'Nakapasok n c Nari,' text sa akin ng kaklase ko nang college na kasabay ko ring nag apply sa DepEd.
Nanlumo ako. I know it's bad to feel bad for others when they get good news, but I can't help but envy Nari at this moment.
Kaklase ko si Nari sa college and kasabay ko ring nag aapply for a permanent position at tulad ko ay isa ring English major graduate. She is in the top 9 in the registry of qualified applicants for teachers for the whole division while I am in the top 2. Kaya ganun na lang ang panlulumo ko nang malamang tinawagan na sya for a permanent position samantalang ako ay ilang buwan nang naghihintay ng tawag simula nang bumaba ang RQA o ang registry of qualified applicants.This time, I prayed harder. Yung talagang dasal na sobrang mataimtim, like it's a matter of life and death.
I find it unfair for the division office not to follow the order of applicants in the RQA. Bakit ang nasa ibabang rank ay tinawagan na, bakit ako ay wala pa rin. It's already June at nagsimula na rin ang pasukan. Hanggang ngayon, waley pa rin.
I hear stories about biases, yet I chose not to believe them because if there is any, what can I do about it? I 'm just an applicant, nothing good will happen to me if I throw complaints about them not being fair. Ganun siguro talaga pag ikaw ang nangangailangan, kahit alam mong may hindi na tama, wala kang magagawa.
I started thinking how pathetic I am. Andami kong hindi nakuha na mga bagay na gusto ko. I got lots of failures. My disappointments are also lining up. I was so tired every night thinking how I ended up this pathetic. Bakit di ako katulad ng iba na madaling makuha ang mga bagay-bagay with just their looks and connections.
I did my best. That's why I made it on top, right? I'm also on top of my class; got good grades and reputation and even high rating for the teacher's exam. But why?I brushed my self-pity session off. I don't have time for such drama.
He's the reason for the teardrops on my guitar...
Ringtone ko yun. Matagal ko pa bago na realize na ringtone ko pala ang naririnig ko. Don't get me wrong. Di ako swiftie. Di rin ako marunong mag gitara. Gusto ko lang talaga ang kanta kaya ko ginawang ringtone.
Unknown number. Sino kaya ito? Wala ako sa mood ha.
Ayoko nang nakikipaglokohan sa text or tawag. Kahit pa sabihing lumaki ako sa panahong ang panliligaw ay sa cellphone na o sa chat, hindi ko pa rin ine enjoy ang pakikipag text sa kung sino-sino. Matagal na na panahon na hindi handa ang mundo ko para sa relasyon.'Hello po,' sagot ko matapos ilagay ang cellphone ko sa tabi ng tenga ko.
'Ay, hello, mam,' isang lalaki ang sumagot sa kabilang linya. Napasimangot ako. Kung isa na naman ito sa mga magtatanong kung pwedeng makipagkaibigan ay pasensya na talaga. Makakapagtaray talaga ako nang bongga. Hindi maganda ang araw ko at maikli ang pasensya ko ngayon.
'Si Mam Karlota po ba ito?' tanong ng lalaki.
At kilala nya pa ako. Wow! Nakapag background check.
May pagka-alanganin akong sumagot, 'Opo.'
'Ay, Ma'am. Si Sir Larry ito. Ang head teacher ng Mariano National High School.' pagpapakilala ng lalaki.
Hindi makikipagkaibigan, Karlota. Feelingera ka.
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Head teacher? Ito na ba ang hinihintay ko?
'Ah, hello po, sir. Bakit po?' mas mababa ang boses ko ngayon kumpara kanina. I need to show more respect.
'Willing ka bang magturo, ma'am sa school namin?' diretsahang tanong nito in an authoritative tone.
'Saang lugar po, sir?' I need to ask the place. Baka kasi sobrang layong isla at di ko kayanin.
'Sa Mariano, ma'am pero annex ito ng Mariano National High School. MAPEH ang tuturuan mo, Ma'am.' tuloy-tuloy na wika ni Sir Larry. Nahirapan tuloy akong iproseso ang lahat ng impormasyon na kailangan kong timbangin bago umoo.
![](https://img.wattpad.com/cover/263773672-288-k911827.jpg)
BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomantizmInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...