KARLO'S POV
Malapit na ang summer. Magulo na ang lahat para sa nalalapit na bakasyon pero higit sa lahat, nagkakagulo na ang lahat para sa nalalapit na graduation.
Ika-apat na taon ko na sa highschool at ilang buwan na lang, magkokolehiyo na ako.Plano sa buhay? Wala pa ako nun. I don't know what I want nor what course I want to pursue in college. All I want is to get freedom from my strict parents. Gusto kong magkolehiyo sa malayong lugar. Kahit ano'ng course. Basta sa malayo ako mag-aaral. Kaya tuwing tinatanong ako kung ano ang kursong gusto kong kunin, ang lagi kong sinasabi ay ang mga kursong hindi ino offer sa paaralang malapit sa aming lugar. It's not that I'm too suffocated by my parents. My parents are nice after all. Masyado nga lang talagang istrikto and for a teen-ager like me, it's quite tiring. Yung sermon araw-araw, ang hindi pagpayag sa mga lakaran, ang curfew. Lahat ng iyon, nakakapagod.
'Karlota Gay'.
Napangiwi ako nang marinig ang buo kong pangalan. Why include Gay? Karlota is good enough to catch my attention.
My real name is Karlota Gay Moril and I hate being called by my full name. Maliban sa lagi akong naasar na bakla dahil sa Gay, hindi ko rin gustong pakinggan ang Karlota at Gay na magkasama. Hindi bagay. Sa totoo lang, lagi kong tinatanong ang mga magulang ko kung bakit Gay. Lalaki ba ako sa tyan ng nanay ko na naging babae lang nang iniluwal na? Bakit kailangan pang dugtungan ng Gay ang Karlota? Mukhang masaya naman ang Karlota na mag-isa.
Lumingon ako at nakita kong nakalapit na sa upuan ko si Cherry, hawak-hawak ang isang papel sa kanyang kanang kamay. Magulo ang buhok nito at hindi katulad nang nakasanayan ko, hindi ata sya nakapulbo. Haggard si ate gurl.
'Ano yan?' tanong ko kay Cherry na kumuha ng ballpen at nagsimulang magsulat sa papel na hawak nya.
'Scholarship,' sagot nito na hindi man lang ako tiningnan.
Bahagya akong sumilip sa sinusulat nito. DOST scholarship form.
'DOST?' tanong ko kahit obvious na ang sagot.
'Mag-aapply ako,' tumigil sa pagsusulat si Cherry at tumingin sa akin. 'Ikaw? Di ka binigyan ni Ma'am?' takang tanong nito.
Kumunot ang noo ko at napaisip bago sumagot, 'Hindi,' sagot ko. 'Kelan ba binigay yan?'
'Kahapon,' sagot ni Cherry na bigla akong tiningnan nang malalim. 'Absent ka ba kahapon?' takang tanong nito.
Napataas ang dulo ng pang itaas kong labi sa tanong ni Cherry. Halatang umaalma ako sa paratang nito. Ngunit bago ako nakasagot, bigla itong nagsalita ulit. 'Ay, late ka nga pala kahapon. Di ka nakaabot nito. Kumuha ka kay Ma'am ng form. Mag-apply tayo.' Tinapik nito ang kamay ko na nakapatong sa mesa sabay turo sa adviser namin na nakaupo sa mesa nya sa teacher's area na nasa likod na bahagi ng aming silid-aralan. Biyernes ngayon at free day namin sa Filipino kaya malaya kaming nakakadaldal at nakakagala sa loob at labas ng room.
Tiningnan ko ito nang may pagkairita. 'Hindi ako late kahapon. Ang aga nyo lang nagsimula. Di na kasi kayo pinaglinis ng room bago mag klase.' pagtatanggol ko sa sarili.
Kilala ako sa pagiging late halos araw-araw. Malayo ang barangay na tinitirhan ko sa barangay na pinagtatayuan ng aming paaralan, kaya palagi akong nahuhuli. At isa pa, hindi talaga ako nagigising nang maaga. Hindi rin tuloy-tuloy ang byahe ng jeep galing sa barangay namin patungo sa bayan kung saan ang aming paaralan. Kaya kapag di ko naabutan ang first trip na dumadaan ng alas sais y medya nang umaga, maghihintay ako ng susunod na byahe na dumadaan nang alas siete. Ang siste, late na naman ako.
'Suus. Late ka. Naglinis kami ng room. Ikaw itong di nakapaglinis dahil late ka.' saad nito sa mapang-asar na tono.
'Bilisan mo na. Puntahan mo na si Ma'am. Sa San Rafael ang exam nito.' pagpupumilit nito.
BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomanceInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...