Chapter 13

23 0 0
                                    

Sobrang pagod ako mula sa trabaho. Inihiga ko kaagad ang katawan ko sa kama pagdating ko ng boarding house. Andaming ganap sa school ngayon dahil malapit nang matapos ang eskwela. Sa sobrang pagod ko, tinanggihan ko ang pag-aya ni Kennedy na kumain sa labas.

Ipinikit ko ang mata ko. I was trying to catch forty winks nang tumunog ang cellphone ko.

Sabi ko na ngang pagod ako.

Iritable akong tumayo at kinuha ang cellphone ko sa bag na ipinatong ko sa upuan nang dumating ako.

Mahal, ok lang bang pumunta ako kina Sir CJ? Text ni Kennedy. Si Sir CJ ay ang co-teacher nito. Permanente na bilang guro si Kennedy sa annex school ng Mariano na dati kong pinagtatrabahuan. Ngunit nailipat ako sa main campus dahil ang appointment ko ay sa main pa rin.

Ok lang. Wag maglasing. Reply ko dito. Laging ganun ang reply ko tuwing magpapaalam si Kennedy na uminom. Hindi ako naghihigpit. Sa isang taon naming mag boyfriend at girlfriend, hindi ko kailanman natandaan na hindi ako pumayag sa lahat ng lakad nya. Hindi dahil sa wala akong pakialam ngunit wala akong maisip na dahilan para hindi pumayag. Wala akong nararamdamang hindi maganda tuwing nagpapaalam sya at lagi kong sinusunod ang nararamdaman ko sa pag dedesisyon lalo sa relasyon namin.

Thank you, mahal. I love you. Reply nito.

Mabilis akong sumagot ng, I love you too.

Kinuha ko ang bag ko at isinabit sa rack na nakalagay sa likod ng pinto tsaka ako nahiga ulit sa kama. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at sinubukang matulog. Subalit hindi ako makatulog. Maraming pumapasok sa isip ko lalo na ang tambak-tambak na trabaho na naghihintay pa rin sa akin bukas.

Kung alam ko lang na ma i stress lang din ako dito sa trabaho ko sana nag astronaut na lang ako.

Inis kong inabot ang cellphone ko na nasa tabi ko. I started browsing my facebook accounts. Pampatay ng oras.
Then suddenly, a chat head appear on my screen. Napangiwi ako. John Peter Palamo Monte.

Binuksan ko ang chat nito and I was actually expecting another meme from him. Simula nang naging friends kami sa Facebook ay panay na ang pagsi send nya sa akin ng mga walang kwentang memes. Yung iba nakakatawa pero madalas naiinis lang ako. I wanted to talk. I actually wanted someone to talk with, but every time I tried to open a topic, rereplyan lang nya ako ng memes. Which is sooo irritating.

You might be asking, why not talk to my boyfriend when I wanted someone to talk to? We talk, every day, but we talk about different issues or topics. Ang laki ng pinagkaiba namin ni Kennedy. We are an exact opposite of each other. He's outgoing, while I enjoy being at home. He loves physical activities, while I love reading books or doing other stuffs an introvert would love to do. Although, we find topics we are both interested in, there are topics that  I wanted to talk about that he finds not that interesting.

And Teng talks to me about topics I find really interesting, like mental health, depression, anxiety, and the likes. However, these past few days, he has been sending me memes which really irritate me, especially if I have a rough day.

Binuksan ko ang message. It's not a meme. Buti naman.

"Why do people cheat"?

Nabigla ako sa chat nya. Nangyari dito?

"Why? What happened?"  Reply ko.

"Just answer".

Demanding ang hay*p.

"Brineak ka?"

Hindi ko alam kung may girlfriend sya. Matagal na rin kaming nag-uusap through chat. And Kennedy knows about it. But we had never been talking about personal topics. Never. And the reason why I replied to his first chat is because he is still a family friend. Tsaka ako lang ang may issue sa kanya. He told me before that he never remembered me as someone who has been texting him before or yung tumira sa shop nya. Hindi nya daw maalala yun. Hindi ko na rin pinilit.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon