Chapter 27
Denise's POV
"Oh! Hello guys!"
Sigaw ni Alexa habang ngiting-ngiti na nakatingin sa amin, not until na mapadako ang paningin niya sa 'kin.
"Why she's here?!" sabay turo nito sa akin.
Aba ewan ko! Itanong mo sa nagngangalang Daryll Shawn Cortez!
"Pakialam mo? Ha sumasama kapa sa 'kin!" Sigaw ni Lawrence habang masamang nakatingin kay Alexa.
"Of course! Bakit hindi ako kasama, hindi mo ba alam na ako ang queenbee ng school ha?!" She fired back.
"Oo nga queenbee ka, reyna ka ng bubuyog!" sabi ni Laurence bago tumawa. Inis naman itong umirap bago tumingin sa 'kin.
"Bakit kasama mo 'yan lawrence ha! Ikaw ha!" Sabay lapit ng mga kaibigan niya sa kaniya. Tinukso-tukso panila ito kaya parang namutla ito na hindi mawari, parang nasusuka na ewan.
"Yuck! Hindi ko nga alam kung bakit nandyan 'yan e pagbukas ko palang ng likod ng sasakyan nakita ko 'yan doon nagtatago! Tapos bigla nalang lumabas! Tangina, tapos 'yang mga 'yan daldalan ng daldalan sa loob karindi!" Inis na sabi nito. Lumapit naman sa kaniya ang tatlo.
"Cheer up pre!" Sabay tapik noong tatlo. Si daryll naman ay wala poker face.
"Tsk! Hayaan niyo na sumama na e! Basta 'wag lang manggugulo! Tara na bumalik na tayo doon." Si Daryll bago ilagay ang dalawang kamay sa bulsa niya bago nauna na sa aming naglakad.
"Omg! Yesss!" Tili ni Alexa. Nauna pa ito kesa sa amin pero inirapan kami nito ng mapadaan kami lalo na kay Arabella. Akmang aabaan ito ng suntok ni Arabella pero pinigilan namin. Ayaw na namin ng gulo. Gusto namin magrelax hindi gulo.
***
"Guys! Laro tayo bilis!" Sigaw ni Alexa pagkatapos naming kumain. "Come on! Minsan lang 'to no!" sabi nito bago kami hilahin.
"Diba girls?" Pinanlakihan pa kami nito ng mga mata kaya tumungo nalang ako.
"Oo nga parang exciting ah! Ano bang laro?" Tanong ni Kiro.
"Truth or dare!"
"E! Boring wala na bang iba?" Si Jerome.
"Kj! Hayaan niyo na basta nakapaglaro tayo."
Bumilog kami at kumuha ng lata si Kiro sa ininom namin kanina, uminom sila pero hindi naman kadamihan.
"Game! Game!" Excited na sigaw nila. Habang kaming dalawa ni Daryll ay tahimik lang na nakatingin sa kanila. Tumingin naman ako sa kaniya at nakita kong nakatingin din ito sa akin. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko kaya mabilis akong umiwas ng tingin.
Bakit naman kasi siya nakatingin sa akin?!
Tumingin nalamang ako sa kanila at nakita kong pinapaikot na ni James ang bote ng mineral water. Hanggang sa tumapat iyon kay Kiro.
"Sinong magtatanong?" sabi ni Arabella.
"Kung kanino tumapat ang puwetan ng bote iyon ang magtatanong," si Lawrence. Tinignan namin ang bote at nakita naming kay James iyon nakatapat.
"Si James ang magtatanong game na." Si Kiro. "Ayusin mo ha!" Nagpustura pa ito ng dalawang kamay habang nakatingin ng nakakaloko.
Tumawa naman si James. "Trust me dre! Truth or dare?" Tanong nito.
"Hmm, Truth." mabilis na sabi nito nagsipulan naman ang mga loko nitong kaibigan maliban kay Daryll natahimik lamang.
"Sino ang first kiss mo?" Tanong ni James.
BINABASA MO ANG
The Gangster Slave
Подростковая литератураPano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begins... /BOOK COVER MADE BY: @ART_CHING/