Chapter 26

1.1K 89 21
                                    

Surprise update yes! 'di ko alam kung magtutuloy-tuloy dahil bakasyon na namin hirap din umiisip ng scene.

Chapter 26

Denise's POV

"Saan mo ba kasi ako dadalhin ha?!" Sigaw ko sa kaniya habang parang wala lang siyang naririnig kaya naman nainis ako. Nasaan na ba kasi iyong dalawa? Bakit naman kasi sila umalis doon!

"Shutup! Slave, hindi kaba naririndi?" Inis na dumungaw siya sa salamin. Nasa backseat ako nakaupo. Inirapan ko naman siya, imbes na makakapunta pa ako sa market, kailangan ko pang sumama sa kaniya.

Hays!

Nanahimik nalang ako dahil 'wala namang mangyayari kung iimik lang ako ng iimik.

━━━━━ ∘°∘♡∘°∘ ━━━━━


"Baba na!" Pagalit na sigaw niya at umiwas ng tingin sa akin. Napatingin naman ako sa binabaan namin bakit parang nasa beach kami? Ewan!

"Nasaan tayo?" takang tanong ko. "Sure kabang nandito sila ha?" Patuloy ko. Hindi ito ang inaakala ko, para itong beach dahil kitang-kita dito ang kulay blue na dagat at magandang tanawin. Ang akala ko ay nakatali siya at may busal ang bibig dahil sa pagsama sa akin.

"A-Ah let's go!" Mabilis na saad niya at lumakad na. Nagtataka man ay sumunod na 'ko dahil gusto ko ng umuwi malalagot na din si Stephanie kay Auntie, dahil hindi padin ito umuwi, siguradong nag-alala 'yon.

Pero lahat naman ata ng inay nag-aala sa kanilang mga anak.

Susumunod lang ako sa kaniya kung saan siya pupunta, hanggang sa huminto kami sa isang kubo. At ang nasaksihan ko...

Nagtatawanan silang dalawa habang kasama si Jerome at Kiro! Kita ko pa ang mahina at may landing hampas ni Arabella kay Kiro!

Ito lang masasabi ko.

Kingina!

Alang-ala ako tapos ang masasaksihan ko! Nagtatawanan sila, akala ko kung ano na ang nangyari sa kanila! Mabilis akong lumapit sa kanila at mabilis silang hinampas sa braso nilang dalawa.

"Ouch!- Denise?!" Gulat na sabi nang dalawa. Pinanlakihan ko naman silang dalawa habang natigil naman ang dalawang ulupong sa tabi.

"Buwiset kayo! Alalang-ala ako tapos ganito?! Nakakainis naman kayo! Stephanie, Arabella!" Inis na sabi ko sa kanilang dalawa. Tumayo naman silang dalawa sa akin at kumapit sa braso ko. I took a deep breath.

"A-Ah sorry na denise, 'di kasi kami nakatanggi e..." Si Arabella ang unang nagsabi. Hindi ko naman siya pinansin. Nandoon na ang tatlo sa may buhanginan. Nakatingin sa amin.

"Bess, ano ayaw ko namang talagang sumama kaso..."

"Kaso ano ha?!" Singhal ko sa kaniya. Napayuko namang silang dalawa.

"Kaso ano, hinila na nila ako e, sorry talaga..." ani Stephanie.

"Ha!" Pasaring na singhal ko. "Nakakainis kayo! Sino bang pasimuno nito ha?!" Galit na sigaw ko natahimik naman sila.

"Denise, don't shout kami ang nagsama sa kanila, gusto lang namin nang bonding at si Daryll ang nagpasimuno nito." saad ni Kiro. Napatingin naman ako kay Daryll bago siya samaan ng tingin.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon