Chapter 16

11 0 0
                                    

'Ano ba ang ginawa mo dito sa mga related literature mo? Halos walang connections ang bawat paragraph!'

Napa atras ako nang marinig ko ang halos pasigaw na na wika sa akin ng isa sa mga panelists ko.

Yumuko ako at napakagat ng labi. Hindi ko man nakikita, alam kong nakatingin sa akin lahat ng tao na nasa loob ng faculty room ng education department ng SRSU.

Isang linggo matapos ang proposal defense ko ay nagpacheck ako ng manuscript sa mga panel of examiners ko at adviser para matingnan nila kung tama at maayos ang aking chapters 1 to 3 bago ako umusad sa investigation. Walang naging problema sa adviser ko at sa ibang panelists. Tanging kay Doc Easter lamang ako nagka problema.

'Look at this.' iniabot ni Doc Easter ang manuscript ko at itinuro ang isang pahina nito sa akin.

Tiningnan ko ang itinuturo nya. Isang paragraph yun ng related literature ng thesis ko.

'What happened here? Bakit biglang tungkol na ito sa research culture? While your previous paragraph talks about research!' dagdag nito.

Lumunok ako ng laway bago ako nagsalita. Hindi ko maintindihan kung ano ang mararamdaman ko ng mga panahong iyon.

'Doc, tapos ko na po kasing i discuss ang research, so I discussed the next variable which is the research culture po.' No matter how hard it is, I reminded myself not to drop the honorifics during the conversation. I don't want to create another issue.

All eyes are on us. Malapit na naman ang pasukan kaya hindi lang ang faculty and staff ng education department ang nasa loob. Pati na rin ang mga estudyanteng nag eenroll.

'At ganun-ganun na lang yon? You just ended up the first discussion and opened the other topic without connecting the two? That is not how you write the RRL!' Bumaba ang tono ng boses nya pero mas madiin. Mas masakit sa pakiramdam.

Para akong lulubog sa hiya. Hiniling ko na lang na sana ay walang nakakakilala sa akin sa loob.

'Ok po, doc. Ulitin ko po ang RRL ko. Susundin ko po lahat ng corrections nyo.' wika ko dito expecting to end the   embarrassing situation.

But I was wrong. Kumuha sya ng ballpen at sinulatan ang manuscript ko habang ini explain ang mga corrections. Parang dumanak ng dugo sa mga pahina ng papel sa dami ng pula.

Napabuntong-hininga ako. Sunud-sunod ang pagsusulat nya sa manuscript. Andami. Hindi ko na sya halos tiningnan at pinapakinggan. It's too much for me to bear.

Nang natapos sya ay kinuha ko ang manuscript at nagpaalam.

Dali-dali akong lumabas ng faculty room bitbit ang mga gamit ko.

Nang makalabas ako ay huminto ako sa tapat ng saradong pinto at bumuntong hininga nang sobrang lalim. Pinipigilan ko ang umiyak.

'Mukhang nagisa ka ah.'

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang wika ng isang lalaki sa tabi ko. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang dati kong kasamahan sa paaralan na lumipat ng ahensya, sa SRSU.

Nakasandal ito sa dingding sa tabi ng pinto. Malapad ang ngiti na hindi ko maintindihan kung kino comfort ako o inaasar.

'Mas mamamatay ako sa gulat kesa sa kahihiyan!' pataray na sagot ko dito.

Tumawa lang ito at humarap sa akin.

'Nasa loob ka kanina?' nag-aalalang tanong ko dito.

Ngumiti ito. 'Narinig at nakita ko lahat.'

Napapikit ako at nagpakawala ulit ng isang mas malalim na buntong-hininga.

Ramdam na ramdam ko ang sakit at kahihiyan. At the same time, awang-awa ako sa sarili ko. Nagisa na rin ako sa proposal defense pero at least doon, ako lang at ang panel of examiners ang nandun. Unlike today na marami ang nakasaksi kung paano ako mapahiya. Pakiramdam ko nang mga panahon na iyon ay ang bobo ko.
Minura ko sa isip ko si Doc Easter sa sobrang inis ko.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon