Chapter 19

1.5K 132 29
                                    



DENISE

"Auntie, gusto ko pong sumama..."

Humawak ako sa kaniyang braso pero agad niya iyong iwinaksi kaya tumama ang aking kamay sa lamesa naming kahoy. Masakit iyon dahil tumama doon sa may dulo nang lamesa. Pero 'di kona binigyan iyon nang pansin.

Gusto ko talagang sumama sa Camping. Minsan ko lang kasing maranasanan ito.

"Wag mokong mahawakhawak, Lorein! Hindi ka sasama! Maglilinis ka dito! At wag na wag kang susunod sa 'kin naririndi na 'ko sa 'yo!"

Huli nitong sabi bago ako iniwan dito. Bigla akong nanlumo. Nakailang pangungulit na ba ako? Bumagsak ang dalawang balikat ko. Kami nalang ang tao ni Auntie dito. Si Stephanie, at Stacey nandoon na sa Pagsusunduan sa amin.

Binagsak ko ang bag ko at napaupo. Mukhang hindi nga ako makakasama. Tungkol pa doon sa ginawa ni Stephanie. Pagkauwi ko dito hinatid ako ni Daryll sa bahay. Nakita ko si Stephanie na nakaupo sa sofa namin at nang makita ako ay dali-dali itong pumasok sa kwarto niya kaya hindi kami nagkausap.

At aaminin ko man o hindi. Merong namuong galit sa 'kin. Hindi ko lang talaga maisip na magagawa niya sa 'kin iyon sa tinagal ng pinagsamahan namin.

"Hoy lorein! Pumasok kana doon sa kwarto mo! Dahil hindi kita papayagan na umalis." Sabi nito.

Nanlulumo akong kinuha ang gamit mo. I guest, 'di ako makakasama. Baka siguro sa next year makasama ako.

"At nga pala, wag na wag mong babalaking umalis dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." Pagbabanta nito. Hindi ko nalang iyon pinansin. Paano naman ako makakaalis lahat nang pinto ay nakasarado.

Dumiretso na 'ko sa kwarto ko ay humiga agad sa banig ko. Oo, sa banig lang ako natutulog wala pang i-lectricfan. Nga pala tungkol doon sa suspended ako. Natapos na iyon kahapon lunes. Magdamag lamang ako sa bahay. Pahinga pero mukhang hindi iyon pahinga dahil pauli-uli ako palagi kasi akong inuutusan ni Stacey at Auntie. Si Stephanie naman ay pumapasok nauunang umuwi si Stacey ka'y Stephanie. Kaya hindi rin kami nagkakausap dahil dumidiretso na iyon sa kwarto niya.

Tinignan ko ang oras doon sa may maliit na alarmclock ko bigay pa iyon sa akin nila Mama at Papa maliit na iyon at buti pa nga ay ayos pa iyon sa tagal na nang panahon. Napamahamal na rin kasi sa akin e. Ilang minuto nalang ay aalis na ang bus namin. Napatingin ako sa cellphone ko ng tumunog iyon.

Galing ka'y Daryll.

Daryll:

Hoy slave! Ano hindi kaba attend sa camping?

Napataas ang kilay ko. Bakit parang galit pa ito? Anyway nagtipa ako ng reply dito.

Me:

Hindi ako makakasama.

Sinend ko agad iyon. Inilagay ko ang aking cellphone sa tiyan. Napabuntong hininga ako. Kahit gusto kong sumama ay wala akong magagawa.

Kinuha ko ang cellphone ko nang magvibrate iyon.

Daryll:

Tsk. Pumunta ka aalis na ang bus. Kapag hindi ka pumunta alam mo na!

Inis kong inirapan ang text niya na para bang nakikita niya ako. Iyon naman ang pangblackmail niya. Hays. Tumayo ako at tinignan ang bintana.

Gusto ko talagang sumama. Kahit hindi sabihin ni Kumag. Gustong-gusto kong sumama.

Napatingin ako doon sa may bintana. Iyon nalang ang tanging labasan para makapunta ako. Parang biglang gumana ang utak ko. May tuntungan roon. May nakita akong kurtina kaya kinuha ko iyon at tinali nang maigi medyo mababa lang naman kaya sakto na iyon. Binato ko muna ang bag ko sinurado kong hindi ako makakagawa nang ingay nang ako na ang bumama.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon