Chapter 12

21 0 0
                                    

Kinuha ko ang bag ko mula kay Kennedy bago tuluyang bumaba ng motor nya. Hinatid nya ako sa boarding house ko kung saan mag-isa akong nakatira.

Galing kami ng burol ng tatay ng co-teacher ko.

'Mag sstay ka?' tanong ko sa kanya.

Pinark nito ang motor nya tsaka bumaba.

'Saglit lang ako ' sagot nito sa akin.

Naglakad na kami papasok sa makitid na iskinita na daanan papunta sa inuupahan kong bahay.

Nang makarating kami ay agad akong umupo sa sofa at tumabi naman sya sa akin.

I don't have that much energy on that day. The day is so tiring because of the long travel. Medyo malayo ang bahay ng co-teacher ko. Dumagdag pa ang init ng panahon. Plus, kagagaling ko lang ng kasal kaninang umaga.

'Gusto mo mag meryenda?' tanong ko kay Kennedy na nakasandal ang ulo sa  dingding.

Umiling ito.

He seems more quiet than the usual.

'Bakit ang aga mo akong sinundo kanina? Ala una pa ang usapan nating pagpunta sa burol ah.' nakangiti kong tanong dito.

Hindi ito sumagot. Nakapikit pa rin ang mga mata nito.

Tinusok ko nang marahan ang beywang nito.

'Selos ka noh?' pabiro kong tanong.

Ngunit hindi pa rin ito dumilat.
'Sus! Asa.' sagot nito habang nakangisi .

Nakampante ako. With his expression, I know he is fine about the idea that I met Teng earlier. He knows about Teng. I told him everything. When I started to entertain him as my suitor, I shared my stories for him to know me more. In that way, he can stop if he can't accept my past experiences. Ayoko kasing kung kelang kami na, saka kami magkakaalamanan ng mga past experiences. I don't want to invest an emotion to someone who will leave me because of my pathetic past.

It was Kennedy who courageously came to me to break the wall I set up to block all men who try to come close.

Kahit naka move on na ako nang ilang taon kay Teng, hindi pa rin ako tumanggap ng mga manliligaw. I got my trust issues that someone will like someone like me. Matapos kasi akong deadmahin at di pansinin ni Teng, nagkaroon ako ng idea na hindi ako kamahal mahal. That I am not like other girls who could turn  heads by just walking. But mind you, I got also suitors. Actually, they are quite many. No boasting.

Until Kennedy came.

'Sure ka? Aminin mo na, nagseselos ka noh?' pangungulit ko dito.

Dumilat ito at itinuwid ang upo.

He kissed me, 'May tiwala ako sayo. Kaya bakit ako magseselos?' nakangiting tugon nito.

Napangiti ako at niyakap sya nang mahigpit.

'Thank you for choosing me earlier.' bulong nito sa akin habang yakap ko sya.

I felt a sudden guilt. Yes. I chose him and will choose him over Teng again. Kaya lang nakonsensya ako nang mga sandaling ginusto kong kausapin nang mas matagal si Teng; nang mga sandaling panay ang sulyap ko sa kanya; at ang mga sandaling hiniling kong tapunan nya rin ako ng tingin kanina sa simbahan.

My man is so nice. I should not give him reasons to feel insecure towards Teng.

'So nagseselos ka nga kaya mo ako sinundo agad kanina.' pang-aasar ko dito.

Bumitaw ito sa pagkakayakap ko, 'Hindi nga. Ba't ako magseselos eh ako nga pinili mo?' nakangiting sagot nito.

Tumawa ako. 'Hindi naman sya nakikipag kumpetensya sayo. Di ba nga, di ako gusto no'n?'

Tumawa ito nang malakas. 'Oo nga pala. Wala nga palang gusto sayo yun.' pang-aasar nito sa akin.

'Oh, eh kung nagkagusto yun sa'kin, eh di sana hindi tayo ngayon.' umirap ako sa kanya habang nakataas ang dulo ng pang itaas kong labi.

Hinila ako nito at niyakap. 'Sa'kin ka pa rin naman babagsak kahit magkagusto pa sya sayo ngayon.'

Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. Ano ang pinagsasabi nito?

'Ang feeling mo. At bakit mo nasabi?'

'Cause we're meant for each other.' he smiled sweetly while saying those words.

'Ayy talaga ba?' may pang-uyam kong sagot dito.

'Kung para sya sa'yo, bakit sa loob ng anim na taon, di man lang sya nag effort na makita ka ulit? Napagod ka lang kakahintay di ba?' wika nito.

Ouch! Ang sakit no'n ha?

'Tapos, hiniling mo dati na sana dito ka sa Mariano ma assign sa pagtuturo dahil dito din na assign si Father Abraham at alam mo na kung saan si Father Abraham, siguradong lagi din sya dun.' dugtong nito.

'At binigay naman yun ni Lord.' agad kong dinugtungan ang sinabi nya.

'Naawa na siguro Sya sayo. Naisip siguro ni Lord, kawawa naman ang babaeng ito araw-araw na lang, paulit-ulit ang dasal.' pabirong saad nito na may halong mahihinang tawa.

'Hindi noh!' mabilis kong depensa dito.

'Hahahahahah.' tumawa ito nang malakas.

'Oh, nang pinagbigyan ka ni Lord. Dito ka nga na assign pero mahigit isang buwan bago ka ma assign dito ay nakalipat na ng parokya si Father Abraham.' mahabang wika nito na para bang buhay nya ang kinukwento nya. Eh narinig nya lang naman lahat sa akin ang mga yun.

'Oh, di ba? Hindi talaga kayo pinagtatagpo kasi di kayo dapat magtagpo dahil wala na kayong purpose sa isa't-isa.' para na itong nagsesermon sa mga sinasabi nya.

'Eh, bat kami nagkita kanina?' tanong ko dito.

Napatigil ito.

'Ang tanong dun, bakit ngayon lang kayo nagkita ulit? Kung kelang may boyfriend ka na?'

Napaisip ako sa tanong nya. Bakit nga ba? Nagpapatunay lamang yun na hindi sya para sa akin. Dahil sa lahat ng pagkakataon, hindi umaangkop ang panahon. Laging kapos. Always almost. We almost catch up with each other if only I was assigned here in Mariano a month earlier. And we almost have a second chance if only we met again a week earlier when I don't have Kennedy yet.

'Alam mo kung bakit ka na assign sa Mariano kahit ang dahilan ng mga dasal mo ay nakaalis na?' tanong nito sa akin.

'What?'

'Cause you were meant to meet your soulmate here.' nakangiting wika nito.

'At feeling mo ikaw yun?' pang-aasar ko dito.

Bahagya itong tumawa, 'Naman!' confident na confident na sagot nito.

I laughed and he laughed too.
We had a great conversation at ilang minuto pay nagpaalam na si Kennedy na uuwi.

I was left all alone at home. Tumungo ako sa kwarto at inihiga ang pagal kong katawan sa kama. Nakakapagod ang araw na ito. Hindi lang ang katawan ko ang pagod, pati utak ko.

I opened my phone and just as I browsed my facebook account, a friend request popped up.

Napatigil ako habang nakatitig sa cellphone ko.

Teng?

It was the friend request I used to pray for to receive.
I remembered before that I used to send this person a friend request and he didn't even notice. Then, I'll delete it, then send another request, then delete again. Paulit-ulit lang na gawi ng tangang umaasa.

At ngayon, para bang naghimala ang langit sa nababasa ko.

Is it for real?

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon