Chapter 4
Denise's POV
DAHAN-dahan kong inimulat ang mata ko. At tinignan ang paligid madilim dito. At tanging ilaw lang sa harapan ko at sa ilaw na nang-gagaling sa labas ng mga bintana. Hapon napala siguradong hinahanap nako nila auntie lalo na si Stephanie. Kailangan ko nang makaalis rito. Tinangaka ko naman gumalaw pero nagulat ako ng makita kong nakatali ang kamay at paa ko sa likod ng upuan. Anak! Ng teteng oh, nakatali pako. Pagnalaman ko talaga kung sino 'yung nag-pakidnap sa 'kin sisikmuraan ko talaga siya.
Teka! Si daryll kumag lang naman 'yung may galit sa akin ah. Ay hindi pati 'yung mga fangirls niyang mukhang tuko. Kidding.
"Oh, gising kana pala." Nagulat nalang ako ng may nagsalita na. Hindi ko makita 'yung mukha niya sa sobrang dilim.
"Sino kayo?" Sigaw ko.
"Hays, wala naman kaming gagawing masama sayo." Sabi nung lalaki. Teka! Parang narinig ko na 'yang boses na 'yan ah. "At mamaya malalaman mo rin." Sabi niya. Mukhang namang sincere siya. Kaya hindi muna ako nag wala. Huminahon muna ako pero nagulat nalang ako ng magbukas ang pinto nun. At nagulat nalang ako ng may nagbato sa paanan ko ng bola. Ansakit pa buwiset. Pasalamat 'to at nakatali ako.
"Ano! Bakit susubukan mo bang batuhin ako? Ha! Matapang ka talagang babae ka." Hindi ako nakapagsalita sa gulat, si.. si.. Daryll Shawn. siya 'yung nagpa kidnap sa 'kin. Teka! Bat pa ba ako magugulat as I expected.
"Ano, tulala ka ngayon." Sabi niya sa akin at ngumisi.
"Ikaw ang nagpakidnap sa 'kin?" Sigaw ko. Ngumisi naman siya sa akin na para bang sinasabing "obvious ba?" Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang madiin ang pisngi ko. Napadaing naman ako. Patay! Lagot ako neto, mukhang may lahi 'tong ata 'tong gangster waa! Lagot na talaga ako.
I'm dead. . .
Hindi?!
Oo. . . Para na akong deads, kasi ipapatapon na ako sa ilog. At waa! Makakasama kona sila mama!
"Tignan mo kung anong ginawa mo sa noo ko." Sigaw niya sa 'kin. Kaya chineck ko 'yung mukha niya at nakita ko nga 'yong malaking bukol sa noo niya. Napalakas talaga 'yung pag bato ko.
Halata naman eh!
"Eh, kung binayaran mo na agad 'yung cellphone ko. Hindi kita mababato!" Sigaw ko rin.
"Fvck! wala akong pakialam sa explanation mo!" Sigaw niya. Hindi kaya 'to mapaaos kakasigaw niya. Kanina pa 'to sigaw ng sigaw ah. Syempre, denise galit siya kasi malaki 'yung bukol niya sa noo. Mapapahiya siya sa mga babae niya. Stupid denise!
"E-eh pasensya na." Nakayukong sabi ko. Parang umaatras ang tapang ko. Kasi galit na galit talaga siya. Grabe ganto pala magalit ang isang Daryll Shawn. Kakatakot waaa! gangster ba sila?! Pero di pa ba halata naka-black silang lahat at nasa abandonadong lugar kami.
"Tsk. Akala mo ganun-ganun nalang 'yon." Sabi niya sa akin kaya kinabahan ako. Lalo na sa ngisi niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Kaya natakot ako. Hindi ko naman magawang maka-atras dahil nakatali ako. Waa! Kidnap! Kidnap!
"A-anong gagawin mo ha! Wag kang lalapit kundi sisigaw ako!" Banto ko sa kaniya. Nagtawanan naman sila. Sa akin. Waa! Mga adik na gwapo Waaa! "Go, ahead. Kung may makakarinig sa 'yo." Sabi niya at ngumisi sa akin.
"Shawn, tama na 'yan." Narinig kong may nag-awat sa kaniya. Kaya sinamaan niya 'to ng tingin. "Shut up! Jerome, hindi pa ko tapos sa matapang na babaeng 'to." Inis na sigaw niya dito.
"Tsk. Kahit na babae parin 'yan. dre, tama na 'yan." Awat pa niya. Kaya narinig ko na naman ang mura nitong ulupong na 'to. Pero lumayo na siya sa akin. Whoah! Buti naman. Salamat sa Jerome kuno na 'yon. Wait? Jerome?! Teka, parang narinig ko na 'yon. Isip isip! At 'yon 'yung gusto ni Stephanie. 'Yung Jerome na 'yon. Mabait pala siya E,
"Tch. Ang kj mo Jerome haha!" Narinig kong sabi nung isa.
"Tsk." Tipid na sabi nung Jerome. Pansin ko hiling nilang mag 'tch' at 'tsk'.
"Tumigil na kayo!" Sigaw ni Daryll kaya nalipat sa kaniya 'yung attention ko. Galit na naman 'to. "Jerome, yung papel." Utos niya dito. Binigay naman niya agad 'yon. Kaya nag-taka ako. Lumapit ulit siya sa akin kaya kinabahan na naman ako.
"Tsk. Wag kang masyadong matakot. Wala pa akong ginagawa sa 'yo. Babae ka pa rin kahit anong mangyari." Sabi nito. Wow! as in wow! May respeto pa pala 'to?! Nahiya naman ako wow!
"'Yan basahin mo." Tipid nitong sagot at binato sa akin 'yung papel kaya natamaan 'yung mukha ko. Bastos neto! Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nginisian lang ako nito. Binasa ko naman 'yon.
CONTRACT OF AGREEMENT
AKO SI DENISE LOREIN AY MAGIGING ALALAY NI DARYLL SHAWN SA LOOB NG ISANG 100 ARAW. BILANG PARUSA SA PAG BATO KO RITO AT DAHIL NAGKABUKOL ITO SA NOO. KAYA NAISIPAN NIYA NA PARUSAHAN AKO AT KUNG HINDI AKO SUSUNOD AY ISUSUMBONG NIYA AKO SA LOLO NIYA AT MATATANGGAL ANG SCHOLAR SHIP KO. AT IPAPABUGBOG KO ANG PAMILYA NIYA. KASAMA ANG DARK CACTUS.
AT HINDI LANG 'YON IPAPAGUIDANCE PA AKO DAHIL SA PAG-SAGOT SAGOT SA KANIYA.
ANU MANG ORAS O ARAW AY PUPUWEDE NIYA AKONG TAWAGAN AT UTUSAN. AT BAWAL AKONG MAGALIT O MAG TANIM NG SAMA NG LOOB.
WALA KAHIT SINUMAN ANG PUPUWEDENG MAKA-ALAM NITO. MALIBAN SA DARK CACTUS.
AT DAHIL NARIN SA KABUTIHANG TAGLAY NANG MAGIGING AMO KO, AY BIBIGYAN NIYA AKO NG 3K KADA ISANG LINGGO. PERO KAPAG HINDI AKO SUMUNOD SA KAHIT ANONG UTOS NIYA AY MAS DODOBLEHIN KO ANG BAYAD SA KANIYA.
END OF CONTRACT
"WHAT!? ano 'to?!" Gulat na sigaw ko. At nanlalaki pa ang mata. Narinig ko naman ang tawanan nila. Putek! Nagawa pang tumawa ng mga kumag na 'to!
"Nabasa mo naman diba? Hindi ka naman siguro bulag at hindi makabasa." Sabi niya sa akin. Kaya nainis ako at sisigawan na siya kaso...
"Ano! Sisigaw ka pa!" Sabi niya kaya. Nagpigil ako ng galit. Sino naman bang siraulo ang papayag na maging alalay niya. Sa isang tulad niya?! Siraulo na ata talaga ang papayag. Kasi ako hinding-hindi. Never! Itago n'yo 'yan sa bato!
"Hindi, hindi ako papayag!" sabi ko.
"Okay, sabi mo eh. Madali akong kausap." Sabi niya at kinuha sa bulsa niya 'yung cellphone niya at nagdial doon. Nagtaka naman ako. Bakit katapusan ko na ba? Ipapa patapon na ba ako? Tas papahirapan, Ok! Good bye earth! Pero wag muna!
"Hello lo," Sabi niya at tumingin sa akin na naka-ngisi. "Ah lolo, may sasabihin sana ako." Sabi niya pa ulit. Waa! Denise! Wag kang papayag alipin ka na nga sa bahay. Pero pag di ako pumayag maiipatawag si auntie at mapapagalitan agad ako at hindi na ako makakapag-aral waa! At mapapahamak sila. Ayoko 'non.
"Yes, lolo her name is.." Pabitin na sabi pa niya. "Den--" hindi na niya natapos dahil sumigaw na ako.
"OO NA! PAPAYAG NAKO!" Labas sa ilong nasabi ko habang nakapikit. Hindi ko maatim na sabihin.
"Nothing lo, wag na lang nag bago na isip ko. And 'yung boses na 'yon fangirls ko lang 'yon. Yes lolo." Sabi niya bago niya pinatay. Tumingin siya sa akin na. At ngumiting tagumpay. Huhu! Buwiset! Napasubo ako don ah! Waa! Blackmail ang duga!
"Okay, kakasabi mo lang tinanggap mo siya so. . ."
"Hindi ko tinanggap nang blackmail ka lang kumag ka!" Sigaw ko. Nagtaka naman siya.
"What's kumag?" Takang tanong niya kaya ako naman ang napahalakhak ako.
"Bat ko sasabihin." Sabi ko sabay belat sa kaniya.
"Damn! you're unbelievable." Sabi niya at iling-iling. Pake naman ba niya. Buwiset siya.
"Shawn, hanap na tayo. Meron daw bagong nang-hahamon." Sabi sa kaniya nung isa. Na hindi ko kilala 'yung madaldal ewan ko. Chaka? Bagong nanghahamon? Teka! Pake ko ba? Bahala sila.
"Sige." Tipid na sabi nito at binalingan ako. "Aalis na kami, bye slave. Umpisa kana bukas at oh, be ready. Bye alipin ko." Sabi niya at nginisian ako bago umalis na tatawa-tawa kasama kuno 'yung dark Cactus, weird naman nung name ng groupo niya katulad niya
Pero hays! Slave na niya ako. Hays! What to do? Slave na ako ng antipatikong gangster na 'yon. Hays! Totoo nga. . .
GANGSTER nga sila and one more thing....
I'm... The Gangster Slave
--
BINABASA MO ANG
The Gangster Slave
Ficção AdolescentePano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begins... /BOOK COVER MADE BY: @ART_CHING/