Chapter 5

29 0 0
                                        

TENG'S POV

Hindi ko inaasahan na sa araw ng pahinga ko ay may darating akong mga bisita. Madalas kasi kapag Sabado at Linggo ay pumupunta ako ng Sta. Monica para doon magpahinga. Iniiwan ko kay Anne ang pagbabantay ng shop kasama ang dalawa pang tao ko tuwing Sabado, at tuwing Linggo ay sarado ito para makapagpahinga na rin ang mga kasama ko sa shop.

Kagabi ay di ko inaasahan ang pagtawag sa akin ni Tito Abraham na may makikituloy sa akin na dalawang bata. Hindi na rin ako nagtanong kung ano ang gagawin nila dito sa San Rafael. Wala rin akong ideya kung sino ang mga darating. Nabanggit lang ni Tito Padz na anak ni Tito Ruel ang isa. Kilala ko si Tito Ruel simula pa nang pinag-aral at pinatira ni Tito Padz si Dodie sa kumbento. Si Dodie ay nakababatang kapatid ni Tito Ruel.

Sa totoo lang, medyo nag-alangan ako sa pakiusap ni Tito Padz. Ngunit dahil close naman kami ni Tito Ruel, pumayag na rin ako, and I cannot say no to Tito Padz.
Actually, I really expected to have kids as visitors, but I was shocked when I saw them earlier at the street. Dalaga at binata na. I thought they were little. 

I also hesistated earlier that it was them on the street. Pero namukhaan ko si Tito Ruel sa mukha ng babae kaya naisip ko na sya si Karlota. Hindi bata kundi dalaga at binata ang mga dumating.

'pamangkin ka ni Dodie, noh?' tanong ko at biglang humarap kay Karlota na nakaupo sa kanan ko.
Nabigla ito at nagising. I didn't know she was sleeping. Na guilty tuloy ako bigla nang mapansin kong kumunot ang noo nito dahil sa bigla kong pagsasalita.

'Sorry.' paghingi ko ng paumanhin.

Bumuntong hininga ito bago nagsalita, 'Ok lang po.'
Itinuwid nya ang katawan sa pagkakaupo.
'Tito ko po si Tito Dodie. Kapatid sya ni Papa.' sagot nito sa una kong tanong.

Nabanggit na rin ni Tito Padz sa akin na pamangkin nga sya ni Dodie. Gusto ko lang marinig mismo sa kanya dahil hindi ko sya kailanman nakita sa San Isidro kapag pumupunta ako doon. Madalas ako sa San Isidro lalo kapag may okasyon katulad ng Pasko, Bagong Taon, o kaarawan ni Tito Padz o ni Nanay, ang lola ko na nasa pangangalaga ni Tito Padz ngayon.

Ang pamilya namin ay nagcecelebrate ng mga mahahalagang okasyon sa lugar kung nasan si Tito Padz. Ang iba ay sa kanya na din nakatira.

Ang pinagtatakhan ko, why haven't I met this girl at San Isidro? Malimit ako doon. Hindi ba sya nagagawi sa kumbento?

'Nakapunta ka na po ba ng San Isidro?' tanong nito sa akin.
Napatingin ako sa kanya na mukhang wala ng balak bumalik sa pagkakatulog.

Nagtaka ako sa tanong dahil palagi ako doon at sakto sa iniisip ko ang kanyang pagtatanong.
'Lagi ako doon. Tuwing may mga okasyon tulad ng Pasko, Bagong Taon, ganyan. Pero di kita nakikita doon.' tugon ko.

Nanlaki ang mga singkit nitong mata. Halatang nabigla ito ngunit di ito sumagot.

Nanaig ang katahimikan. Medyo mahaba haba na ang natatakbo ng jeep. May kabagalan ang nasakyan naming jeep kaya nakaramdam ako ng awa sa dalawa dahil alam kong mahabang byahe din ang pinagdaanan nila kanina. Ngunit di ko sila pwedeng iwan sa shop habang ako ay nasa Sta. Monica.

Tumagilid ako paharap kay Karlota na nakatingin sa bintana sa harap ng jeep. Bahagyang pababa ang mga talukap ng mga mata nito kaya nagmistulang singkit. Hindi ko alam kung inaantok sya dahil sa mga mata nitong parang laging malungkot. Her eyes make her unapproachable. Para syang laging nakasimangot at may katarayan. Matangos rin ang ilong nito at ang kanyang mga pisngi  ay malaman kahit pa sabihing payat ang kanyang katawan. Morena ngunit makinis ang mukha nito. Sabog-sabog ang mga kilay nito na halatang di pa kailanman naahitan.

Hindi sya typical na kabataan na mahilig mag-ayos. Wala sya kahit pulbo at ang mga labi nito ay walang bahid ng kahit na anong pangkulay.
Napaka inosente ng mukha. Sa tantya ko nasa katorse o kinse ang edad nito.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon