Chapter 11

1.4K 104 2
                                    


DENISE



"Uy bess," Tawag sa 'kin ni Stephanie. Kaya napalingon ako sa kaniya. Kelangan nito? Lumapit naman ako sa kaniya. "Ikaw ha, may 'di kaba sinasabi sa 'kin ha?" Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang itatago ko rito?

"Ha? Eh ano itatago ko?" Wala naman eh, tss.

"Sus, neknek mo." Sabi nito. Napairap ako ano bang nangyayari dito?

"Ewan ko sa 'yo."

"Hmp, kunyari kapa alam kong meron kang hindi sinasabi sa 'kin." Nahihimigan ang pagtatampo rito. Ay! Ewan ko rito sa babaeng 'to.

Tumunog na 'yung bell kaya inayos ko na ang mga gamit ko at pumunta na kami sa classroom. Wala naman masyadong ginawa naglesson lang ng kaunti nag-quiz then umalis na.

"Miss Gonzales." Tawag samin ng proffesor ko. "Tara muna sa office, may sasabihin ako." Sabi nito. Tumingin muna ako ka'y Stephanie bago sumunod do'n. Ang natatandaan ko wala naman akong ginawa kaya hindi ko kailangan matakot.

Nauna siyang pumasok sa office n'ya. Pumasok narin ako. Nakita kong may kinuha siya sa na papel.

"Miss gonzales, papirmahan mo nalang 'to sa guardian mo, para sa uniform mo tutal scholar ka, wala na 'yung bayad ang kailangan mo nalang ay ipapirma ito. Nakahinga ako ng maluwag kala ko kung ano na.

Kinuha ko ang papel. "Salamat po ma'am." Sabi ko tumungo lang muna ako bago lumabas. Buti naman makakukuha ko na ang uniform ko. Nauubos na ang mga damit ko e, baka sa susunod ay pangbahay na ang masuot ko. Papirmahan ko nalang 'to ka'y auntie.

Nakasalubong ko si Jerome si daan. Ngumiti lang ako rito at nauna ng umalis may klase pa ako.

"Hoy! Slave." Napatingin ako ka'y Daryll ngumiti ako rito. Ayokong makipagtalo. Nakita ko naman 'tong natulala at nag-iwas ng tingin 'tch arte ha.

Lumapit ako rito. "Oh, bakit boss?" Tanong ko rito.

"Mamaya ha, sa liblary may iuutos ako sa 'yo." Sabi nito at iniwan ako inirapan ko ito 'di naman n'ya makikita dahil nakatalikod na ito. Kainis, utos na naman.

Dumiretso nalang ako sa nextclass ko.

***

"Good bye." Sabi ni ms at iniwan kami. Naghiyawan naman ang iba kasi tapos na ang klase. Inunat ko ang mga kamay ko.

"Stephanie." Binalingan ko s'ya ng tingin. "Una kana ha, sunod nalang ako." Sabi ko. Tinignan lang ako nito bago inayos ang gamit. Hmm.. Weird ha.

"Stephanie!" Tawag ko. Lumingon naman 'to sa 'kin, hays, sana 'di s'ya galit.

"Wala.. Sige."

Pagkaalis ni Stephanie ay dumiretso na ako sa liblary. Tumingin muna ako ro'n buti naman at nandoon na s'ya. Naglakad ako papalapit sa kaniya. Nagbabasa s'ya ng libro. Kumuha ako ng libro at binagsak sa tabi n'ya.

"Fuck!" Gulat na sigaw n'ya at naitapon pa ang libro. Humagalpak naman ako ng tawa haha.

"T-teka hahaha." Utas kong tawa habang masama ang tingin n'ya sa 'kin.

"Tumigil kana, or else.." Nagbabantang sabi nito. Tss. Okay shutup na.

Tinakpan ko ang bibig ko at umupo sa tabi n'ya habang siya ay masama parin ang tingin.

"Oh, ba't mo nga ako pinatawag dito?" Tanong ko rito saba'y kuha ng libro.

"Tss. Sagutan mo 'to, balita ko matalino ka e." Sabi nito sabay bagsak sa 'kin ng isang buong libro.

"Hanapan mo 'yan ng mahahalagang bagay tas isulat mo sa papel." 'Yun lang at umupo na ito sa isang upuan at nagcellphone. Mangha akong tumingin sa kaniya. Wow! As in wow.

"Wow ha! Wow na wow!" Sarkatistong sabi ko. Tinignan ko naman 'to, halos manlumo ako sigurado s'ya E, napakarami nito. Sarap isungalngal sa kaniya. Napaupo ako. Dapat pala di na ako pumunta dito. Buwiset.

"Ano, di mo pa ba sisimulan alas-sais na." Nakangising sabi nito at halatang inaasar pa ako. Mahina pa itong natatawa.

Nanlaki ang mga ko. Ano ala-sais na? Lintek. Dali-dali ko kinuha ang papel at ballpen ko sa bag at naghanap ng mahahalagang bagay rito pati inan-underline ko narin ang mga salita para di ko makalimutan.

Habang nagsusulat ako nakarinig ako ng paglock ng isang bagay. Napatingin ako ka'y Daryll tinignan n'ya ang oras at nagitla ako sapag mura n'ya.

"Fuck! Fuck!" Sunod sunod na mura n'ya at kinakalampag ang pinto. Bigla ako ro'n kinabahan, sana mali iniisip ko.

"A-anyare?" Kinakabahan usal ko. Hindi hindi kami-

"Nalock tayo, tangina!" Sigaw nito. Patay! Shit! Lagot ako ka'y auntie ipapapirma ko pa ang uniform ko waa!

"Hala! Hoy! Buksan n'yo 'to, may tao pa." Kinalampag namin ng kinalampag hanggang sa manakit ang kamay ko. Tumigil na kami sa kakahampas kasi wala na we're lock.

"Ikaw kasalanan mo 'to!" Sigaw ko sa kaniya. Galit siyang tumingin sa 'kin.

"Ikaw rin kasalanan mo, pabagal bagal ka. Alam mong nagsasara 'to ng alasiete buwisit!" Nakita kong may kinuha siya sa buksa n'ya at nakita kong cellphone n'ya.

"Fuck! Ba't ngayon pa!" Singhal nito at nagulat ako ng ibato n'ya ang cellphone n'ya. Nagulat nalang kami ng namatay ang ilaw pati ang aircon. Hindi naman sa takot ako. Takot ako kasi.. May kasama akong lalaki. Malas, malay kobang may gawin 'tong kabalustugan ha!

"Buwiset!" Naiiyak na sabi ko.

"Fvck! Ngayon pa." Sabi nito. Pinilit pa n'yang kalampagin ang pinto pero wala talaga.

Huhu.. Paano na 'to? Edi nawalan ako ng uniform kailangan ko tong mapapirmahan. Kinuha ko naman ang papel. Paano na to? Di naman ako pedeng pumirma kasi malalaman nila.

"What that's?" Tanong ni Daryll. Mahinahon na siya umiiyak akong tinuro siya.

"You! Buwiset ka, mawawalan ako ng uniforme sa 'yo, alam mo bang wala na akong maiisusuot tapos, maiibibigay na sana sa 'kin ang uniform ko kung di mo lang inutusan." Sabi ko sabay hampas sa kaniya. Ang babaw pero gusto ko ng magkauniform.

"Tumigil ka nga parang 'yan lang tsk. Akin na ako na pipirma." Sabi nito sabay hablot sa 'kin nung papel. Napaisip ako pinunasan ko ang luha ko. Oo nga no, puwede naman siya. Siya naman pati ang may kasalanan.

"Buti naisip mo."

"Tss. Oh okay na tumigil kana nakakarindi ang boses mo." Tinignan ko ang pirma n'ya ang ganda.

Inirapan ko nalang ito at sumandal sa pader. Inaantok na ako plus gutom pa ako. Narinig ko naman ang pagkulo ng tyan ni Daryll napatawa ako I guess di lang ako ang gutom.

"Psh! Stop laughing, walang nakakatawa."

"Hay, inaatok na ako." Sabi ko sabay hikab. Ang bilis kong antukin ngayon.

"Ay!wait teka, hindi kaba hinahanap ng magulang mo ha?" Tanong ko. Naging blankong ulit ang tingin n'ya sa 'kin.

Katakot ha!

"Wag na wag kang magtatanong tungkol sa kanila." Sabay padabog na umalis ito. Napayuko ako pakialamera ko. Tinatanong ko lang e, baka kasi hinahanap na siya. Tss.

Hays, inaantok na talaga ako. Kinuha ko ang bag ko at ginawa 'tong unan pede na 'to.

Sana bukas hindi magalit si Auntie.

_____❀_______


Sunod-sunod muna ang update ko (not sure.) Pangbawi manlang sa matagal kong hindi nakapag-update salamat sa bumabasa.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon