Chapter 4

90 23 0
                                    

Hindi ko alam na nakatulog pala ako. Siguro dala ng pagod sa biyahe namin kahapon at sa nangyari sa akin kanina. Kung hindi pa ako nagising dahil sa kalam ng sikmura ay sigurado na tulog pa rin ako sa mga oras na ito.

Pasado ala-una na ng hapon. It's 1:37 PM to be exact.

Mabilis akong bumangon dahil sa nakitang oras. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko habang sapu-sapo ang noo. May aftershock pa yata ang pagkayanig ng ulo ko at medyo sumasakit pa rin ito hanggang ngayon!

Bahagya ako humikab. Nabitin ito nang mamataan ko ang maraming shopping bags sa ibabaw ng sofa 'di kalayuan sa kama. Mamahaling brand ang tatak ng bawat isa.

“Dumating na pala si Aden, pero ‘di man lang ako ginising? Ang isang ‘yon!” maktol ko.

Hawak ko ang balakang ko habang naglalakad palapit sa vanity table. Pasado nang maging pugad ang buhok ko sa sobrang gulo nito. Nang maligo kasi ako kanina ay hindi na ako nag-abala pa na suklayin ito matapos kong gamitan ng blower. Mabigat na ang katawan ko at talagang sabik na sa kama kaya siguro nakatulog din agad ako.

Saglit kong tinignan ang mukha ko sa salamin bago kinuha ang suklay sa drawer. Inipit ko ito sa isang mataas na ponytail bago naglagay ng kaunting powder sa mukha. Kinagat ko rin ang labi ko para bahagyang pumula at hindi magmukhang maputla. Lagi itong namumutla kapag nalilipasan ako ng gutom. Nang matapos ako na mag-ayos ay pinasadahan ko ng aking kamay ang bahagyang nagusot na damit bago nagdesisyon na lumabas.

Hiyawan at tawanan ang pumuno sa tainga ko habang bumababa ako sa mahabang hagdan. Mula rito at tanaw kong nasa sala sina Trystan kasama ang mga kaibigan nila at may kani-kaniyang hawak na video game controller.

“Gago! Ayan na sila!”

“Dale! Back-up, tol!”

“Putcha! Bakit biglang dami sila?!”

“Ba’t ako ang kinakana mo, Trys?!” reklamo ni Ashton habang sinisiko ang pinsan na nasa tabi niya. “Gagi! Kakampi mo ako!”

“E, ano? Gusto ko, e!” balik naman ni Trystan sa lalaki.

Natigil ako sa paghakbang at naisipan na bumalik na lang sa kwarto. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa nangyari sa ‘kin kanina. Wala akong mukhang maiharap!

“Hey! Miss sapul!” tawag ng isa sa kanila at alam kong ako ang tinawag nito.

Mariin akong napapikit sa narinig. Halos ipadyak ko ang mga paa ko sa sobrang hiya. Bakit kailangang may makakita sa akin?! Malapit na ako, e! Pwede bang alisin ang mata nang sinumang tumawag sa ‘kin? Kung maaari lang maging invisible ay ginawa ko na!

Umikot ako at humarap sa kanila. Nagtaas ako ng ulo at pilit akong ngumiti. Sana lang ay ngiti ang ipinakikita ko at hindi isang ngiwi.

“H–Hi,” naiilang na ani ko.

Marahan pero may pagmamadali na bumaba ako ng hagdan at nagtungo sa kusina. Hindi ko na hinintay na batiin nila ako pabalik. Baka pa bigla nilang buksan ang usapan tungkol sa nangyari kanina. Ayoko! Nakakahiya!

“Hinahabol ka ng kabayo?” bungad sa akin ni Aden na nakaupo sa harap ng mesa.

Kumunot ang noo ko. “Ha?”

“Ba’t ka tumatakbo? May humahabol ba sa ‘yo?” sumulyap pa si Aden sa likod ko.

“Ah, wala! Nahihiya lang ako sa mga lalaki sa sala, ang dami nila.” Tipid akong ngumiti sa kaniya bago naghila ng upuan. “Bakit ‘di mo ‘ko ginising nang dumating ka? Nakakahiya kay Tita Beatrix.”

“Sabi kasi ni…” tumikhim siya. “Sabi ni Tita baka raw pagod ka pa sa biyahe kahapon kaya hayaan na lang daw muna kita na magpahinga.”

Napatango-tango na lang ako bago tumayo. Lumapit ako sa lababo at naghugas ng kamay. “Sabi kanina ng isang kasambahay, lumabas daw kayo ni Tita. Saan kayo galing? Pagpasok ko kanina wala na kayo.”

Clandestine Romance (Probinsiyana Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon