Chapter 12

37 12 0
                                    

"Trys!"

Agad akong umayos ng tayo. I calmly removed the pair of hands on my skin. Sa may likod at sa siko ko.

"You're just here lang pala. I was looking for you kanina pa, e. Malapit na raw mag-start ang event, you have to be with your team na kasi mag-p-perform pa kayo, right?" malambing ang boses na ani ng babaeng lumapit sa amin.

Sa pagkakaalam ko ay kaklase nila Trystan ito. Lychel yata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. Ayon sa mga naririnig ko mula sa mga kaklase namin ay may gusto ito kay Trystan at lantarang ibinubugaw ang sarili sa lalaki. Ewan ko ba. Maganda naman siya, bakit kailangang siya pa ang gumawa ng move?

Nang malaman kong kapatid ito ni Michelle ay nagkaroon ako ng conclusion kung bakit nila ako nagawang i-set up at saktan. Marahil ay para sa ate niyang gustong-gusto si Trystan. Naalala ko kasi na minsan ay sinabihan ako nitong malandi at gold digger dahil sa pagiging malapit ko sa magpinsang Verdejo. Ngunit gayunpaman, wala akong pakealam. Ano naman? E, hindi naman iyon totoo.

Tumikhim si Trystan bago sumagot. "Okay, susunod ako."

Lumingkis si Lychel dito at marahang pinisil ang brasong hawak. "C'mon, kanina ka pa nila hinahanap."

Nilingon ako ni Trystan, nangungusap ang mga mata. Tipid akong ngumiti at saka iminuwestra siya palayo.

"Lychel, mauna ka na, please. Ihahatid ko pa si Erich sa table namin, e," ani Trystan, bahagyang inaalis ang braso ni Lychel sa kaniya.

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Agad na bumalin ako kay Lychel at hindi nakatakas sa akin ang mabilis na pag-irap ng babae. Teka, bakit parang kasalanan ko pa?

"Hindi mo naman na ako kailangang ihatid, Trystan. Malapit lang naman ang table, e." iminuwestra ko ang upuan namin. "Sige na, baka hinahanap ka na nina Ashton." ngumiti ako. "Galingan mo."

Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya. Tipid na tumango ito at saka nagsimulang humakbang palikod, kumakaway pa sa akin.

Nang tuluyan siyang mawala sa sulyap ko ay bumalik na ako sa table namin. Naroon na si Tita Beatrix.

"I thought you'll be giving us a show," salubong nito sa akin.

"Po?"

"Ang sweet-sweet ninyong tignan! Is Trystan courting you, hija?"

Nanlaki ang mata ko. "Naku! Hindi po!"

Tumawa ito nang mahinhin saka tumango-tango. Hindi ko alam kung nanunukso o pinaniwalaan ako.

Naroon na ang emcee sa gitna ng stage. Ilang minuto lang ay nagsimula na ang program. Syempre, hindi mawawala ang speech ng School Principal at Tita Beatrix as the acting President of the school.

Pagkatapos niyon ay nag-perform na ang team nina Trystan. Nahati sila ng grupo, which is bago raw sabi ni Tita Beatrix dahil karaniwan ay magkakasama sa pag-perform ang team. Ang mga substitutes o ang mga nasa linya ng second five ang nauna para sumayaw.

"Don't you have hands?!" sigaw ng emcee matapos ang unang performance.

Napuno ng palakpakan ang buong lugar. Mayroon ding mga humiyaw para itili ang pagkagusto nila sa mga lalaking nag-perform.

"Magaling po bang kumanta si Trystan, Tita Beatrix?" bigla ay tanong ni Aden.

I pretended that I don't give a damn and that her question didn't caught my attention. Ni hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at nakatitig lang sa may stage habang nagbababaan ang mga naunang nag-perform.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Tita Beatrix sa tanong ni Aden dahil agad na umingay ang buong lugar nang mamatay ang mga ilaw.

"Brownout ba?" bulong ko.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon