PQR SHOPPE
Bahagya akong nakatingala para tingnan ang karatula na nakalagay sa taas ng sliding door na nasa harap ko.
After many years, I'm back to this same exact spot and I don't know, but somehow it feels so nostalgic.
'Halika na, gurl.'
Naramdaman ko ang bahagyang paghila ni Jesson sa kamay ko dahilan para masubsob ako sa likod ni Betty na nasa harap ko.
'Aray!' halos sabay pa kaming napa aray ni Betty dahil na rin sa gulat.
'Money for us!' sabay ulit naming banggit ni Betty.
Napakamot ako sa ulo at napanguso.
'Ano ba yan. Sabay pa rin tayo.' pagrereklamo ko.
'Ano ba kasi yang bigla-bigla mong paghila. Mabubungi ako sa'yo eh.' baling ko kay Jesson.
'Oo nga! Mamamatay ako sa nerbyos sayo!' dagdag ni Betty na hawak-hawak ang likod na tinamaan ng katawan ko.
Bahagyang inilapit ni Jesson ang mukha nito sa mukha ni Betty at sinipat ito nang mabuti, 'Wow! Hindi ka mamamatay sa nerbyos. Mamamatay ka sa highblood. Ang taba-taba mo noh!' pang-aasar nito kay Betty.
Pinalo ni Betty ang kaliwang braso nito dahilan para mapa aray ito sa sakit. 'Hoy! Ikaw! Mamamatay ka dyan sa kalandian mo!'
'At kelan ako naglandi aber?' tanong ni Jesson na hawak-hawak pa rin ang namumulang braso.
Naglakad ito papasok ng shop habang kami ay nakasunod sa likod.
'Ngayon.' singit ko sa usapan nila habang nagsimulang humakbang papasok ng shop. 'May nakita kang pumasok na gwapo kaya nagmamadali ka ring pumasok.' pang-aasar ko kay Jesson.
'Ayan! Tama ka dyan, Karlo. Ikaw, ang landi-landi mo.' pagsang-ayon ni Betty habang dinuduro si Jesson.
Bubuksan na sana ni Jesson ang pinto nang bigla itong humarap sa amin habang nakalagay ang kaliwang kamay sa bewang at ang kanang kamay naman nito ay nakaturo sa akin. 'Hoy! Paano mo napansing may gwapo na pumasok ha? Eh tulaley ka dyan sa taas na parang may hinihintay kang himala.'
Tumawa ako at humakbang palapit sa pinto na hinaharangan pa rin ni Jesson.
'Kaya nga. Paano mo napansin yung lalaking pumasok?' tanong sa akin ni Betty.
'Sabihin mo, pareho lang tayo na kapag may gwapo ay pansin agad!' sagot ni Jesson habang tumatawa nang malakas.
Tumawa rin ako habang si Betty ay tawang-tawa rin. Bahagya kong itinulak si Jesson papalayo sa pinto atsaka ako tuluyang pumasok sa shop.
Summer na at katatapos lang ng pasukan kaya nag-enrol naman ako sa masteral classes ko sa San Rafael State University. Si Jesson at si Betty ang mga kaklase ko at naging kaibigan ko na rin kalaunan. Si Jesson ay tinatawag naming machong bakla dahil sa unang tingin, hindi mo mapapansin na isa syang bakla dahil sa laki ng katawan nya. Nagtatrabaho sya sa division office ng Deped sa lugar namin. Samantalang si Betty ay isang guro sa elementarya. Madalas naman syang maasar dahil sa kanyang malusog na katawan. May asawa na rin na isang seaman at may dalawang anak. Sila ang madalas kong kasama kapag ako ay pumapasok para sa masteral classes ko.
Hindi ko man sinasadya ay bahagya kong inikot ang paningin ko sa pamilyar na silid na iyon. Marami nang nagbago at di ko na makita ang kahit kaunting pagkakatulad sa ayos nito noon. Madalas na rin akong dumadaan dito para magpa photocopy dahil ito ang pinakamalapit na photocopy shop sa unibersidad. Ngunit, ni isang beses, hindi ko kailanman naabutan si Teng dito.
'Gurl, tulala ka na naman.' sita sa akin ni Jesson na dumaan mula sa likod ko patungo sa estanteng salamin sa may kaliwang bahagi ng shop.
'Uy! Nakaharang ka sa daraanan.' wika naman ni Betty na dumaan kasunod ni Jesson. Tumungo din ito sa tabi ni Jesson at kinausap ang bantay ukol sa ipapa photocopy namin.

BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomanceInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...