Chapter 10

40 17 0
                                    

Hindi natuloy ang plano sana naming pamamasyal nina Tita Beatrix. Sa hindi ko malamang dahilan ay nilagnat ako kinabukasan. Ani ng Nurse na tumingin sa akin ay marahil dahil daw iyon sa sugat ko.

Panay ang sorry ni Aden sa akin nang malaman niya. Siguro'y sinisisi niya ang sarili kung bakit ako nagkasakit.

"Erich, sorry. Hindi ko naman alam, e. Akala ko..." halos maiyak na siya habang tumutulong na punasan ako ng bimpo.

"Naku, 'wag mong pansinin iyang si Aden, Erich. Sige lang, magalit ka sa kaniya," segunda naman ni Ashton dahilan kung bakit bahagya akong natawa kahit pa pumipintig sa sakit ang ulo ko.

Ngumiti ako saka tumugon sa kaibigan. "Ano ka ba, choice ko pa rin naman ang maligo kasama ninyo. Wala kang kasalanan, Aden," nanghihinang tugon ko.

Marahan kong hinaplos ang kamay niya nang sa ganoon ay mabuhayan siya ng loob at hindi na isisi sa sarili ang nangyari.

"Okay. Basta, magpagaling ka, ha? Para naman matuloy tayo bukas. Minsan lang natin mapagbigyan si tita Beatrix, e." Tumayo siya at inayos ang palanggana na nasa side table ng kuwarto namin bago nagpaalam na aalis na muna.

Tumayo na rin si tita Beatrix sa gilid ko. Tinawag niya sina Ashton at Trystan na kapwang nakaupo sa couch. "Boys, let's go na rin. She needs a rest. Let us give it to her, hmm," aniya bago ako sinulyapan. "Mauna na kami, hija. Rest well, alright?" bahagya akong tumango bilang sagot.

Tipid na tinanguan ako ni Ashton na nginitian ko naman. Matapos iyon ay nagbaba na ako ng tingin, hinihintay ang pagsara ng pinto. Ilang sandali pa ay hindi ko iyon narinig kaya muli akong nag-angat ng ulo.

Umawang ang labi ko nang mahagip ng tingin ko si Trystan. Narito pa rin siya sa silid at mukhang wala pa yatang balak na lumabas.

"Can I.. stay by your side?" tila hirap na anas niya. Lumunok siya at muling nagsalita. "Look, I'm worried about you. Gusto kong bantayan ka while you're sleeping, para na rin may katulong ka just in case you need a hand. Would you mind me doing such things to you, hmm?"

Napalunok na rin ako at mas humigpit ang kapit ko sa kumot. Hindi ko alam ang sasabihin. Simula kahapon ay hindi na ako makatingin sa kaniya nang diretso. Natatakot akong aminin sa sarili ko na baka imahinasyon ko lang iyon. Na baka sa isip-isip ko lang pala narinig ang mga iyon. Na baka.. ako lang talaga.

"I quit. Ayaw ko nang maglaro. We aren't kids anymore," masungit na sabi saka umahon mula sa pool.

Nakakurap-kurap na lang ako sa narinig. Matapos niyang sabihin na sasamahan niya akong mahulog ay aalis siya. Nagpapatawa ba siya?!

Naiinis ako! Hindi man lang ba niya naisip kung ano ang maaari kong isipin sa binitawan niyang mga salita? Na baka bigyan ko ng depinisyon iyong mga sinabi niya. Na baka umasa ako roon!

"Erich, umiiyak ka ba? Bakit, sumasakit ba ang sugat mo?" tanong ni Aden sa akin, nakababa na mula sa balikat ni Ashton.

Mabilis kong pinalis ang ilang luhang bumagsak mula sa mata ko. Bakit ba ako umiiyak? Anong iniiyak ko?

Ito na ba iyong sinasabi nilang first heartbreak? Unang hinagpis nang dahil sa lintek na pag-ibig? Pero hindi naman kami. Walang kami. Hindi kami magkasintahang naghiwalay.

Anong arte ito, Erich?

"A-Ah, oo, m-medyo." tumikhim ako para ayusin ang boses kong tila nawawala na. "Baka nasobrahan na sa babad. Paano, akyat na ako sa kuwarto natin, magbibihis na ako."

Agad na akong tumalikod at tumakbo. Baka pa makita nila ni Ashton ang pagbuhos ng mga luha ko. Magtatanong lang si Aden kung bakit at baka kung saan pa mauwi ang usapan na iyon.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon