Chapter 5

59 20 0
                                    

“Move.”

Napamaang ako nang bumungad na naman sa ‘kin si Trystan at pinauusog ako ng upo. Ayos lang sana kung sa sinasabi niyang sa pwesto niya ako umupo, ang kaso ay nasa kabilang banda ako at hindi sa inangkin niyang upuan kanina.

“Doon ka sa kabila, ah?” tanong ko.

“So?” pinagtaasan niya ako ng kilay. “Gusto ko na rito.. mainit na sa kabila.”

Marahas akong nagpakawala ng buntong-hininga bago lumabas ng sasakyan.

Mabuti na lang at namili muna ng meryenda sina Tita Beatrix kaya hindi nila nasasaksihan ang iringan namin ni Trystan ngayon. Ayaw kong masama ang isipin nila na ugali ko. Hindi naman ako gano’n. In fact, pala-kaibigan ako. I received an award during our moving-up ceremony because of my nice personality. Kaya ewan ko ba kung bakit nagiging iritable ako sa lalaking ito. Talagang nagkakaroon ako ng sungay dahil sa kaniya!

“Where are you going?” hinuli niya ang pulso ko at pinihit ako paharap sa kaniya. “Pinauusog lang naman kita. Why did you get out of the car?”

“Sa harap na lang ako.” tinignan ko siya sandali bago marahang tinanggal ang hawak niya sa kamay ko. “Excuse me.”

Mabilis na umikot ako sa kabilang parte ng sasakyan dahil sa takot na baka makita niya pa ang kakaibang reaksyon at paghahabol ko ng hininga gawa nang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Nitong mga nakaraang araw, napansin ko na sa tuwing nagkakalapit kami ay laging ganito ang response ng puso ko. Naging mas matindi ngayon dahil hinawakan niya ang kamay ko.

Sumandal ako sa pinto katabi ng driver’s seat at muling pinakalma ang naghuhuramentado kong puso.

I am not innocent enough to think that my chest is behaving uncontrollably because I have a heart disease. Para itong tinatambol at hinahabol ng sampung kabayo.

“Hindi. Napuno lang ako sa ugali niya at nagpupuyos na ako sa inis kaya ganito kabilis ang pintig ng puso ko,” mahinang bulong ko.

Tinatanggi ng isip ang kung anumang nararamdaman ng puso ko.

I don't like him! Wala akong gusto sa kaniya. Pagka-ilang lang ‘tong nararamdaman ko para sa kaniya dahil lalaki siya at babae naman ako. Ang pangit ng ugali niya at hindi iyon ang tipo ko. At saka, wala pang isang linggo mula nang makilala ko siya, kaya malabong gusto ko na siya agad. I don’t like him, especially that immature attitude of him!

“Erich!”

“O-Oh!” napa-ayos ako ng tayo sa gulat.

Nakabalik na sina Ashton. May hawak siyang dalawang bottled water at plastic cup ng siomai.

“May asthma ka ba?” he asks.

“Ha? Wala, ah!”

“You sure? I often see you clenching your chest. Are you having a hard time on breathing?” puno nang pag-aalala ang boses niya.

“Ah!” nameke ako ng tawa. “Wala lang akong magawa at naisipan kong bilangin ang pintig ng puso ko kaya nakahawak ako sa dibdib ko.” tumawa pa muli ako para mas lalo siyang kumbinsihin sa palusot ko.

“You have a weird recreation, baby.” tumawa siya.

Ayan na naman siya sa tawag niya.

“Sabing Erich, e!” patuya kong sinuntok ang tiyan niya. “Baby ka nang baby, dumedede ba ‘ko sa ‘yo, ha?” pabirong umirap ako rito.

“'Pag ba pinadede na kita ay puwede na kitang tawagin na baby, hmm?” umismid siya sa akin.

“Bastos!” I told him.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon