Chapter 3

116 41 1
                                    

“Hija, why are you up this early? Hindi ka ba nakatulog nang maayos kagabi?”

Natigil ako sa pagtulong sa pagluluto ng breakfast nang marinig ko ang boses ni Tita Beatrix mula sa likuran namin. Sigurado naman ako na ako ‘yong tinatanong niya dahil hindi niya naman tatanungin ang mga kasambahay nila kung bakit ito maagang nagising.

“Good morning po,” bungad ko habang pinupunasan ang mga kamay. “Maayos po ang naging tulog ko. Sanay lang po kasi akong magising nang maaga dahil sinasamahan ko pong magluto ang Nanay ko. Maaga rin po kasi sila sa bukid,” ngumiti ako bago siya ipinaghila ng upuan. “Upo po muna kayo, malapit na po kaming matapos,” dugtong ko pa.

“Thanks, hija.” Marahan siyang naupo roon bago humarap sa akin na may malapad na ngiti sa labi. “When I say feel at home, feel at home, okay? Make this house of us your home, too. Kayo ni Aden. It's okay kahit hindi ka na tumulong pa sa kanila,” tukoy niya sa mga kasambahay. “Wala namang bayad ang stay ninyo rito. You are very much welcome in here.”

Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. “Naku.. ayos lang po sa akin na tumulong sa pagluluto. Sanay naman po ako sa ganitong gawain kaya maliit na bagay lang po iyo para sa akin. At saka po.. kahit ito na lang po ang sukli ko sa tulong na ibinibigay ninyo sa amin. Huwag po kayong mag-alala at nag-e-enjoy din naman po ako. Gusto ko po kasing mag-chef balang araw,” mahabang litanya ko.

“Yes, yes! I remember how delicious your pancit was. I am hundred percent sure that you’re going to be a good chef someday. Ngayon pa nga lang na bata ka ay napakagaling mo nang magluto, kapag nakapagtapos ka pa kaya bilang chef?” Mahinhin siyang tumawa. “I am looking forward to you, Erich. I will probably hire you as our future family chef.”

Nangingiti ako. “Thank you po.” Yumukod ako sa kaniya at magalang na nagpaalam na muling tutulong na sa paghahanda.

Nagluto kami ng pangkaraniwang agahan. Hotdog, ham, itlog, at sinangag na kanin. May pancake silang idinagdag dahil ‘yon lang daw ang madalas na kainin ng kumag na si Trystan tuwing umaga.

Ibang klase rin. Iba talaga kapag mayaman, ‘no? Madami nang nakahain na pagkain pero iba pa ang gusto. Kami sa probinsya ay kuntento na sa tuyo at pulang itlog na ulam sa umagahan. Sa hirap ng buhay ay wala kang ibang pagpipilian kung ‘di ang kumain o hindi.

Kung maarte ka, magugutom ka. Kapag nagutom ka, magkakasakit ka, at kapag nangyari iyon ay mamamatay ka.

“Good morning, people! I had a great dream!”

Saktong inilalagay namin sa lamesa ang mga niluto nang pumasok sa kusina si Aden. Grabe ‘tong babaeng ‘to, feel na feel ang kama kagabi. Ilang beses akong nahulog dahil panay ang sakop niya sa buong higaan. Ang laki-laki ng kama, pero nakuha pang solohin nang buo. Napakasakim!

“Good morning, Aden. It’s good to hear that you had a great dream, it means that you felt comfortable with the room,” si Tita Beatrix.

“‘Di lang po komportable, dahil po komportableng-komportable. Ang lambot po ng kama tapos ang laki pa. Sa sobrang laki nga po ay hindi ko na naramdaman na katabi ko si Erich, e,” humalaklak siya.

“Nilalaglag mo kasi ako. Sa sofa nga ako natulog, e.” bahagya akong ngumuso.

“What?! Sa sofa ka natulog? Kung gano’n pala ay 'di ka komportableng nakatulog, Erich? Sabi ko naman kasi sa inyo na magkaibang kwarto na lang kayo. Ipahahanda ko ang isang guestroom para sa 'yo.”

Mabilis kong inilapag ang hawak na plato sa mesa. “Naku, hindi na po. Biro ko lang po iyon,” pilit akong tumawa. “Hindi po ako natulog sa sofa. Masyado lang po talagang malaki ang kama kaya hindi po namin ramdam ang isa’t isa,” palusot ko.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon