Chapter 2

64 0 0
                                    

KARLO'S POV

SAN RAFAEL. Ngumiti ako nang makita ko ang malaking pangalan ng San Rafael na nakasulat sa arko sa harap ng jeep na sinasakyan namin ni Kuya Sandro. Bahagya akong tumagilid sa pagkakaupo para makita ko ang labas ng jeep mula sa bintana nito. Ang unlad ng bayan na 'to. Kumpara sa bayan ng San Isidro, di hamak na mas maunlad ang San Rafael dahil ito ang pinaka sentro ng lahat ng bayan sa isla ng Tarak. Ang isla ng Tarak ay binubuo ng maraming bayan sa probinsya namin.

'San daw tayo bababa?' tanong sa akin ni Kuya na nakaupo sa unahan ko. Lumingon ito sa akin habang kalong-kalong ang bag nya na pinaglalagyan ng mga gamit nya para sa dalawang araw namin dito sa San Rafael.

Tiningnan ko ang cellphone ko at binasa ulit ang mensahe ni Kuya Teng sa akin. I was chatting him all throughout the travel. Natatakot kasi ako na baka maligaw kami ni Kuya Sandro. Pareho kaming unang beses na makakarating ng San Rafael.
'Sa harap daw ng San Rafael State University.' sagot ko.
Sumilip si Kuya Sandro sa bintana. Marahil, tulad ko, hinahanap din nya ang unibersidad na tinutukoy ni Kuya Teng. Nasa harap daw kasi ng unibersidad ang shop nya, text nito sa akin.

'SRSU!' sigaw ng driver matapos nitong ihinto ang makina ng sasakyan. Hudyat na na nasa harap na ang jeep ng unibersidad.

Sumilip ako ulit sa bintana at pinilit na tingnan ang nakasulat na pangalan sa arko na nasa taas ng gate.
SAN RAFAEL STATE UNIVERSITY. Nakasulat sa malalaking letra na gawa sa bakal at pininturahan ng berde ang pangalan ng unibersidad. Isa ito sa pinakamalaking unibersidad sa aming probinsya. At dito ko gustong mag-aral kung hindi man papalaring payagang mag-aral sa syudad.

Kinuha ko ang bag ko mula sa sahig at isinabit ang isang body bag sa balikat. 'Baba na tayo, Kuya.' yaya ko kay Kuya Sandro.

Binitbit nito ang bag nya at nakayuko kaming bumaba ng jeep.

Tiningala ko ang arko sa taas ng gate ng paaralan tsaka nilibot ang paningin sa mga establisyimentong nakapaligid dito. But I can't find any PQR shoppe around. Sabi kasi ni Kuya Teng, PQR shoppe dw ang pangalan ng shop nya na nasa harap ng SRSU.

Pero wala akong makitang signboard ng PQR shoppe na tinutukoy nya.

'Manang, san po dito banda ang PQR shoppe?' tanong ni Kuya Sandro sa isang babae na nakaupo sa harap ng isang rtw sa tabi ng gate ng SRSU.

Tumingin sa amin ang babae. Ngumiti ito nang makita ang mga malalaking bags na bitbit namin. Nasa singkwenta na ang edad ng babae sa tantya ko pero ang blush on nito ay outok na putok. Nagmukha tuloy syang sinapak ng limang lalaki sa kanto. Ang lapad ng ngiti ng babae habang nakatingin sa amin. Hindi naman nakakaasar ang ngiti ng babae pero bakit parang nahiya ako bigla?

'PQR?' pag-uulit nito.
'paulit-ulit?' bulong ko sa sarili ko.
'diretsuhin nyo lang ang kalsadang to, tas makikita nyo sa may kanang bahagi ang PQR.' tinuro ng babae ang daan sa harap ng SRSU tsaka sumenyas ng pakanan.

'Salamat po.' tugon ni Kuya Sandro na sinegunduhan ko naman.

Sinunod namin ang winika ng ale. Lumingon muna kami sa kaliwa at kanang bahagi ng kalsada para tingnan kung may mga tatawid na sasakyan bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Andaming sasakyan dito at andami ring tao. Sanay naman ako sa San Isidro na maraming tao at sasakyan pero mas marami ata dito. Habang naglalakad, nililibot ko ang paningin sa lahat ng gusali o bahay na nadadaanan namin. Nagbabakasakaling makita namin ang PQR shoppe. Hanggang sa kanang bahagi ng kalsada ay may nakita akong nakatayong lalaki. Nakangiti ito at di ko masiguro kung sa amin sya nakatingin. Ang guwapo nya sa puting t-shirt at shorts na hanggang tuhod ang haba.
Hindi ko napigilang mapatitig sa lalaki. Napakaaliwalas ng mukha nya. His smile gives me a feeling of home, a comfort. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mga oras na yun at di ko rin alam kung gaano katagal akong nakatitig sa kanya. Napansin ko ang babaeng nakatayo sa tabi nya. Nakangiti rin ito at nakaramdam ako ng kaunting insecurity. Maganda sya. Girlfriend nya kaya yun?

'Hoy! Napakabata mo pa para magpakamatay!' narinig kong sigaw ng isang mama mula sa aking likuran. Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Kuya Sandro sa manggas ng damit ko. Dahilan para mahila ang damit ko at halos maluwa ang strap ng bra ko sa kanang balikat ko. 'Ito naman si Kuya kung makahila.' reklamo ng isip ko at mabilis na hinila ang damit ko pataas ng balikat ko para maitago ang strap ng bra ko.

Agad akong napalingon at nakita ang galit na mukha ng tricycle driver sa likod ko. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahiya sa nangyari. Nasa gitna kami ng kalsada at napakarami ng tao. Sa lakas ng boses ng mamang driver, malamang lahat ng tao dun ay narinig ang pagsigaw nya sa akin at nakita ang paghila ni Kuya Sandro ng damit ko.
Bigla kong naalala ang gwapong lalaki sa tabi ng daan at sa pagkakataong yun, gustong gusto ko nang matunaw.
Pinaandar ng driver ang kanyang tricycle matapos nyang manigaw at ipahiya ako sa lahat ng tao sa paligid.

'Karlota?'
Wika ng isang boses mula sa likuran ko. Nasa likod ko si Kuya Sandro pero sigurado akong hindi nya boses yun. May iba pang nakakakilala sa akin dito?
Napalingon ako para tingnan kung sino ang tumawag sa akin at napatigil ako sa sumalubong sa akin na ngiti. Ang guwapong lalaki na nakatayo sa kalsada na dahilan nang muntik ko nang pagkasagasa ay nakangiti sa harap ko ngayon at sya ang tumawag ng pangalan ko. Natigilan ako at sa pangalawang pagkakataon, pakiramdam ko tumigil ang mundo ko.

'Sya na ba yun?' sambit ng babae sa tabi ng lalaki. Di ko man lang ito napansin dahil nakatitig pa rin ako sa lalaki.

Lumipat ang tingin ko sa babae. Sa tantya ko ay nasa mid 20s na ito.

Matagal ko bago na realize na ang lalaking nakatayo sa harap ko ay si Kuya Teng na hinahanap namin.
'Kayo po ba si Kuya Teng?' paniniguro ko.

Ngumiti ang lalaki. Ang guwapo nya talaga pero mukhang mapuputol agad ang pangarap kong maging crush sya kung sya man ang hinahanap namin. 'Ako nga. Ikaw si Karlota?' tanong nito sa akin.

Tumango ako. Hindi ako nakasagot sa dami ng tumatakbo sa isipan ko. Bata pa pala si Kuya Teng? Akala ko naman ay nasa kwarenta na ito dahil ang kuwento sa akin ni papa ay meron itong sariling negosyo. Yun ay ang PQR shoppe nga. At teka, akala ko ba mag-isa sya? Eh, sino itong babae sa tabi nya? Asawa nya ba ito? Napailing ako para maiwaglit lahat ng nasa isipan ko. Ang gulo.

'Tara! Tara! Pasok kayo.' yaya sa amin ni Kuya Teng. Kinuha nito ang bag ko na agad ko namang binigay. Ang bigat kasi nun. Hindi ko rin mapadala kay Kuya Sandro dahil mas malaki pa ang bag na bitbit nito kesa sa akin.

Pumasok kami sa isang sliding glass door na binuksan ni Kuya Teng. Tiningala ko ang taas ng pinto bago ako pumasok at nabasa ko ang malalaking letra na OPQ shoppe na nakasulat sa taas nito. Sa laki ng mga letrang yun, di ko man lang ito napansin agad dahil sa kaguwapuhan ng mukha ni Kuya Teng ako agad napatingin.

HE's Not Into HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon