Chapter 23

1.3K 135 40
                                    

May update na po haha! Vote and comment po kayo about dito sa chapter na ito, Para ganahan po ako mag-update, enjoy reading I hope you enjoy this chapter.




DENISE




Nagising ako dahil parang may-umuungot. Para nanaginip, kaya tumayo ako galing sa guest room at pumunta doon sa kwarto ni Daryll. Doon kasi nanggagaling iyong ingot.

Siguro ay nanaginip siya.

Kumatok ako doon pero wala paring nagbubukas, at lalong lumalakas ang ungot kaya sinipa ko na iyon, mabilis naman iyong nabuksan kaya pumasok ako sa loob. Nakita ko si Daryll, pawisan habang pabaling-baling ang ulo.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya. "Hoy! Gising! Hoy!" sabi ko. Pero ayaw niyang gumising kaya sinampal ko ang kaliwang pisngi niya.

Bigla naman siyang napabalikwas at hinihingal na tumitingin sa 'kin. "Nanaginip ka," sabi ko. Huminga naman ito ng malalim at noong tumingin sa 'kin ay kumunot ang noo nito. Ala singko na ng umaga.

"Paano ka nakapasok dito?"

"Sinipa ko iyong pinto, nagising kasi ako nananginip ka pala," sabi ko.

"Tsk, 'wag ka nga basta pumasok sa kwarto ko! Alis na slave!" sabi nito. Inirapan ko naman ito. Siya na nga ginising baka kung hindi ko siya ginising ay hindi na gumising habang buhay.

"Kapal nito, ikaw na nga ginising bahala ka jan." Padabog akong lumabas ng kwarto niya.

"Hoy, slave 'wag kang aalis ha, kung gusto mong tulungan kita!" Sigaw nito sa 'kin. Nagtaka naman ako. Anong klaseng tulong?

Anyway hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso doon sa guest room. Pa-iba iba talaga ang mood ng lalaking iyon, kagabi mabait, tas ngayon naman tinotopak na, gulo!

Naligo lang ako doon, at bigla kong naala na wala nga pala iyong mga damit ko! Napasapo ako sa noo ko. Paano na 'yan? Wala akong damit. Ilang oras akong nakatunganga sa pinto at iniisip kong magpapakuha ba 'ko ng damit sa kumag nilalamig na din ako. Kaya no choice.

"Boss daryll!" Sigaw ko.

Daryll Shawn's POV

Hila-hila ako ng daddy ko kung saan. Hindi ako makapalag dahil hila-hila niya ang manggas ng aking damit. Umiiyak lang ako sa kaniyang harapan dahil nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinadala dito.

"Tumigil kana shawn! Naririndi na 'ko sa boses mo!" Galit na sigaw nito sa akin, pero hindi ko mapigilang umiyak dahil hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Nalulungkot pa ako dahil 'wala nang magtatanggol sa 'kin, because she left me... She didn't do her promise.

Nagulat nalang ako ng basta akong itinapon ni Daddy na parang walang kuwentang bagay sa tambak ng mga bigas.

"Sir, pinapatawag niyo daw po ako?"

"Oo..." Napatingin ako ka'y Daddy, may binunot ito sa kaniyang bulsa at nanlaki ang mga mata ko ng malaman ko kung ano 'yon. "Dahil may atraso kapa sa 'kin!"

"Wag!!" Sigaw ko pero huli na ang huling narinig ko nalang ay ang isang putok ng baril na tumatama sa lalaki sa ulo ito tinamaan ni Daddy. Napasigaw nalang ako sa takot.

"Hoy! Gising hoy!" Napabalikwas ako ng bangon ng sumampal sa pisngi ko. Hinihingal akong napahawak sa ulo ko. Kinalma ko ang sarili bago tumingin kay slave. "Nanaginip ka," Patuloy nito. Napakunot ang noo ko.

Paano to nakapasok sa loob ng kwarto ko?

"Paano ka nakapasok dito?"

"Sinipa ko iyong pinto, nagising kasi ako nananginip ka pala," sabi niya.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon