KARLO'S POV
Ang sakit ng ulo ko dahil sa biglaang pagkakagising mula sa pagkakaidlip kanina sa jeep.
Andaming kwento ni Kuya Teng. Parang di lalaki; andaming chika.
Napahawak ako sa ulo ko na pakiramdam ko ay mabibiyak sa sobrang sakit. Hindi biro ang pinagdaanan ko ngayong araw. Mula sa mahabang byahe, muntik nang masagasaan, nasigawan, nasilipan, bumyahe ulit, nagising bigla dahil sa chika ng katabi. Haiist. Sana hindi na lang sya tumabi sa akin kanina. Kinilig pa naman sana ako.
'Dito na tayo.' wika ni Kuya Teng na naunang bumaba ng tricycle.Pumara ang tricycle sa harap ng isang bahay na nasa gitna ng palayan. Sumakay kami ng tricycle galing bayan ng Sta. Monica dahil hanggang doon lamang ang jeep. Hindi naman kalayuan sa bayan ang lugar ng Tita ni Kuya Teng pero malayo sya kapag lalakarin.
Sumalubong sa amin ang masarap na simoy ng hangin. Nililipad nito ang mahaba kong buhok na hindi nakatali dahilan para matakpan ng ibang hibla nito ang mukha ko. Inipit ko ang buhok ko sa tenga ko ngunit sa sobrang lakas ng hangin, kumakawala pa rin ito sa pagkakaipit.Pumasok kami sa gate na kawayan ng bahay. Maya-maya pa ay may lumabas na isang batang babae na sa tantya ko ay nasa siyam na taong gulang na.
'Kuya!' mabilis itong tumakbo papalapit kay Kuya Teng at yumakap.
'Kamusta na, Ninin?' nakangiting tanong ni Kuya Teng sa bata.
'Ok lang po. Very good ako.' sagot nito habang nakapaikot ang kamay nito sa bewang ni Kuya.
Naglakad kami papasok ng bahay at sumalubong sa amin ang isang babae na maaring nasa kwarenta na ang edad.
'Pasok kayo. Upo.' nakangiting yaya nito sa amin.
Walang pag-aatubiling umupo ako sa upuang nara at inilapag ang bag ko. Tumabi sa akin si Kuya Sandro na halatang inaantok pa rin.
'Jude! Bumili ka nga ng meryenda!' sigaw ng babae na maaari ay si Tita Lorie.
Hindi ko pa nakita si Tita Lorie pero kilala ko si Jude. Marami pa palang kamag-anak si Padre ang di ko pa nakikita. Akala ko nakita ko na lahat.
Akala ko lang.Lumabas ang isang binatilyong lalaki sa pinto ng isang silid na nasa may kanang bahagi ng sala. Tiningnan ko ito at nginitian. Magkakilala kami ni Jude dahil nakita ko na ito minsan sa kumbento at nag-aral din ito ng isang taon sa San Isidro National High School kung saan ako nag-aaral. Ngunit hindi kami ganun ka close. Mas bata ito sa akin ng dalawang taon at hindi ito mahilig makipag-usap.
Ngumiti lang din ito sa akin tsaka lumapit kay Tita Lorie. Mababakas ang pagtataka sa mukha nito nang makita ako. Iniisip siguro nito kung ano ang ginagawa ko sa bahay nila.
'Bumili ka doon ng meryenda.' utos ni Tita Lorie sa kanya sabay abot ng limang daang piso.
Kinuha nito ang pera at lumabas ng bahay nang hindi man lamang kami tinitingnan.
'Tita Lorie, si Karlota, anak ni Tito Ruel at si Sandro, pinsan nya. Karlota, Sandro, si Tita Lorie, kapatid ni Tito Padz.' pagpapakilala ni Kuya Teng sa amin.
Tumayo kami ni Kuya Sandro para magbigay galang dito.
'Hello po.' wika namin.
'Naku. Upo. Umupo lang kayo.' sabi nito tsaka umupo din sa isang upuan sa harap ng aming kinauupuan.
'Si Ninin nga pala. Pangalawa ko.' hinawakan nito ang batang babae na nakahawak pa rin kay Kuya Teng.
Tiningnan ko ang bata atsaka nginitian. Ngumiti din ito sa akin.
'At yung isa naman ay si Jude, ang panganay ko.' dagdag nito.'Kilala ko po si Jude. Nag-aral po ata sya sya sa school namin nang nakaraang taon.' sagot ko dito.
'Ay, oo. Doon sya nag-enrol sa San Isidro last year. Pinatransfer lang namin ngayon dito kasi dito na kami nag settle.' pagpapaliwanag nito.

BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
Любовные романыInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...