KARLO'S POV
Hindi gaanong malapad ang loob ng shop. May isang glass na estante sa tabi ng pinto. Maraming mga flash disks, external drive, at iba pang gamit sa computer sa loob ng estante na halatang binebenta.
Pag pasok namin ay bumungad sa amin ang isang mistulang front desk sa may dulong sulok ng silid. Lumapit dito ang babae at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit na nakapatong doon.
Sa dingding sa likod ng front desk ay maraming naka display na mga produkto ng iba't-ibang direct selling brands katulad ng natasha, avon, mse, ever bilena, at marami pang iba.
Sa tabi ng front desk sa may bandang kanan ay ang isang maliit na silid na gawa sa plywood. Halatang nilagay lamang yun doon para magsilbing dingding ng isang maliit na kwarto.Ang pinto ng silid ay natatakpan ng isang plain na berdeng kurtina na nakatali sa gitnang bahagi.
Mula sa kinatatayuan ko ay nasisilip ko ang isa pang pinto sa loob ng silid.
May isang computer table na de gulong sa tabi ng estante. Nakaharang ito sa malaking bintanang gawa sa salamin sa tabi ng pinto. Sa taas ng computer table ay isang desktop at iba pang gamit sa computer na hindi ko mapangalanan isa-isa.
Ang kanang bahagi ng silid ay punong-puno ng mga sapatos, underwear, damit, bag, at iba't-ibang produkto ng direct selling.
Malinis at organisado ang loob ng shop. Kung ako mamimili dito, siguradong mae enjoy ko ang malamig na aircon at ang guwapong may-ari. Syempre.
Dumiretso kami sa maliit na silid ng shop. Makitid ang silid. Halatang para lamang sa isang tao ang kwartong yun. 'Teka?Mag-isa lang sya? Wala syang asawa?' napaisip ako habang umiikot ang paningin sa silid.
May isang single bed sa kaliwang bahagi nito. Nakaayos ang dalawang unan at nakatiklop ang kumot na nakapatong sa taas ng mga unan. Sa dingding ay makikita mo ang mga gamit panlalaki tulad ng deodorant, shave, pabango, at iba pa. May isang upuan na puting monobloc at sa tapat ng kama ay ang isang pinto na nakikita ko kanina mula sa labas dahil nakataas ang kurtina ng silid.'Upo kayo.' wika ni Kuya Teng sa amin matapos kaming makapasok nang tuluyan sa silid.
Nilapag nya ang bag ko sa tabi ng kama,
'Dito nyo lang ilagay ang mga gamit nyo.' dagdag pa nito sabay turo sa sulok na pinaglagyan nya ng bag ko. Sumunod kami ni Kuya Sandro at inilapag ang mga gamit namin. Umupo si Kuya Sandro sa monobloc chair habang ako ay umupo sa kama.
'Kung may kailangan kayo ay tawagin nyo lang ako ha? Isasara ko lang ang shop.' wika nito sa amin bago lumabas ng silid. Ngumiti lang kami at tumango.
Pagkalabas nya ng silid, tinanggal nito ang pagkakabuhol ng kurtina at natakpan nito ang buong pinto.Tinext ko si papa na nakarating na kami. Marami pa syang tanong katulad ng kung kamusta ang byahe at kung kumain na ba kami.
Tiningnan ko si Kuya Sandro na nagtitext din sa kanyang cellphone.
'San tayo kakain, Kuya?' tanong ko dito.
Alas onse beinte tres na. Nakakaramdam na rin ako ng gutom mula sa mahabang byahe.
'Mamayang alas dose. Pahinga lang tayo nang konti.' sagot ni Kuya na hindi man lang sinagot ang tanong ko.
Tumayo ito at tumungo sa pinto. 'Sa labas muna ako.' wika nito sa akin.
Tumango ako. Tamang-tama. Magbibihis muna ako.Yumuko ako para buksan ang malaki kong bag na nakalagay sa tabi ng kama. Kumuha ako ng pampalit na t-shirt. Basa na ng pawis dahil sa init kanina sa kalsada ang suot kong damit. T-shirt din iyon na pinaresan ko ng pantalong maong. Nakatsinelas lang din ako simula San Isidro. Hindi kami mayaman at mahahalata mo iyon sa uri ng pananamit ko. Walang ka epek-epek. Lagi lang akong naka t-shirt na ang iba pa ay mga pinapatatakan naming mga t-shirt para sa buo naming section. Yung t-shirt na tinatatakan namin ng Batch 2009 section Mercury. Together we pass, divided we fail. Ang baduy pero pakiramdam namin ang astig namin kapag suot namin yun.
Tumayo ako at sumilip sa pinto bago ko tinaas ang t-shirt ko para maghubad.
'Kakain na ba kayo?' wika ng isang boses na sigurado akong mula kay kay Kuya Teng.
Dali-dali kong binaba ang t-shirt ko na nakatakip na sa mukha ko nang marinig ko ang boses nya.
Nang tuluyan ko nang maibaba ang damit ko, nahuli ko si Kuya Teng na hinila nang bahagya ang kurtina para matakpan ang buong pinto. Marahil sya ay nagulat din sa mga hindi inaasahang tanawin.Hindi ko man nakikita ang mukha ko sa mga oras na iyon, alam kong namumula na ang mga pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Nakita nya ba ang bra ko? Yung dibdib ko? Mayghad! Flat pa man din ako. Loooorrrd!
'Sorry. Sorry. Hindi ko alam.' paghingi nito ng paumanhin habang hawak-hawak pa rin ang kurtina habang sya ay nasa likod nito.
Grabe ang kabog ng dibdib ko. Pakiramdam ko sampung tao ang sabay-sabay na pumapalo ng tambol sa lakas ng kabog nito. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko bago ako sumagot, 'Ok lang po.' tugon ko. ' lalabas po kami mamaya para kumain.' dagdag ko pa.
Inalis ni Kuya Teng ang pagkakahawak ng kamay nya sa kurtina tsaka naramdaman ko ang paglayo nya sa pinto.
Mabilisan akong nagbihis tsaka nilabas si Kuya Sandro na nakaupo at nanonood ng telebisyon sa loob ng shop.
Tinungo ko si Kuya Teng na kausap ang babae na kasama nya kanina. Nakasandal sya sa front desk habang nakikipagkwentuhan sa babae na nakaupo. Bago pa ako nakalapit nang tuluyan ay napansin na nila ang paglapit ko. Tumingin sila pareho sa akin habang nakangiti.
Iniwas ko ang tingin ko kay Kuya Teng. Hanggang ngayon, nahihiya pa rin ako sa nangyari. Maitim naman ako pero pakiramdam ko pulang-pula pa rin ang mukha ko.'Kuya, san po dito pwede kumain?' nahihiyang tanong ko.
'Pwede kayong kumain dun sa Yin's eatery. Nasa dulo may kabilang iskinita lang yun. ' sagot nito atsaka tinungo ang pinto at lumabas. Sumunod kami ni Kuya Sandro sa kanya.
'Nakikita nyo yang simbahan?' turo nito sa simbahan ng foursquare sa kaliwang bahagi ng kalsada.
Sinundan ko ng tingin ang mga daliri nya tsaka bumalik ang mga mata ko sa mukha nya.
He' s so damn handsome. Ang amo ng mukha nya na parang walang pores. Sanaol. His eyes are deep that seem to keep a secret mystery and his lips..his lips..'diretsuhin nyo lang yan, tsaka nyo makikita ang Yin's eatery.' dagdag nito na biglang nagpaiwas ng tingin ko.
Nalunok ko ang laway ko sa bigla nyang pagtingin sa akin. Uminit ang buo kong mukha. 'Nahuli kaya nya akong nakatitig sa mukha nya?' tanong ko sa sarili.We left the shop to eat. Habang naglalakad, bumalik sa akin lahat ng kahihiyang nangyari sa akin sa araw na 'to. It is just mid day, but it feels like I met my daily quota. Napatingala ako at bahagyang pumikit ng masalubong ng mga mata ko ang masakit na sikat ng araw.
'Jusko! Tama na, Lord. Ilang araw pa po akong mag sstay dito. I can't bear another shameful incident anymore. Quota na po ako.' taimtim kong panalangin sa Dyos.

BINABASA MO ANG
HE's Not Into HER
RomanceInspired by a real-life story of a one-sided love that lasted for 6 years. Karlota Gay also called Karlo met her first love at the age of 15. She loved the man for 6 long years, but did not receive even a small amount of love from him. After 7 years...