Chapter 14

21 13 0
                                    

Nagpakawala ng hininga si Papa. Lumapit siya kay Trystan at marahang tinapik ang balikat nito. Bahagya itong tumawa kaya napakawalan ko ang kanina pang pinipigil na paghinga.

Papa wasn't really a strict type of a father since then. When I got my period, they became vocal about me having in a relationship. Na dapat daw ay ipakilala ko sa kanila kapag may nanligaw sa akin nang makilatis nila. They don't believe that being in a relationship at a young age is only a distraction.

"Walang mali sa pagbo-boyfriend nang maaga, Erich. Ang mali ay iyong gagawa kayo ng bagay na hindi ninyo pa dapat ginagawa," paalala ni Papa. Tahimik lang akong tumango.

Nakarating sa kanila ang tsismis na umamin ako nang pagkagusto kay Marcus, kahit na taliwas nito ang totoo. Ang lalaki ang may gusto sa akin at hindi ako!

Hindi ko alam kung anong sinabi nito sa mga kaklase ko at nabaligtad ang kwento. Ni hindi ko nga sinasagot ang mga message niya sa akin sa Facebook at tuwing nagkikita lang kami nagkakausap! People now a days tend to believe on what they've heard without even trying to seek for side story to know what's real.

"Ba't ka ba nagpipigil ng hininga, hijo?" tumawa muli si Papa.

Trystan let out an awkward laugh. "Kinabahan po ako sa reaksyon ninyo, Sir."

Doon na tuluyang lumuwag ang paghinga ko. "Hindi ka galit, Pa?" lakas-loob na tanong ko.

My father switched his weight. Lumapit ito sa akin at inakbayan ako. Nilingon ko ito nang pagilid at nakitang nangingiti siya kay Trystan.

"Kailan ba ako nagalit sa mga ganitong usapin, anak?"

"Pa, paano ko naman po malalaman, e, ngayon lang naman po may magpakilalang manliligaw sa inyo?" ngumuso ako.

Akala ko magiging madugo ang usaping ito lalo na at unang lalaki si Trystan na manliligaw na nagpakilala kina Mama. Lahat nang sumubok ay hindi umabot sa puntong ito. Tuwing malalaman nila na kailangang magpunta sa bahay, umaatras sila.

"Hoy, Kris, liligawan mo si Erich?" tanong ni Aden sa kaklase namin kaya agad na tumango ang lalaki sa harap ko. "Kung ganoon, magpunta ka sa kanila at magpakilala ka sa mga magulang niya," dagdag niya pa.

"H-Ha? Ano.. joke lang! Nakikipag-close lang, e!" mabilis na tumalikod si Kristian saka nauna nang pumasok sa room namin.

Natatawang umiling na lang ako nang maalala ang tagpong iyon.

Maagang tumulak sa bukid sina Mama at Papa kaya naiwan na akong mag-isa sa bahay. Inayos ko na ang hinandang pananghalian sa loob ng isang bayong. Wala pang alas sais ng umaga ay narito na agad sina Trystan at Ashton. Kasama rin nila si Tita Beatrix dahil nagplano kami na mag-picnic sa bukid ngayong araw.

Nang nakita akong palabas ng bahay bitbit ang dalawang bayong, agad na lumapit si Trystan at kinuha ang dala ko. Mabilis kaming tinukso ng mga kasama namin. Higit lalo na noong inalalayan ako nito sa pagpasok sa SUV at tinabihan ako sa upuan.

I don't know what's wrong with them. Lagi naman kaming magkatabi ni Trystan sa upuan dito sa sasakyan pero ngayon lang nila kami tinukso nang ganito. Well, maybe it's because he's courting me now?

Sumandal ako sa backrest. Medyo inaantok pa ako dahil maagang nagising kanina. Sanay naman ako na gumising nang maaga, pero dahil late na akong nakatulog kagabi kaiisip sa magaganap ngayon, heto't napapahikab pa ako!

"Rest for a while, Erich," tinapik ni Trystan ang balikat niya saka ako marahang hinila sa kaniya.

Hindi na ako nag-inarte at agad na pumikit. Sigurado naman ako na hindi ako makatutulog. Malapit lang naman ang pupuntahan namin, pero dahil naka-sasakyan kami sa dami nang dala, kailangan naming umikot sa main road papunta roon.

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon