Chapter 3

2.2K 183 56
                                    

Chapter 3

Denise's POV

Nagtataka parin ako sa inaasal ni Stephanie sa akin. Ano ba 'tong babaeng 'to, parang baliw. Hays! Maya kona nga tanungin. Kasalukuyan kaming ngayon nakikinig sa propesor namin.

"Good morning class, I'm Mrs. Bernadette. Your Filipino Teacher for the whole year, mabilis akong pakisamahan sa madaling pakisamahan." sabi ng aming propesor. Hays! Gutom nako. Hindi tuloy ako nakakain ng break-time eh.

Gawa ng noong lalaking iyon!

"By the way class, Maghanda kayo ng index card ninyo para tuwing may recitation ay maiirecord ko." sabi nang propesor namin kaya kinuha ko 'yong index card ko sa bag at sinunod 'yong sinabi ni Mrs. Bernadette

Tumunog na 'yong bell kaya, kinausap kuna si Steph.

"Woshu! Natapos rin." Binalingan ko ng tingin si Stephanie. Tatanungin ko na 'to kung anong nangyayari sa kaniya. Baka napagalitan ni auntie dahil sa nangyari kanina. Pagkasukbit ng mga bag namin ay hinigit ko na siya palabas ng room at pumunta kami sa likod ng School. At dumiretso kami sa Garden.

"Hoy, Stephanie. Anong nangyayari sa 'yo? Kanina kapa ganiyan. Sabihin mo sa akin?" sabi ko sa kaniya. Pinaupo ko naman siya.

"Kasi naman. . . ikaw ang pinoproblema ko kaya ako ganito." aniya. kaya nagulat akong napatingin sa naniya. ano ako? Pano naging ako?

"Teka-teka! Pano naging ako? I mean kaya ka tulala kanina dahil sa 'kin?" sabi ko pa. Tumungo naman siya sa akin.

Eh bakit?

"Teka... Bakit?" Tanong ko. Napahinga naman siya ng malalim.

"Kung di kana kasi isa't kalahating baliw eh, inalam mo muna kung sino 'yong binato mo denise. Nag-aala ako sa 'yo, E, pano kung matanggal 'yung scholar-ship mo? Ha!" Sabi niya at nagulat ako ng umiyak siya. Teka-teka naguguluhan nako.

"Shunga, wag ka nga umiyak! Parang baliw at teka, teka nga bat naman mawawala 'yung scholarship ko?" Taka kong tanong kaya lalong lumakas 'yong iyak niya hala! Parang baliw. Dahil nag-aala ako ay niyakap ko siya.

"Ano ba! Wag ka nga umiyak naiiyak ako sa 'yo eh, kahit di ko pa alam kung bakit."

"Kasi naman... 'yong binato mo lang naman si Daryll Shawn Cortez. At apo siya nung may-ari nitong school kaya ako naiiyak Huhu." ani Stephanie.

Teka, Processing...

"WHAT!!" Malakas na sigaw ko na umeko dito sa lugar kung san nasan kami. A-ano anak siya ng nagpapaaral sa 'kin dito? Sabihin ninyong niloloko lang ako ni Stephanie. Please! Paki bawi huhu. Kasi Hutek! Naiiyak ako.

"S-Stephanie... D-di magandang biro 'yan ha..." Utal-utal na sabi ko at umiyak narin kagaya niya.

"Waaa! Stephanie." Iyak ko sa kaniya. Huhu sabihin ninyo ng O.A pero kasi naman apo siya ng nagpapaaral sa 'kin. Ang gaga mo Denise. Huhu kahit hindi na niya bayaran 'yong cellphone okay lang basta wag matanggal 'yung scholarship ko.

"Pano na 'yan, di ko naman alam na si kumag pala 'yong apo ng may-ari nitong school na 'to?" sabi ko sa kaniya. Nagulat naman ako ng batukan niya ako.

"Ikaw kase eh, pano na 'yan kung magsumbong si Daryll sa lolo niya. Pano kana ha?! Di ka nag-iisip eh." Pano na 'yan? Hindi ko rin alam. Ang gagawin. Kaya tumayo nalang ako at pinunasan yung luha ko at hinigit ulit siya papunta sa cafeteria. Gutom na ko eh. Hindi pa ko kumakain.

"Tara na, maya na natin 'yun problemahin kumain muna tayo." sabi ko sa kaniya at humanap kami ng mauupuan. Nagbulungan na naman ang mga tao rito sa canteen.

"Omg! Diba siya 'yon? 'Yung nang bato kay daryll?"

"Lagot na siya, maghanda na dapat siya."

"I'm excited ano kayang ipaparusa sa kaniya ni Daryll?"

"Kung ako 'yan hindi nako papasok pa."

"Kaya nga."

"Kahihiyan siya sa school natin."

Naku! Ang mga bubuyog nagdagsaan na. Tch, hindi naman nila alam 'yong nangyari pero grabe magbulungan. Hindi na ata 'yun bulungan. Nagpaparinig talaga. Tsk grabe.

"Denise, pano na 'yan?" Natataranta na sabi sa 'kin ni Step. Kahit ako hindi ko rin alam 'yung gagawin... Pano na ba 'to? Kung nalaman ko lang agad na siya pala 'yung apo ng may-ari neto.... edi sana hindi ko siya nabato. Kainis, 'yung lalaking iyon.

"Kahit ako, Steph hindi ko rin alam." Problemadong sabi ko sa kaniya pagkaupo namin. Naka-order na rin kami ng hindi namamalayan. Masyadong malalim 'yong iniisip namin. "Siguro, mag-antay nalang tayo ng parusa. Galing sa kaniya." sabi ko.

"Gaga, hindi mo ba alam kung ano 'yong ginagawa niya ha. Sa mga nanakit sa kaniya. Or kumakalaban sa kaniya. Denise, Hindi mo kilala 'yong taong 'yon. Hindi mo ba alam na gangster sila?" Sabi niya.

Tch! Maniwala. Sila Gangster? Oo nga nakakatakot sila pero... hindi halata sa kanila.

"Hays! Kung sana binayaran na niya agad 'yon edi sana di ko siya nabato." sabi ko. Nahalumbaba sa mesa. Habang tulala at pinaglalaruan ang pagkain ko. Parang umurong 'yong gutom ko sa nalalaman ko.

"Ay lintek!" Nagugulat na sigaw ko. Pano ba naman, ang lakas ng ring ng bell. E, tulala pa naman ako. Chineck ko 'yung oras ko sa relo kong nabili ko sa palengke. Nang tignan ko ay tapos na ang lunchbreak namin. 11:23 am na.

Half-day lang kasi kami ngayon. dahil first day of school. Kaya may isa pa kaming subject naatendan. Kaya umalis na kami ni Steph sa canteen sa pumunta na sa next-subject namin.

Hays, unang araw, disasater agad, na bato ko pa iyong apo nang nagpapaaral sa 'kin. Hays.

PUMASOK na kami sa room at nakinig sa propesor namin. Tumunog na ulit 'yung bell kaya Pagkatapos ng last subject ay naghanda na kami para sa uwian. Nagmamadali na nga kami ni Steph sa pagkilos e, baka kasi maabutan kami nung daryll kumag na 'yon, baka bigla nalang niya kami ipabaril sabi kasi ni Steph, may lahi 'yong gangster waaa! Ayoko pang ma-tigok no. Kaya nagmadali na kami ni Steph sa paglalakad. Ang kaso. . .

"Bes, naiihi na naman ako buwiset paki-intay nalang ako sa labas ng campus. Mag-ingat ka ha, intayin mo nalang ako don." Sabi niya. Napairap naman ako ihi na naman E, baka mamaya maabutan kami nung kumag na 'yon at mga kasama niya. Lagot talaga kami.

"Sige, sige na baka mamaya, mapaihi kapa sa short mo, kadiri ka!" Sabi ko sabay taboy sa kaniya. Kahit natatakot na 'ko. Natatakot akong lumabas ng campus mag-isa. Naglakad nako papuntang main gate. at binibilisan ko 'yung paglakad ko para kasing may mali. Parang may sumusunod sa 'kin. Nilukob ng takot ang pagkatao ko. Kaya binilisan kopa ang paglakad. Nakarating na 'ko sa may gate ng bigla may humila sa 'kin papunta sa likod at sisigaw na sana ako kaso. . .

"Shit, wag kang sumigaw." Sabi niya pero di ako nakinig.

"Waa! Tulong po!" Sigaw ko kaya narinig ko naman ang mura niya.

"Fvck! Sabi ko wag kang maingay E, pasensya na kailangan ko 'tong gawin sa'yo." Sabi niya at nabigla nalang ako ng takpan niya 'yung bibig ko ng panyo. Unti-unti naring nagdilim ang paningin ko at napaupo ang huli ko nalang nakita ay naka-mask sila ng itim at nakahood ng itim may deads ata sa kanila dahil lahat sila naka-itim WAA!! Kaso unti-unti nakong nilamon ng dilim at. . .

BLANK

--

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon