Chapter 6

60 20 0
                                    

"Anong problema?"

Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko nang magsalita si Trystan sa gilid. Pumantay siya sa 'kin habang naglalakad patungo ng open field para sa flag ceremony.

Kanina pa ako naiilang sa mga tingin nang tingin sa amin. Gusto kong magtago na lang sa likod ni Trystan para takasan ang mga titig nila, pero mas nakakahiya naman kung ganoon ang gagawin ko.

Si Aden ay kasalukuyang nasa main building para sa temporary ID namin. Sinamahan siya ni Ashton para rito.

"W-Wala." Nagpatuloy ako sa lakad.

"You're not comfortable with your skirt," puna niya nang makita ulit ang paghila ko pababa sa palda.

Maliit ito kumpara sa dati kong uniporme at sa tipo ko ng mga damit. Dalawang pulgada ang taas nito mula sa tuhod at medyo pa-balon ang style. Sipol lang ng hangin ay kaya nang buhatin ito paitaas para ilantad ang kahabaan ng binti ko.

"Hindi pa lang ako sanay," tipid na sabi ko.

"I can talk to Tita Beatrix para pasukatan ka ulit. How about that?" ngumiti siya.

Ngumiti siya!

Sa unang pagkakataon ay ipinakita niya sa akin ang maputi at pantay niyang ngipin. Napatitig ako sa kaniya. Ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng mukha niya!

Sumabay sa tingkad ng ngiti niya ang kinang ng kulay hazel niyang mga mata. Daig pa ang iginuhit sa pantay niyang kilay na halos magsalubong na sa kakapalan. Kasing itim nito ang malago niyang pilikmata na kulang na lang ay takpan ang mata niya sa haba. Dumausdos ang titig ko pababa sa ilong niya. Binagayan ng tangos nito ang lalim niyang mata at pinantayan ang medyo basang kulay pula na labi.

Nakita ko ang pagkagat niya rito kaya napaiwas ako nang walang sa oras. Santisima, Erich!

"A-Ah... ano... hindi na kailangan. Masasanay din ako," kinakabahan akong tumawa. "Ano... tara na sa field."

Nakakapanibago ang unang araw namin sa klase. Wala pa naman kaming ginawa sa maghapon, pero napagod ako sa pagpapakilala sa harap. Ang daming tanong ng kaklase namin na pare-pareho lang naman.

"Saan kayo galing?"

"What is your relationship with the Verdejos?"

"Relative?"

Marahan akong umiling. "Scholar kami."

Iyon ang paulit-ulit kong sinasabi sa bawat estudyante na nagtatanong sa amin. Nilulubayan na nila kami pagkatapos, marahil ay hindi na interesado dahil iba ang lebel namin.

May ilan na mababait. Walang pakialam kung iba ang estado namin. Sa kanila ay pantay kami, mahirap ka man o kapwa nilang mayaman.

Maayos ang naging takbo ng maghapon. Pero nakakailang ang titig ng ibang lalaki. Kung tapunan nila kami ng tingin ni Aden animong hinuhubaran. Mga manyak!

"Mama! Papa!"

Kalalabas ko lang sa banyo nang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag nila.

"Kamusta kayo riyan, Erich, anak?"

"Mabuti po kami rito. Kayo po?" tanong ko pabalik.

"Maayos kami! Ang unang pasok ninyo, ano, maayos ba? Pinagbubutihan mo ba ang pag-aaral mo?"

"Papa naman! Unang araw pa lang po namin, introduce yourself pa lang po ang ganap kanina," tumawa ako.

"Hello po, Tita, Tito!" si Aden.

Ni-loudspeaker ko ito. "Uy! Aden! Tumawag na ba sa 'yo sina Anelia?" tanong agad ni Mama rito. "Dapat tatawag kami sa inyo kahapon at magkakasama kami rito sa bahay, ang kaso walang kuryente sa buong baryo at baka kami ma-lowbatt."

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon