Chapter 16

39 2 0
                                    

The holidays went smooth. Maingay naming cinelebrate ang Bagong Taon sa bahay nina Aden. Simple lang iyon. Hindi kami gano'ng naghanda ng mga pagkain dahil baka marami na namang sumobra tulad no'ng Pasko.

Back to school, mabilis lang din ang naging examination namin. I was so thankful to my self that I did brought my books with me during our short vacation. Nakapag-review ako nang todo at nakakuha na naman ng perfect score sa lahat ng subject namin. Yesterday, the list of our class rankings were being displayed on the announcement board at the main building.

And yeah, I'm the top of our batch.

"Wala bang pa-libre riyan?" Aden cleared her throat in a teasing tone.

Naka ngiting sinulyapan ko lang siya bago ibinalik ang tingin sa teacher namin sa Research na nagdi-discuss sa harapan. I should pay more attention to her. Last grading na namin 'to para sa second semester at dalawang buwan na lang magtatapos na kami as Grade 11 student. Isa pa ay magkakaroon kami ng hands on Research Paper na ide-defense namin pag natapos, which will serve as our last examination for this subject.

"Ano, Erich, kunin ko na sana iyong copy ng Background of the Study. Sa 'yo na-assign 'yon, hindi ba?"

Tipid akong tumango sa kagrupo ko bago hinarap ang bag para kuhanin ang flash drive na ipinahiram sa akin ni Trystan para magamit ko. I handed him the device and watched him as he insert it on his laptop. He took a copy of my work and pasted it on our study. Sinilip ko ang gawa ko at saka pinasadahan nang basa, conscious that I made some typographical errors and wrong grammars.

"Tangina, ang talino talaga," I heard him murmured. Medyo napangiwi pa ako sa pagmumura niya.

"Ano... okay na ba 'yang gawa ko? Pag hindi, pwede pa naman na baguhin..." sabi ko na lang.

He looked at me with a paint of disbelief on his face. "Wala nga akong mapintas, e."

Saglit niya lang akong tinititigan bago ibinalik ang atensyon sa screen. Nag-save siya ng bagong copy at back-up ng file bago inalis ang flash drive at ibigay pabalik sa akin.

"Dapat kasi ikaw leader, e. Wala naman akong alam sa Research na 'to," natatawang komento pa niya bago nagpaalam.

I beg to disagree. It's not always about how much knowledge you know in that certain field for you to become a leader. Paano ako magli-leader sa grupo namin kung hindi ko naman sila kayang i-handle? Idagdag pa na nasa grupo namin si Michelle na sukdulan yata ang inis sa akin. I don't know what is wrong with her.

"Tapos na kayo sa Chapter One, Erich?" intriga ni Aden habang papasok kami ng cafeteria.

Natanaw ko na sina Trystan at Ashton sa pwesto namin. Kami na lang ang kulang dahil nakuhanan na nila kami ng tray ng pagkain. May pitcher at baso na rin ng tubig.

I switched my gaze to Aden. "Oo, nasimulan na rin namin iyong sa Chapter Two."

"E?! Samantalang kami hinihintay pa 'yong SOP kay Grace, magchi-check na bukas si Ma'am."

Mahina akong natawa. "Problema rin namin si Michelle sa group namin. Kung hindi pa tinakot ng leader namin na isusumbong kay Ma'am, hindi magbibigay ng gawa."

Nahinto siya sa lakad kaya tumigil din ako.

"Kamusta naman gawa niya?"

Nailing ako. "Nag-proof read pa ako. Malayo sa research study namin iyong ibang statement kaya pinalitan."

"Akala ko talaga magaling 'yon noong una. Mag-bully lang pala ang alam," she commented and walked inside the cafeteria.

Thankfully, walang estudyante rito sa labas na malapit sa amin. We will be in trouble for sure if someone hears about Aden's announcement.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon