Chapter 17

11 0 0
                                    

'Hindi pa ito okay sa kanya? Inayos ko na 'to. Ano pa gusto nya?' pagmamaktol ko habang binabasa ang corrections ni Doc Easter sa manuscript ko.

Di ko alam kung magpapasalamat ako  na sya lang ang nagbigay ng corrections habang ang adviser ko at ibang panelists ay wala man lang nilagay na kahit isang pulang guhit.

Binuksan ko ang laptop ko at sinimulang mag edit ng paper ko.
Nakailang beses ko na ring pina check sa kanya ang paper ko. Sinunod ko lahat ng corrections nya pero sa tuwing isesend ko sa kanya ang edited manuscript ay may panibago na naman syang correction. Di nya ba nakikita nang sabay-sabay lahat?

Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at tinuloy ko hanggang thesis writing ang master's degree ko. I never wanted to become a teacher. Fourth year college na ako ay di ko pa rin alam ang gusto kong career. Hanggang sa sinunod ko na lang ang flow ng buhay.

I studied secondary education, passed the LET, applied, and enrolled in graduate studies.

Lahat ng iyon, hindi ko masasabing ginawa ko out of passion. Ayoko lang talagang mangulelat sa buhay. I need a career and I need a job. And somehow, I want to excel in my chosen career. Pride. Yes.

Pinilit kong intindihin ang mga corrections ni Doc Easter sa thesis paper ko tsaka nag edit.

'Kelan nga ang final defense mo, 'te?' tanong ni Klarita na lumabas galing banyo.

Nagpunas ito ng kamay at dumiretso sa kama.

Sinulyapan ko sya saglit at nagpatuloy sa ginagawa. 'Magpapa schedule ako kapag tapos ko nang i interpret ang data na na gather ko.'

Yes. Tapos na akong mag gather ng data. Tapos na akong magpa compute ng data sa statistician ko. Pero hindi pa rin matapos tapos ang corrections ni Doc Easter sa related literature ko.

'Marami pa ring corrections si Doc Easter sa paper ko. Pati nga adviser ko naiinis na sa kanya. Mag dedefend na ako for final defense ay nasa Chapter 2 pa rin ang corrections nya.' iritableng pagkukwento ko kay Klarita.

'Hindi sya maka move on sa Chapter 2.' nakatawa nitong sagot.

Tumawa din ako nang marahan.

'Itong RRL, sinisira ang buhay ko.' halos pabulong kong sambit.

'Oo nga.' pagsang-ayon nito.

Bumalik sa ala-ala ko kung paano ako napahiya nang dahil lamang sa Research. Nasa pangalawang taon ako ng pag-aaral sa master's degree ko nang kumuha ako nang Introduction to Research na subject. At sa panahong yun ko mas kinuwestyon kung tama ang pinili kong landas sa career ko. Nang mga oras din na yun nawala ang lahat ng tiwala ko sa sarili ko.

'Alam mo, kami sa UP, hindi kami nag i English. Pure Tagalog kami.' wika sa akin ng professor ko sa Introduction to Research.

Bahagya akong napakunot ng noo. Natigilan kung saan nanggagaling ang mga sinasabi nito.

Nag present ako ng proposed research title ko na nang oras lang din na iyon ko ginawa. Nakatayo ako sa loob ng AVR room habang ang mga kaklase ko ay nakatingin sa akin at halatang nagtaka rin sa inasal ng professor namin.

Agad kong sinariwa kung ano ang nasabi ko na ikinagalit nya. Pero ang tanging naaalala ko lamang ay ang explanation ko kung bakit ko napili ang research title na iyon.

'English ka nang English, hindi ka naman naiintindihan.' dagdag pa nito.

Hindi nya ba naintindihan ang prinesent ko?

Pero himala naman yun at Docto of Education sya.

'Bakit ba ganun na lang ang pagtangkilik ninyo sa English? Mahalin nyo ang sarili nyong wika.' pagpapatuloy nito habang ako ay nakatayo pa rin. Nagtataka kung saan sya nanggaling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon