Chapter 13

25 12 0
                                    

"Gosh! Trystan, paanong nahimatay 'tong kaibigan ko? Hindi naman siya mainit. Wala rin namang sakit!"

"I don't know. Basta nagulat na lang ako nang bumagsak na siya sa akin."

"Ashton, anak, parating na ba iyong family doctor natin na tinawagan mo?"

"On the way na, Mom. Nag-panic yata masyado si Trys at iniuwi rito sa bahay si Erich. E, may medical team naman ang hotel."

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Hindi ko tuloy alam kung paano ako kikilos gayong lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Ano pong mayroon?" inosenteng tanong ko.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at saka sumandal sa headboard ng kama. Suot ko pa rin ang gown ko kanina.

Sinulyapan ko ang maliit na alarm clock sa bed side table. Pasado alas siete pa lang ng gabi. Ang alam ko ay alas diyes pa ang tapos ng party. Bakit napaaga yata kami ng uwi?

"Adik ka! Ano, nagka-amnesia ka na? Pagkatapos mong mahimatay tatanungin mo kung anong mayroon? May masakit ba sa 'yo, Erich? Iyong ulo mo ba? Sabihin mo at aalisin ko na lang," biro ni Aden.

Hindi ko magawang tumawa. Paano ko makukuhang ngumiti kung ang mukha ni Trystan na siyang diretso kong nakikita ay napakaseryoso? Kahit kailan talaga ay napakasuplado ng isang ito!

"W-walang masakit, Aden. Ayos lang ako," ani ko at nag-iwas ng tingin kay Trystan.

Ang maalala ang mga ginawa niya kanina ay nagbibigay ng sakit ng ulo sa akin. My mind won't accept it!

"Sure ka?" tinaasan ako ni Aden ng kilay.

Marahan akong tumango bago sinulyapan si Tita Beatrix. "Bakit po maaga kayong umalis sa event, Tita? Hindi po ba kayo hahanapin doon?"

"Don't worry about them, hija, they can wait for my comeback. What's more important is your health. Pinag-alala mo kami. Are you feeling well na ba talaga?" kinapa nito ang noo ko.

"Ayos lang po ako. Sorry po kung pinag-alala ko pa po kayo."

Nakarinig kami ng dalawang beses na pagkatok sa may pinto. Pagkatapos niyon ay bumukas ito. Pumasok ang isa sa mga kasambahay, si ate Myra, kasunod niya ay ang tingin ko na family doctor nina Tita Beatrix na nabanggit nila kanina. Sigurado akong siya na iyon dahil ang bihis niya ay angkop sa nasabing propesyon, isang puting lab coat at sa stethoscope na siyang nakasabit sa leeg nito.

"Doctor Ravanez, glad your here," nagbatian sila ni Tita Beatrix.

After their short recognition, the doctor put down the medical kit he was holding on top of the side table. He then went on me and started on checking how I feel. Wala akong ginawa kung 'di ang sagutin ang ilang mga tanong niya. Nang matapos siya ay hinarap niya sina Tita Beatrix na nakaupo na sa couch 'di kalayuan sa kama.

"So, how is she, doctor?" tumayo si Tita.

"Her heartbeats are normal, no need to worry. And she told me that she didn't felt any pain before she lost her consciousness. She's just stressed out that's why she fainted," nilingon ako ng doctor.

"Stress?!" Aden hysterically exclaimed. "E, kare-relax lang niyan, doc, sa beauty salon kanina, e."

Napalunok ako. Nga naman! Paano akong na-stress?

Sinulyapan ko si Trystan. Naabutan niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya binigyan ako nito nang malokong ngiti at saka nagkibit-balikat.

He's at fault!

Nang magpaalam ang doctor ay sumabay na sina Tita Beatrix sa kaniya sa paglabas ng kuwarto. Si Tita Beatrix ay babalik pa ng hotel na pinagdarausan ng Acquaintance Party. Sina Aden, Ashton, at Trystan naman ay maiiwan na dahil bukod sa mag-aayos kami ng mga gamit namin pabalik ng school campus ay boring daw kung wala ako roon. What an excuse!?

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon