Chapter 9

51 16 0
                                    

"Who did that to you, Erich?" matigas na tanong ni Trystan sa akin habang ginagamot ng nurse ang sugat ko sa likod.

Hindi ko siya nakikita dahil may kurtina sa pagitan namin pero ramdam ko ang inis sa boses niya. Apektado ba siya sa nangyari sa akin o dahil lang sa nag-inarte ako kanina?

"Wala 'to. Sumabit lang sa pako iyong uniform ko tapos nadiin ko ang likod ko kaya ako nagkasugat."

"Oh, talaga?" puno ng sarkastimong ani niya.

Nagpakawala ako ng marahas na paghinga. Inilapag na ng nurse ang bulak na may povidone iodine sa stainless na lalagyan at marahang ibinaba ang t-shift na suot ko.

"I don't believe you, Miss," mahinang ani ng nurse nang hinarap ako nito.

Ngumuso ako saka marahang tumungo.

"Hindi pako, kung 'di blade. Mahaba ang sugat mo at manipis. Kung pako iyon ay magiging malalim ang buka ng sugat mo—"

"I knew it!"

Agad akong napaangat ng tingin. Tila roller coaster na umikot ang mata ni Trystan. Nakapamaywang ang kaliwang kamay niya habang hawak pa ng isa ang hinawing kurtina.

"Why can't you just tell me? Sinong may gawa niyan sa 'yo, Erich?"

"Ha?" parang tanga na usal ko.

Mabilis niyang ginulo ang buhok niya. "Forget it." Sumulyap siya sa nurse. "Thanks, Miss Bianca."

"My pleasure, Trys." Ngumiti ang aid saka itinuloy ang inaayos na mga ginamit.

"Ano?" tumaas ang magkabilang kilay ko at bahagyang lumukot.

Nang mag-angat kasi ako ng tingin kay Trystan ay nakalahad ang kamay niya sa akin. Bigla siyang ngumuso at ikinamot na lang sa batok ang kaninang nakalahad na kamay.

"Hoy!"

Hindi niya ako pinansin. Tumungo na siya palabas sa infirmary sukbit ang pink na bag ko. Namulsa siya at maangas na naglakad palabas.

"Sige po, Nurse Bianca, salamat po ulit!" Madali akong tumakbo palabas para habulin ang lakad ni Trystan kahit pa napapakislot ako sa hapdi ng likod ko.

Bahagya kong sinapo ang dibdib ko nang hablutin ko ang balikat ni Trystan. Finally, I coped up with his strides.

"B-Ba't ba ang bilis mong maglakad? May hahabulin ka ba? Wala naman, ah!"

"Mabilis ba?" maang niya.

"Oo kaya!"

Tumaas ang sulok ng labi niya. "I'm sorry. Come with me."

Hinawakan niya ang siko ko at iginaya ako palakad sa kahabaan ng pathway. Dumaan kami rito patungo sa may guard house.

"Saan tayo?" tanong ko.

Hindi niya ako inimik.

"'Wag mong sabihin na lalabas tayo ng school?" gulantang ako. "Trystan, may klase pa ako, balik na tayo sa building natin," pilit ko siyang hinihila pabalik.

Huminto siya. "We will. May pupuntahan lang tayo."

Wala akong napala nang tumuloy siya ng lakad. Huminto lang siya nang nasa harap na niya ang security room.

"Good morning po," bati niya sa nasa loob.

"Ah, Sir Trystan!" Napatayo ang bantay sa upuan nito at ngumiti sa amin. "Bakit po kayo narito?"

"Gusto ko po sanang ipa-check ang CCTV footage sa Grade 11 Building, second floor..." sinipat niya ang itim na relong pambisig bago nagpatuloy. "Last 2 hours ago po, I guess."

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon