sa tuwing masaya silang nagtatawanan o sabay silang kumakain.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon