Sukbit-sukbit ko sa likod ang laptop bag ko na naglalaman ng laptop ko at ng isang notebook na pinagsulatan ko ng mga importanteng bagay na dapat kong matandaan para sa aking presentation. Sa kanang kamay ko ay ang apat na kopya ng manuscript ko habang ang kaliwang kamay ko ay hawak ang isang plastic na naglalaman ng apat na balot ng mini cake at apat na pineapple juice sa lata.
Research proposal presentation ko ngayong araw at kanina pa ako hindi mapakali. Idagdag pa na naglalakad ako sa gitna ng kalsada bitbit ang pagkarami rami kong dala dahil wala akong sasakyan. Alam ko ang bawat tingin sa akin ng mga tao. Naiisip nila na para akong baliw at kawawa. Pawis na pawis ako sa sobrang init at ang semi-formal kong suot ay basa na at lukot na rin. Masakit na rin sa likod ang bigat ng bag ko pati na rin ang paa ko sa 2 inches kong takong. Nararamdaman ko na rin ang ngalay sa pareho kong braso dahil sa bigat ng dala ko.
Ngunit higit sa sakit at pawis, mas nararamdaman ko ang kaba at takot. Hindi ako ganoon ka confident sa presentation ko. Mag-isa lang ako at wala akong kasabay na magpi present ngayong araw. Hindi tumuloy ng thesis writing sina Jesson at Betty. Marami silang dahilan. Kesyo busy sa trabaho, kesyo mahirap, walang pang enrol at marami pa.
Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa gate ng SRSU. Ngunit para akong iiyak sa sobrang kaba. Wala akong kasama. Kinausap ko si Kennedy kung pwede nya akong samahan. Subalit may pasok sya at nahihiya syang magpaalam sa head nya na umabsent. I understand that. Taking a leave to be with your girlfriend for her presentation is not a valid reason. I know that since we are working in the same department.
I took a deep breath bago ako humakbang ulit, but I cannot make my feet take another step. Para akong iiyak sa kaba. I want someone to talk to. Someone I know.
Tinext ko si Kennedy to ease my anxiety pero hindi sya nag reply. Mahina ang signal sa school nila at maaaring may klase sya ngayon.
Tiningnan ko ang oras sa relo ko, 30 minutes before my scheduled time for the presentation. I turned around and started walking away from the gate.
'Si Kuya Teng?'
Napatingin sa akin ang lalaking nag phophotocopy. Marahil ay tiningnan nya kung sya ba ang kinakausap ko.
'Andito ba si Kuya Teng?' pag-uulit ko sa tanong habang tinitingnan ang lalaki na huminto sa kanyang ginagawa.
'Ang pinakagwapo ba?' tanong ng isang boses mula sa likod.
Lumingon ako. I was sure si Teng yun.
Thanks God! Andito sya.
Nakahinga ako nang maluwag nang paglingon ko ay nakita ko sya.Mukhang galing sya sa labas at kararating lang.
Lumapit ako sa kanya na parang wala sa sarili.
'Oh! Anong nangyari sayo?' halatang nagulat sya sa mukha ko. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa at sinipat nya rin ang mga dala-dala ko.
'Magpapa photocopy sana ako.'
Ha? Wala kang ipapa photocopy, Karlo. Kulang pa ang dala mo?
'Photocopy? Ayun oh.' sagot nito sa akin sabay turo sa lalaking nagpho photocopy.
'Unahin mo nga muna ito. Parang pupunta ng giyera eh.' pabiro nitong utos sa lalaki tsaka tumingin sa akin at ngumiti nang nakakaasar. Pero di iyon tumalab sa akin.
Lumapit ako sa upuan na nasa kanang bahagi ng shop. Doon umuupo ang mga customers kapag naghihintay sila ng kanilang pinapa print o pinapa photocopy. Ibinaba ko ang mga dala ko tsaka umupo na parang pagod na pagod.
'Nasan na ang ipapa photocopy mo?' lumapit ito sa akin at ibinukas ang kanyang palad sa harap ko na parang naghihintay sya na may ibibigay ako.
Tiningala ko sya tsaka nagpakawala ng buntong hininga.
'I'm about to have my proposal presentation.' wika ko sa kanya.
'Proposal? Ganun ka na ba ka desperada para ikaw na mag propose sa boyfriend mo?' tanong nito na halatang nagbibiro.
Inirapan ko sya at iniabot ang mga manuscript ko, 'I'm serious!'
Tiningnan nito ang mga iniabot kong papel at ngumiti.
'Ay bakit andito ka pa?' seryosong tanong nito. 'Babagsak ka dyan dahil late ka. Tingnan mo lang.'
'Maaga pa.' kinuha ko sa kanya ang mga manuscript at inilapag sa tabi ko.
'Ma'am, nasaan na po ang mga ipapa photocopy mo?' tanong sa akin ng lalaki na nasa counter sa may kalakasang boses.
'Wala akong ipapa photocopy, kuya.' sagot ko dito. Sumandal ako sa upuan at bumuntong hininga.
'Eh ano pala ang ginagawa mo dito?' pagtatakang tanong ni Teng sa akin.
Tiningnan ko sya na nakatayo pa rin sa harap ko. 'I just want to see a familiar face before my presentation. Kinakabahan ako and I feel so alone. Wala akong kasama and it feels so suffocating.' sagot ko dito.
Sumandal sya sa glass na estante at ikrinus ang kanyang mga kamay.
'Gusto mo lang makakita ng gwapo bago ka mag present eh.' nakangiting wika nito.
Napaka feeling talaga nito.
'Seryoso ako.' madiin kong sagot sa kanya. 'Wala ako sa mood makipaglokohan.'
Sumeryoso ang mukha nito at umupo sa tabi ko. 'Okay! Okay, fine! What do you want me to do?'
'Just be there. I told you, kailangan ko lang makakita ng pamilyar na mukha para kumalma ako.' sagot ko dito.
'I'm here. Kalmado ka na ba?'
Tumingin ako sa kanya at di inaasahang tumama ang tingin ko sa tingin nya. He looks old compared before, of course. Pero andun pa rin ang tingin ng isang Teng na nakilala ko noon. A silence filled the space between us. Then, biglang tumunog ang cellphone ko.
Umiwas ako ng tingin kay Teng at kinuha ang cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng laptop bag ko. It's Kennedy.
'Good luck, mahal. Kaya mo yan! I love you.'
'Thank you, mahal. I love you too.' I replied.
Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag at tumayo. Isinabit ko ang bag sa likod ko at kinuha ang mga dala-dala ko.
'I am. Thank you.' baling ko kay Teng na nakatingin lang sa akin.
'Good luck.' wika nito na may matipid na ngiti.
Ngumiti ako sa kanya bago naglakad, 'Thank you.' sagot ko bago tuluyang lumabas.
Naglakad ako patungo sa gate ng unibersidad dala-dala pa rin ang manuscript ko at ang meryenda ng panelists.
Lord, ikaw na po bahala.
BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomansaInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...