Chapter 7

27 0 0
                                    

KARLO'S POV

'Ang hirap ng exam. Lalo na dun sa math.' pagrereklamo ko kay Kuya Sandro habang naglalakad kami palabas ng gate ng SRSU. Mag a alas kwatro na ng hapon nang natapos ang exam. Buong araw kaming nakasubsob kakasagot ng mga pagkahirap hirap na mga tanong.

Mukhang hindi ako papasa. Sabi kasi nila, mararamdaman mo daw kapag papasa ka sa exam kapag pagkatapos ay magaan ang pakiramdam mo. Sa nararamdaman ko ngayon, malabong maipasa ko ang exam.

Ang hirap naman kasi nung math. Parang wala talaga atang balak na magpapasa ng exam na yun. Charrrr.

'Ang hirap ng English. Ok pa yung math.' sagot ni Kuya Sandro na halatang hindi rin nagustuhan ang exam.

'Mabuti ka pa. Nadalian sa math. Ako, parang wala akong nasagot na tama. Nagtry akong mag solve. Hayy naku, wala sa choices ang sagot ko. Pinili ko na lang ang pinakamalapit.' pagbibiro ko dito sabay tawa nang malakas. 'Sana tumama man lang kahit isa.'

Tumingin sa amin ang mga kasabay naming examinees na palabas din ng gate ng unibersidad.

I smiled awkwardly to them and went on my way out.

'Mahirap din yung math. Marami rin akong di nasagutan. Pero mas mahirap talaga yung English.' sagot nito na hindi man lang nakatingin sa akin. Magaling si Kuya Sandro sa math, samantalang ako, boplaks. Nakakasunod naman ako sa lesson pero di ko talaga kaya mag solve lalo kapag mga exam. Hindi kasi lahat ay naaalala ko. Pagkatapos kasi ng lesson, nawawala na sa utak ko ang idiniscuss. Ang iba pa, di talaga naituro.

Bumuntong hininga ako nang malalim. Mukhang pareho kaming di makakapasa. Patay! Pero mas ok ata yun kesa ako lang. Charrr.

Namasyal muna kami ni Kuya Sandro bago kami umuwi ng shop ni Kuya Teng. Pampalipas ng oras dahil wala naman kaming gagawin sa shop nya kundi ang manood ng tv. Isa pa, bukas ay uuwi na kami ng San Isidro kaya minabuti naming mag ikot-ikot.

Nadatnan namin si Kuya Teng na naghahanda ng makakain. Niyaya kami nitong kumain ng hapunan. Hindi na kami tumanggi. Gutom na rin kasi kami. Hindi kami kumain sa labas dahil sinabihan nya kami na dito na kumain.

'Nagluto ka po, Kuya?' tanong ko dito. Mababakas ang pagka kumportable sa pagtatanong ko. Close na kayo, gurl? One day pa lang?

Natawa ito sa tanong ko, 'Hindi. Inorder ko lang sa Yin's. Wala akong lutuan dito. Rice cooker lang.' sagot nito habang nakatawa nang mahina.

Sabagay, sa liit ng shop nya at ng kusina nya na nasa loob pa ng kanyang kwarto, mahirap talaga magluto. At para sa isang taong nakatira mag-isa, mas makakatipid ata talaga kung bibili na lang sya ng pagkain sa labas.

Pagkatapos naming kumain ay nag prisinta akong maghugas ng plato. Makitid ang kusina nya na nasa tabi ng banyo. Kokonti ang gamit, iilang baso lang, kutsara, tinidor, plato, at isang rice cooker.

Nasa kwarto si Kuya Sandro at nag-aayos ng mga gamit nya dahil bukas ng umaga nang madaling araw ay babyahe na kami pauwi ng San Isidro.

Lumabas ako ng kusina pagkatapos kong mag toothbrush at magpunas. Nasa kwarto na ako nang makarinig ako ng ingay ng parang isang makina.

Nagtaka ako at tiningnan si Kuya Sandro na abala pa rin sa pag-aayos ng gamit nya.

'Ano yan, Kuya? Naririnig mo?' takang tanong ko dito.

Hindi ito tumigil sa pag-aayos, 'Kanina pa yan. May ginagawa yata si Kuya Teng sa labas.' sagot nito na halatang hindi interesado sa naririnig naming ingay.
Ako lang ata talaga itong curious. Curious o chismosa?

Hinawi ko ang kurtina ng kwarto at nakita ko si Kuya Teng na nakatayo sa tabi ng isang itim na inflatable bed.

'Kuya, ano po yan?' pagtatanong ko dito na ang tinutukoy ay ang ingay na naririnig ko.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon