Chapter 4

33 0 0
                                    

I went directly to the room when we went back to the shop right after we eat. We decided to have a stroll around the town of San Rafael, but the heat of the sun is just too much for us to bear.

Sarado na ang shop nang dumating kami, ngunit nandun pa rin ang babae na kasama ni Kuya Teng kanina.

Nakaramdam ako nang pagka bore sa loob ng silid kaya lumabas ako at tumabi kay Kuya Sandro na nakaupo sa monobloc chair habang nakatingala sa tv na nakadikit sa itaas na bahagi ng dingding.

Kumuha ako ng isang upuan at umupo sa tabi ni Kuya Sandro tsaka inihilig ang ulo ko sa balikat nya.
We've known each other since we were born, and from all my cousins (because ours is a big family), si Kuya Sandro ang pinaka close ko dahil kami ang magka edad. Mas matanda lang sya sa akin ng buwan.

'Magkapatid kayo?'

Napatingin ako sa babae na nasa front desk pa rin at abala sa pag-aayos ng mga paninda. Hindi pa rin sya tapos?pagtataka ko na may halong inis.

'Hindi po.' tugon ko tsaka ngumiti. Umunat ako at inalis ang pagkakahilig ng ulo ko sa balikat ni Kuya Sandro. Pinilit kong wag mapatingin sa dako ni Kuya Teng. Hindi ko kakayaning tingnan ulit ang mukha nya.

'Magpinsan po kami. Magkapatid ang mga papa namin.' pagpapaliwanag ni Kuya Sandro.

'Ahh. Kapatid ni Tito Ruel ang papa mo?' singit ni Kuya Teng habang nakatingin kay Kuya Sandro. Pakiramdam ko iniiwasan nya rin ako ng tingin.
Magkakilala pala talaga si papa at Kuya Teng? Bakit hindi ko talaga sya nakita noon? Halos lahat ng kapatid ni padre ay nakilala ko na. Pati na rin ang mga pamangkin nito. Kahit nga si nanay eh, ang mama ni padre. Halos buong pamilya ni pads ay nakita ko na at nakakausap kapag pumupunta ako sa kumbento. Minsan, ang ibang pamangkin ni padre ay napupunta na rin ng bahay. Sino kaya sa mga kapatid ni padre ang magulang ni Kuya Teng?

'Opo.' maikling sagot ni Kuya Sandro.

Namayani ang katahimikan nang mga ilang sandali. Nagpatuloy kami ni Kuya Sandro sa panonood ng telebisyon.
Paminsan-minsan ay di ko maiwasang tumingin sa dalawang hindi pa rin natatapos sa pag-uusap. Hindi ba sila nagsasawa? May naramdaman akong kakaibang pakiramdam. Hindi ko maintindhan kung naiinis ako o naiinggit.
Tiningnan ko ang babae nang mas matagal. Maganda sya. Maliit ang mukha at kapag ngumingiti sya ay lumalabas ang kanyang pantay-pantay na mga ngipin. My tongue suddenly touched my bucktooth at my upper teeth. It is really prominent. Nasa harap talaga kasi sya ng ngipin ko. This bucktooth is one of my greatest insecurities aside from my whole body.

I cannot explain it but I felt awkward with Kuya Teng. When did it start? On our first meeting? When he accidentally had a free sneak peek of my body? I shook my head when I remembered that incident. Pakiramdam ko ay nabastos ako nang sobra. Pero kahit ganun ang nararamdaman ko, bakit di ko kayang magalit?

Sa kakatingin ko sa babae ay nagawi ang mga mata ko sa isang mistulang certificate na nakalagay sa certificate holder na kulay blue na nakasabit sa dingding sa bandang likuran ng front desk. Katabi nito ang sari-saring paninda.
Marami ang nakasulat dito. Kaya lang hindi ko na mabasa ang iba dahil sa sobrang liliit ng mga letra.
JOHN PETER PALAMO MONTE
Ang tanging mga salitang nababasa ko. Yun ang pangalan nya? So ang Teng ay sa Peter? Ang lapit ha? Ang nanay marahil nya ang kapatid ni padre dahil sa kanyang middle name na apelyido ni padre.

Tubong ibang probinsya sina padre. Napunta lamang dito sa probinsya namin dahil dito sya na assign sa pagpapari. Ang iba nyang kamag-anak ay dito na rin bumuo ng pamilya.

'Alis na ako, boss.' paalam ng babae kay Kuya Teng atsaka ito humarap sa amin at nagpaalam din.

'Sige, mare. Ingat.' tugon ni Kuya Teng.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon