Chapter 8

58 16 0
                                    

Umaga ng Lunes ay nasa high school kami ng baryo namin. Inimbitahan kami nina Hannah kahapon na pumunta rito para sa gaganapin na school fest. Bukas ang school para sa mga bisita dahil sa event. Binigyan lang kami ng visitors' ID ng guard at hinayaan na na makapasok.

The school is well-decorated with different colors of banners. Compare to my current school right now, San Jose National High School is way far smaller. Tanging mga pathways lang ang space ng mga building. Nasa gitna ng nakapalibot na mga building ang covered court kung saan laging nagaganap ang mga event.

We greeted the teachers at the entrance before heading to the topmost bleachers. Sa bandang ibaba namin ay ang mga estudyante. They are being identified by their color-coded shirt every grade levels.

May nagpe-perform ng cheer dance sa harap kaya roon natuon ang atensyon namin. Dahil sa amateur, panay buhat lang at walang hagis. May mats naman na nakalatag, pero delikado pa rin kung walang experience ang gagawa. I focused on their routine and I can say that they're amazing. The transitions are wholesome. Their cart wheels and splits were marvelous. Para silang mga walang buto at sobrang flexible.

The covered court were filled with our applauses when the last performer finished their show. They are all good. Performance lang naman ito at hindi competition, pero lahat sila ay ayaw magpakabog.

Unti-unting lumabas ang mga estudyante at nabawasan ang nasa loob ng court. Nagkaroon muna ng ilang minutong break bago simulan ang opening ng mga ball game.

"I'm kind of hungry. Saan ang cafeteria rito?" tanong ni Trystan na nasa tabi ni Ashton.

"Sa likod ng Math Park," sagot ni Aden na katabi ko naman.

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtayo ni Trystan. I lowered my gaze to avoid his and pretended on being busy with my own phone.

Mula kahapon ay naging ilag na ako lalo sa kaniya. Natakot ako sa sinabi niya. Ayaw kong mapatunayan niya na gusto ko nga siya. Ayos na ako na gustuhin siya nang palihim. Sigurado naman ako na mawawala rin ito agad dahil madali lang naman ang magpalit ng crush. Malay ko ba na sa susunod babae na pala ang gusto ko, 'di ba?

"Erich..." halos pabulong na tawag niya.

Mariin akong pumikit bago nag-angat ng tingin. Nakasandal siya sa railings habang matamang tinitignan ako.

"B-Bakit?" tila namilipit ang dila ko sa sinabi.

"Samahan mo 'ko, bibili tayong pagkain."

Kumunot ang noo ko at hindi nagustuhan ang sinabi niya. Balak kong iwasan siya, pero heto siya't humahanap ng daan palapit sa akin. Trystan, 'wag gano'n!

"Si ano na lang... si Aden. Busy ako, e." ibinalik ko ang mga mata ko sa cellphone at nagtipa ng kung ano.

"What are you doing ba?" tanong niya pa.

Kinagat ko ang dila ko para pigilan ang pagngiti sa ka-conyo-han niya. Nagkaroon ng accent ang Tagalog niya at halos magwala ang sistema ko nang dahil dito.

"May chinachat ako.. importante," tipid na sabi ko.

Agad kong pinatay ang cellphone ko nang dakmain niya iyon mula sa hawak ko.

"Ibalik mo nga 'yan!" Lumapit ako sa kaniya at pilit na inaabot ang itinaas niyang cellphone ko.

Naglakad siya pababa ng bleachers kaya hinabol ko siya hanggang sa makalabas kami ng court. Maraming estudyante ang nagkalat sa Math at Science Park na nagmemeryenda.

"Hoy, Trystan!" walang hiya na sigaw ko. Halos maghabulan na kami sa pwesto ng mga naglalaro ng volleyball sa tabi.

Tumigil siya sa paglakad at hinarap ako. "Tell me your password pala."

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon