After 7 years.
'Para!'
Sobrang lakas ng sigaw na yun para ako ay magising. Pagmulat ko ay nakita ko ang isang babae na pababa ng jeep. Tumagilid ako nang pagkaka upo para bigyan ito ng daan. Punuan ang jeep at pati gitna ay nilagyan na ng upuang kahoy para maupuan. Papunta kami ng kapatid kong lalaki na si Marco sa San Rafael para sa pagsisimula ng kanyang klase sa kolehiyo. Sinamahan ko sya nang sya ay nag enrol doon at ngayon naman ay sasamahan ko sya na makalipat sa kanyang boarding house. Civil engineering ang kinuha nyang kurso at di katulad naming magkapatid na babae, pinayagan syang mag-aral sa San Rafael.
Minsan naiisip kong medyo unfair ang mga magulang ko. I badly wanted to study in Manila. Nang hindi ako pinayagan, nakiusap ako na maari ay sa San Rafael na lang. Hindi pa rin ako pinayagan. Pati ang kapatid kong babae na si Klarita ay di rin pinayagan. Pareho kaming kumuha ng kursong education sa San Isidro. Major in English ako at sya naman ay major in Math.Pero naka move on na ako sa eksenang yun. I had already graduated and is currently teaching in my Alma matter, ang San Isidro State University. Two years na akong nagtuturo dun bilang lecturer at ngayon ay nag aapply bilang secondary school teacher sa DepEd.
I have my ifs, What if I did not take the education course? What if my parents allowed me to study in Manila? What if my life is different from what it is now from the very start? But I brushed those what if's when I hit the age of 19. I graduated at the age of 19. Yes! And soon after my graduation, I was hired at my college school. Great life, i guess and I thank God for that.
I tried to catch forty winks when the jeepney started moving again. Masyadong maaga ang byahe namin mula San Isidro at ngayon ay nasa bayan pa lamang kami ng San Lazaro. Ilang oras pa ang tatakbuhin ng jeep bago namin marating ang San Rafael.
Just then, I opened my eyes without any reason. Walang pumara, wala ring sumakay.
WELCOME TO MARIANO
Those words are the first thing I saw after I unforcibly opened my eyes.
Ibig sabihin, nasa Mariano na kami.
Bigla kong naalala ang katangahan ko noon. I prayed every day na sana ay mai assign ako bilang guro sa Mariano. I was applying for a permanent teaching position in DepEd and I once prayed to God na sana sa Mariano ako makapagturo. The reason?
Si Teng. I cannot call him Kuya anymore. His memories haunt my life. At tuwing naaalala ko ang katangahan ko sa kanya, nanliliit ako. Eww! Nakakadiri pala ang mga katangahan kapag naka move on ka na noh?Five years ago, nalaman kong nalipat ng parokya si Father Abraham. At yun ay sa parokya ng Mariano. Alam kong kung saan si Padz, laging andun si Teng, kaya nang nag aapply na ako sa DepEd , ipinagdasal kong sana ay sa Mariano ako mai assign. But not this time.
It was last year, when I decided to stop everything that I do for him or for me to meet him.
It was when I deleted my friend request in Facebook to him for the last time. That was the time I realized that I was too stupid to love someone who doesn't even care anymore. Six years na akong nagsisend sa kanya ng friend request. Pero never nyang inaccept. Minsan, I would delete my friend request and send another one again para mapansin nya. Pero walang epek. Ilang beses kong inulit yun. Send, delete, send, delete. Ganun lang nang ganun kahit di ako inaaccept. Tanga.
Sometimes, I would text him sa number nya kahit na nang tinawagan ko nang ilang beses ay di nag riring. Even I thought na baka nagpalit na sya ng number, every day pa rin akong nagsisend ng text. Ganun nang ganun for the past 6 years. Pero hindi na ngayon.
I've changed. I had matured. And this time, I'm doing everything for myself. Hindi katulad ng dati that I do everything for him, for him to like me if ever our paths cross again. Pero ngayon, kahit di na kami magkita ulit. Wala na akong pake. I don't know how my love for him for 6 years turned into anger.
Muli akong bumalik sa pagkakaidlip at nang magising ako ay nasa San Rafael na kami.
Matapos maayos ni Marco ang lahat ng gamit nya sa kwarto nya sa inuupahang boarding house, nagyaya itong lumabas.
'Te, magpapa photocopy ako ng mga requirements. Nanghihingi pa kasi sila ng requirements aside dun sa naipasa ko na dati.' wika ni Marco habang naglalakad kami galing kainan.
'Di ba nagbigay ka na ng requirements mo ng nag enrol ka?' iritableng tanong ko dito. Kaya pala bitbit nito ang kanyang envelope na pinaglalagyan ng mga requirements.
Sumimangot ito. Halata din sa mukha nito ang pagka irita.
'Yun nga eh. Ewan ko dun. Paulit ulit ng requirements.' sagot nito.Hindi na ako umimik. Nagpatuloy kami sa paglalakad habang ako ay nililibot ang paningin sa mga establisyimentong nakapaligid. Wala akong makitang photocopy shop.
Hinila ko si Marco patungo sa daan papuntang SRSU. Yun lang ang pamilyar na daan sa akin. At sigurado akong maraming photocopy shop sa paligid ng paaralan.
Hindi ako nalalagi sa San Rafael, simula nang una kong beses na punta dito, dalawang beses pa lamang iyon nasundan. Pangatlo ngayon. Kaya wala akong alam sa mga pasikot sikot dito.
Just then, I saw a familiar signage, PQR shoppe. At sa baba nito ay may printing job, photocopy, at marami pang ibang services.
May dagdag sa business? Bongga!I felt nothing when we entered the shop. Honestly, it's pretty normal, but mind you. I did look for his familiar face from the numerous people inside. I won't deny it. The last time I saw Teng was on our first meeting. That was 7 years ago. I wonder what he looks like now.
As for the shop, medyo nanibago ako. Hindi dahil ibang iba na ang pagkakaayos ng mga gamit sa loob, andami na ring tao dito.
Maliban sa direct selling na nauna nyang negosyo, meron na rin syang photocopy, printing services at marami pang iba. Umunlad si lolo mo. Wow!I remembered when I suggested that he opens another shop. Different from his direct selling one. Yun ay computer shop since graduate naman sya ng BSIT. He told me na tatanungin daw nya ang nanay nya, but his mother disapproved.
So sa halip na computer shop, naglagay na lang sya ng computer services sa loob ng shop. Not bad.
'Wala po si Kuya Teng?' I asked the woman who entertains the customers.
Tumingin ito sa akin at nang maisip siguro nya na magkakilala kami ni Teng, sumagot ito nang hindi ngumingiti, 'Lunch break nya.'
I don't know, but I felt a bit of disappointment when I heard it.
Hindi na siguro talaga kami magkikita.
BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomanceInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...