Chapter 7

70 16 0
                                    

Nakadagan siya sa akin at pasan ko ang buong bigat niya sa katawan ko.

Ang lapit namin sa isa't isa. Nakapikit ako pero sure ako roon! Dama ko ang hininga niya sa mukha ko, sapat na proweba na iyon.

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata. Feeling ko nasa langit na naman ako. Ang maamong mukha niya ang bumungad sa akin. Pawis siya dahil sa paglalaro pero mukha siyang fresh! Is that even possible? That's so unfair!

Binasa niya ang labi niya at nagkagat-labi pagkatapos. Shit! I felt how my cheeks heated up. Init na mas mainit pa sa tama ng araw ngayon.

Bakit kailangan niya akong pakitaan ng gano'ng move?! Literal na nahulog na ako. Halos malubog na nga ako rito, tapos gan'yan pa ang kilos niya. Paano na ako aahon nito?

"Shit!" malutong ang pagkabigkas niya.

Umayos siya ng tayo at tinulungan akong umahon mula sa putikan. Basang-basa ang damit ko at punong-puno ako ng putik. Maging ang buhok ko ay nalagyan din.

"Hala!" nanlaki ang mata kong tinignan ang kabuohan niya.

Unlike me, wala siyang gaanong putik sa damit at katawan. Ang mukha niya ay may ilang batik ng putik, ngunit ang sapatos niyang puti ay halos itim na.

OMG! Sure akong mamahalin iyon. Halos manlumo ako. It's my fault why his precious shoes had turned out like that.

"Jusko, Erich! Anong nangyari sa inyo?" windang si Mama na lumapit sa amin ni Trystan. "Hala! Hijo, ang sapatos!"

"Ayos lang po ito," ngumiti siya at sinipat ako. Ngumuso ako at umiwas ng tingin sa kaniya.

Nagsimula akong maglakad palapit sa may poso para maglinis. Ang dumi ko! Nakakahiya na nakita niya akong ganito ang itsura.

Wala na! Turn off na siya.

Bomba-salok ang nangyari sa akin. Walang palanggana, ni timba ay wala rin. Kung kailan kailangan ko sila ay saka nagtago. Hindi tuloy ako makapuno ng tubig panlinis!

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang marahan na paglapit ni Trystan sa banda ko. Natigilan ako at saglit na pinagmasdan siya habang palapit s aakin. May hawak siyang timba at saka tabo sa loob nito.

Naka ilang lunok na 'ko at ramdam ko na ang panunuyo ng lalamunan ko. Walang hiya! May damit pa siya kanina, ah? Naka topless na siya ngayon at naka yapak lang.

Hinaplos niya ang medyo basang buhok at diretsong tumitig sa akin. Feeling ko mali ang direksyon ng bawat hakbang niya. Imbes kasi na mabilis lang siya patungo sa gawi ko dahil malapit lang naman ay parang bumagal ang bawat galaw niya palapit sa 'kin.

"Doon ka na muna sa banyo, hintayin mo na lang ako roon."

I almost went crazy with his statement. Oh, God! What does he meant by that?!

"Manyak!" tili ko.

"Ha? Ipag-iigib lang kita ng tubig, Erich," marahan niyang sabi saka ibinaba ang hawak na timba at nagsimulang magbomba sa poso.

Medyo nahiya ako sa naging asal ko. Sa dami ng iniisip ko kanina, kung anu-ano na rin ang naiisip ko ngayon. Nawiwindang na talaga ako dahil sa lalaking ito!

"A-Ah," kabado akong tumawa. "Hindi na. Pwede naman na rito na lang din ako maglinis," sabi ko at kinuha ang tabo mula sa timba.

"No!"

Mabihis pa sa alas kwatro ang galaw niya. Agad niyang hinablot ang tabo sa kamay ko at tinitigan ako. Ano na naman bang nagawa ko at galit na naman siya sa akin?

"Maliligo ka rito sa labas, Erich?" hindi makapaniwalang anas niya. "Hindi pwede. Sa loob ka ng banyo." Kita ko ang bilis ng paghinga niya at ilang beses na paglunok.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon