Chapter 20

1.4K 106 63
                                    

Dahil birthday ko may update tayo!♡

Check niyo iyong multimedia gano'n ang ginagawa nila. Medyo mahirap mag explain haha.

DARYLL


Napabalikwas ako ng bangon. Ah! Fuck that dream!

Bakit napaginipan ko naman iyon? Kinalimutan ko iyon. Pero palagi ko nalang napapaginipan sa tuwing matutulog ako.

Mapait akong napangiti ng maala ko naman si Potpot. Si potpot ang kababata ko. Nagsinungaling siya sa 'kin ang sabi niya sa susunod na araw pa sila aalis pero nang pumunta ako sa bahay nila.

Wala na sila...

Iniwan na niya ako. Aaminin ko man o hindi minsan naiisip ko siya. May galit ako sa kaniya. Kasi sabi niya sa susunod pa sila aalis pero wala na sila.

She's liar!




DENISE




"100 push-up!"

Napaamang ako sa sinabi ng P.E teacher namin. Ano ba naman 'to?! 100 push-up!

"Sir naman..."

"Omg! Ayokong pagpawisan!"

"Oh no!"

Sarit-sari ang naririnig ko. Buwiset! Lalong magagalit itong teacher namin dahil angal sila ng angal!

"Gagawin niyo o, dadagagan ko pa iyan?! Mag exercise kayo, hindi puro pagpapaganda! Magpapawis kayo! Kaya gawin niyo na 100 push-up!" Sigaw nito sa amin. Rinig kong angalan nila pero wala na silang nagawa kundi ang sundin ang utos ng professor namin.

"1"

"2"

"3..."

"100!" Sabay sabay na sabi namin bago mapaupo sa sahig. Kinuha ko iyong towel sa aking bag bago ipunas sa aking mukha. Rinig na rinig ko ang angalan nang mga estudyante dito sa may gym dagdag din ang init ng panahon.

"Omayghad! I can't belive na tatalon ako ng isang daan, gosh sa bahay hindi ako pinapagalaw tapos dito?!"

"Argh!"

"Nakakainis!"

"Quiet, let's continue our activity!" Sabi ng p.e teacher namin. "We will continue this activity, pero bibigyan namin kayo ng isang oras para makapagpahinga kaya magpahinga kayo." Sabi ulit nito.

Wala na kaming nagawa kundi ang sumunod. Bitbit ang mga bag ko bago pumunta sa isang upuan na nakahelera doon. Kinuha ko ang tubig ko bago ininom. Grabe nadin ang pawis ko buti nalang at nakasando ako dahil manipis ang T-shirt ko. Kinuha ko ang towel ko sa bag at pinunas sa aking mukha. Ipupunas ko na sana sa aking likod pero 'di ko maabot.

Pinilit ko padin pero nagulat nalang ako nang may kumuha noon mula sa akin at siya na nagpunas sa aking likod.

"Nagpapakahirap ka, nandito naman ako."

Nabosesan ko agad iyon kaya napangiti ako. "Salamat Jerome," Sabi ko kay Jerome.

"Always welcome, kain ka?" Tanong nito sa akin.

"Dami mo talagang pera ha, sige ba sabi ko naman sa 'yo paglibre 'di ako tatangi hehe..." I said.

He shrugged her shoulder. Bago ginulo ang aking buhok. "Iba ka talaga, tara let's eat."

Nagpatianod nalamang ako dito. Nagkaniya kaniya na ang lahat nang estudyante mukhang bibili na din sila nang makakain nila. Dumiretso kami sa isang kainan na mukhang mabubusog kami marami-rami din ang tao at mga kasama namin din sa camping ang tao. Hiwalay na kasi ang highschool at collage.

The Gangster SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon