Chapter 8

29 0 0
                                    

KARLO'S POV

Every day becomes so different from the usual. Aside from me being habitually late at class, this time, I smile a lot; laugh louder; and always looking forward to go home.

Bakit? Makakahiram na naman ako ng cellphone ni mama. Makakatext ko na naman si Kuya Teng. It's quite bizarre, but I enjoy his messages kahit wala namang kakwenta kwenta ang pinag-uusapan namin. Nag-aasaran lang. Minsan nagkukwentuhan nang kung ano-ano lang, but we are happy. I'm not so sure about him, pero ako ramdam ko ang saya every time na nakakatext ko sya.

Isang beses, nagtext si Kuya Teng bago ako makauwi ng bahay. At sina mama ang unang nakabasa nun.
'I'm starting to like you. Hindi ko alam kung napapansin mo. I can't stay being your friend. Ayaw na kitang maging kaibigan. I don't know how you feel while I'm saying this. Mahal na kita at gusto na kitang makasama. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. I love you and I wanna be with you.'

Nang mabasa ko ang message na yun ay para akong nanalo sa lotto kahit hindi ako tumataya. Ang saya-saya ko. Pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa buong universe.  Subalit, that was for a moment dahil nang iniscroll ko pataas ang message ay may karugtong.

'Sabi ng bading sa macho. Ayun! Sinapak! Buti nga!'
Huminto ang pantasya ko. Pati ang saya ko. So joke pala yun? Ganun? Umasa pa man din sana ako.

Tinanong ako nina mama tungkol sa text na yun. Ang tanging sinagot ko lang ay joke yun which is true. Ngunit di sila naniwala. Sana nga hindi joke yun. Bakit di sila naniwala? Nagsasabi ba nga ako ng totoo. Ang labo din minsan nina papa eh, hindi ka paniniwalaan pag nagsisinungaling ka, hindi ka rin paniniwalaan kapag nagsasabi ka ng totoo.

Nagpatuloy ang ganun naming setup. Text text tuwing hapon. Masaya na ako doon kahit di ko alam kung san ba yun patungo at kung ano ang intensyon nya sa pag entertain sa akin. Because I must admit, ako ang unang nag text nang nakauwi ako ng San Isidro.

My parents started asking me questions like kung may gusto daw ba ako kay Kuya Teng, kung may gusto daw ba sya sa akin, or kung nanliligaw daw ba. To all those questions, my answer is always 'hindi'. Pero sana. Sana nga may gusto rin sya sa akin. Sana nanliligaw sya. Sana.

It was that time that I realized that I like him. Like a lot. Gustong gusto ko sya. He is my ideal man. Gwapo, mabango, mabait, maayos ang pamilya, may tinapos, may negosyo. He has everything I wanted for my future boyfriend and husband. Kaya kahit 24 yeard old na sya while I was 15, it didn't matter to me. Aside from that, I like guys who are older than I am. I like their wisdom and their perspectives in life are quite mature.

'Te, pinapupunta ka ni Teng sa kumbento. Andito daw sya.' wika ni Papa sa akin habang kumakain kami ng hapunan.

Natigilan ako. Talaga? Bakit? Na miss nya ako? But, I don't know how to react. I might express too much joy and my parents might think that I like Kuya Teng na totoo naman. During that time, I was so afraid to tell them that I have my crushes or anything about love.

Pero gusto kong pumunta.
'Ayoko.' maikling sagot ko. Sagot na hindi bukal sa loob ko.

'Nanliligaw ba sayo si Teng?' seryosong tanong ni mama. I looked at her and tried to read her expression. Ayokong magkamali ng isasagot. Wish ko lang.

Kumunot ang noo ko tanda nang di ko pagsang-ayon sa sinabi nya. Pero echos-echos lang yun.

'Hindi. Hindi nga ako gusto nun.' nakasimangot kong sagot.

Tumigil sa pagkain si mama, 'So, ikaw gusto mo sya?'

Iniwas ko ang mga tingin ko kay mama at kumain na parang walang pakialam, 'Hindi noh!' mabilis kong sagot para maipakita ang pagka disgusto ko.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon