CHAPTER THIRTY-SEVEN

10.7K 215 62
                                        

[DAMON’S POV]
 

Maaga akong nagising. Sobrang sakit nang ulo ko at hindi ko alam kung bakit. Parang ang tagal kong tulog. Halos hindi ko maimulat ang mga mata ko. At ang unang bagay na sumagi sa isip ko ay hindi pagka-uhaw o pagkagutom ...

Kundi si Kathy.

Gumayak ako nang maaga.

As usual, walang tao sa bahay. Pero parang may ibang taong tumira dito. Iba kasi ang pagkakaayos nang mga gamit. Pati ang gitara ko, nakalabas rin.

Tumungo ako sa kusina.

Punung-puno ang pantry ng groceries.

At ang nakakapagtaka ... may lutong pagkain sa mesa. Hindi ko na maalala kung kailan umalis si Julia sa bahay na ‘to. Hindi kaya si Kathy ang naghanda ng mga ito? Pumunta ba siya dito sa bahay?

Naninibago rin ako sa sarili ko. Parang may nawala sa akin na hindi ko matukoy kung ano. Saka parang pakiramdam ko, ang tagal kong hindi nakita at nakasama si Kathy.

Napakamot ako sa ulo ko.

Ano bang nangyayari sakin?

Hinawakan ko ang cellphone ko. Hinanap ko ang pangalan niya. Kaso, hindi ko makita. Na-reformat ba ang phone ko? Nabura ko ba? O sadyang may nangialam lang?

Damn! This is fvcking useless!

Sa garahe ako nagpunta. Wala akong makukuhang sagot kung kakausapin ko lang ang sarili ko. Kailangan kong umalis dito.

Iisang lugar lang ang pumasok sa isip ko na maari ko siyang makita.


Nang marating ko ang school ay patakbong-lakad kong hinalughog ang department building nila Kathy. Dati-rati kasi’y sa lobby ko lang siya natatagpuan. Pero wala siya roon, wala rin si Sthep.

Dumaan ako sa isang hallway na hindi masyadong dinadaanan nang mga estudyante. Mas kaunting estudyante, mas madali ko siyang makikita.

Hanggang sa napansin ko ang babaeng sobrang pamilyar sakin.

“Di ba ... matagal ka nang may gusto sakin?” Tanong nito sa isang lalaki.

“K-kath ... m-may g-girlfriend na ako eh.”

“Alam ko.” Sabay himas nito sa buhok nang lalaki. Nadiri ako. Muka kasing tagiyawat na tinubuan nang mukha ang lalaking nilalandi ni Kathy. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa yon. Pero ipinagpatuloy ko lang ang pagmamasid.

Napansin ko rin ang itsura niya.

Nakatulog lang ako, ang laki na ng pinagbago niya.

“M-m-magagalit yun!”

“Bakit?” Dahan-dahang inilapit ni Kath ang katawan niya sa lalaki. Na. “Malalaman ba niya?”

“H-hindi.”

“Hindi naman pala eh.” Hinapit nang lalaki ang bewang niya.

Damn! Why is she doing that?

“K-Kath ...”

“Hindi mo ba ako gusto?”

“G-g-gusto. Gustung-gusto k-k-kita.”

Nakita kong hahalikan na nang lalaki si Kath. Susugod na sana ako para suntukin ang nguso nang lalaki pero inunahan ako nang isang babae na mukhang mas galit na galit pa sa akin.

“Ahhhh!” Sigaw nang lalaki.

“WALANGHIYA KA! NAG-RETOUCH LANG AKO NAMBABABAE KA NA!” Sabi nang babae sabay sipa nito sa hita nang kanyang nobyo. “At ikaw babae, nag-evolve ka lang lumandi ka na!” Sabay duro niya sa pagmumukha ni Kathy.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon