After 1 year.
'Ayusin na ang entourage. Parating na ang bride.'
I took my last step to finally enter the church of Mariano. I never thought that that step will lead me to the moment I used to pray and hope for.
Then, suddenly, I froze.
Bahagyang kumabog nang mabilis ang dibdib ko.
Nang mga panahon ko na yun naranasan ang sinasabi sa pelikula na humihinto ang paligid. I never thought that it was possible and really happening in the real life, but here I am blocking all the people trying to enter the church because I was stuck in the doorstep looking at a silhouette of a familiar person from inside the church. Ang taong nasa harap na bahagi ng simbahan.Teng?
Unti-unting lumilinaw ang paningin ko. Medyo madilim ang paningin ko sa loob ng simbahan dahil galing ako sa labas. And this time, I'm not seeing silhouettes.
I narrowed my eyes trying to see things clearer. S'ya nga. After 8 years, halos di pa rin nagbago mukha nya.
I don't know what to feel after seeing him in a flesh after all these years. The man I used to love; the man of my standards; the reason of why I refused entertaining suitors; the person I used to stalk; the person I dreamed of getting married to; my first love.Ano'ng ginagawa nito dito? Hindi na dito naka assign si Padz ah.
A month before ako napunta dito sa Mariano para magturo, nakalipat na si Padz sa ibang parokya. See how destiny works. Talagang di kami pinagtatagpo, but this time I did not expect to see him in the church in this special occasion.
'Oh, tabi na. Tabi na. Papasok na ang entourage.' sigaw ng isang babae mula sa likuran ko.
Napatigil ako sa aking malalim na pag-iisip at napagtantong nasa gitna pa rin pala ako ng pintuan ng simbahan.
Dali-dali akong tumabi at pumasok nang tuluyan sa simbahan. Bahagya kong tiningnan ulit si Teng na nakaupo sa pangalawang lihera ng mga upuan. And I caught him also looking at me. Andun pa rin ang aliwalas ng mukha nya and the smile that makes him so approachable and friendly. Too friendly, I guess.
I shook my head to stop myself from any unnecessary feelings I might again feel. Naka move-on ka na, gurl di ba?
Naglakad ako patungo sa isang upuan sa bandang likod na bahagi ng simbahan. Masyadong malayo sa kinauupuan nya. I actually thought of sitting closer to him pero di na to marupok pero aaminin ko, his presence made me uncomfortable.
Why am I like this? I shouldn't be feeling this way. It's a crime.
'Ladies and gentlemen, we will now begin the wedding of Anna and Ralph. Let us all welcome, the entourage.' wika ng emcee sa mikropono na nasa harap na bahagi ng simbahan.
Lahat ng mga tao ay napaikot ng upo para makita at masilayan ang mga papasok na tao na nabibilang sa entourage. Sinulyapan ko sya nang palihim. Sa mga tao ata dun sa simbahan, ako lang ang may ibang tinitingnan.
Imbitado ako sa kasal ng kapatid ng landlord ko. Medyo nahihiya nga akong umattend dahil wala pa naman akong masyadong kakilala dito sa Mariano. Isang taon pa lang ako dito at di rin ako palalabas.
Nagsimulang pumasok ang mga ninong at ninang, sinundan ng mga abay at flower girls.
Habang ako ay nakaupo lang at pumapalakpak sa bawat pagpasok ng mga tao. And while doing so, panay ang sulyap ko kay Teng. I can't help it, honestly. I wanted to stop, but the thought that the reason of my tears before is right in front my eyes smiling and laughing like he never hurt someone before makes me want to go to him and tell him how big the pain he brought. But I can't. He maybe doesn't know me anymore.
Nang mapansin kong di naman nya ako tinitingnan, pinilit kong wag na ring magawi ang tingin ko sa kanya. Mukhang di na talaga ako naaalala. Hanggang ngayon, deadma ka pa rin.
The wedding ended at lahat ay nagtayuan para dumiretso sa reception. Tumayo na rin ako at mag-isang naglakad palabas. I cannot stay there any longer. It's a crime to choose him now.
'Ma'am, sabay ka na sa akin papunta sa reception.' yaya sa akin ng pinsan ni Kuya Ralph habang nakasakay ito ng motorsiklo. Agad din akong pumayag. Ayokong maglakad. Sumakay ako ng motor nang may bigla akong narinig mula sa likuran ko.
'Di ba ikaw ang pamangkin ni Dodie?' halos pasigaw na wika ng isang lalaki.
Hindi sana ako lilingon dahil hindi naman naka address sa akin ang mga salitang yun, ngunit narinig ko ang pangalan ng tito ko. Agad akong lumingon sa pinto ng simbahan at di ko inaasahang makita kung kanino galing yun.
Teng?
Hindi ko na naalala ang iba pang pangyayari. The last thing I remembered is I was already in front of him. Ang rupok.
Nakangiti sa akin si Teng. Ang ngiting ang tagal kong pinagdasal na makita ulit. Hanggang sa napagod lang ako kakahiling. Kakahintay.
'Di ba pamangkin ka ni Dodie?' tanong ulit nito sa akin nang tuluyan akong nakalapit.
Nagtataka man, tumango ako. 'Opo.'
It's just weird. He doesn't seem to remember me. Pero alam nyang pamangkin ako ni Tito Dodie. Naaalala nya kaya ako as Karlo na nakitira sa shop nya? As Karlo na unang babaeng dinala nya sa Tita nya? As Karlo na nakatabi nya sa kama? Ayy bad!
'Anong ginagawa mo dito sa Mariano?' nakangiting tanong nito sa akin. Ang sarap sa pakiramdam na nakikita syang nakangiti.
'Dito po ako na assign.' maikli kong sagot without dropping the po.
Napakunot ito ng noo at bago pa sya magtanong, sumagot na ako agad.
'Dito po ako na assign sa pagtuturo.'
'Ahh. Teacher ka dito. Ang galing naman.' halata ang pagliwanag ng mukha nya habang pinupuri nya ako.
Tama yan . Be happy for me. Feel proud of me. You should see me at my best now.
Ngumiti ako sa kanya for the first time mula kanina. I wanted to show him I am doing so fine.
'Ayy saan ka ngayon nag i stay?' tanong pa nito. Still smiling.
But my sanity went back to me. Mali itong ginagawa ko. He can't let me fall for his smiles and friendly gestures again. I am too old to be fooled again.
'Alis na ako, Kuya. Hinihintay na ako ni Kuya Cliff.' paalam ko without answering his questions. I walked away from him with big steps.
'Ahh. Sige. Andito si Nanay. Magkita tayo sa reception.' pahabol na saad nito. But that didn't make me stop kahit narinig ko pang andito si Lola.
Dali-dali akong sumakay sa motor ni Kuya Cliff at humingi ng tawad dito dahil natagalan ako.
Umandar kami at pinilit kong huwag tapunan ng sulyap si Teng bago kami tuluyang umalis. That takes a lot of courage and self- control, but I was so proud of myself for successfully doing so.
He doesn't deserve too much attention from me anymore. No way. Not anymore.
Nang makarating ako ng reception, umupo ako nang tahimik sa tabi. Smiling to people na pumapansin sa akin.
Dumating sina Teng nang mga ilang sandali lang. Umupo din ito sa isang bakanteng upuan. I looked at him. He smiled at me. I smiled back and looked away. Forcibly.
Maya-maya pa pumila kami sa kainan at kumain. Matapos ang kainan, nakita ko syang nakaupo pa rin sa upuan nya. I again lost my sanity this time. I was about to stand up to approach him when my phone rang.
Kennedy.
I almost dropped my phone. My heart suddenly beat faster. I glanced at Teng who was also looking at me.
Agad kong sinagot ang tawag. 'Mahal?'
'Mahal, alis na tayo. Pupunta pa tayo sa patay.' wika ni Kennedy sa kabilang linya.
Kennedy is my boyfriend now. We were together for about a week.
The timing was always wrong. Always.I told you it's a crime.
Tiningnan ko ulit si Teng. This time, I chose what my head is telling me to do.

BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomansaInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...