[KATHY’S POV]
“Ano bang ginawa mo kanina Sthep? Daig mo pa ‘ko? Bakit ba ikaw pa ang naghi-hysterical nang ganyan?” Tanong ko sa kanya sabay hila sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“Tanga ka kasi eh! Ginagago ka na nga nung Damon na yun, hindi mo pa rin tinatantanan! Ano bang mapapala mo sa kanya? Sabihin mo nga sakin!”
“Hindi mo kasi naiintindihan kasi wala kang alam!”
“Heto na naman tayo, mga bagay na wala akong alam. When in fact, alam na alam ko lahat. Alam na alam ko simula pa noong high school tayo. Alam na alam ko kung gaano ka kadesperada na mahalin ng lalaking yon!”
“Mahal niya ako! At maaalala niya ako!”
Hanggang sa huli ay magtitiwala ako sa mga binitawan kong salitang iyon. Magtitiwala ako sa mga sinabi ni Damon sa akin. Magtitiwala ako hanggang tumitibok ang puso ko. Hinding-hindi ako susuko. Hinding-hindi ko siya isusuko.
“That’s bullshit Kathy! Paano ka maaalala nang taong nagpapanggap lang na nakalimutan ka? Alam mo yung salitang ‘tapos na’? Tapos na siya sa’yo!”
Isang malakas na sampal ang isinagot ko kay Sthep. “Tama na!”
Galit na galit niya akong tinitigan habang hawak ang bahaging iyon ng kanyang mukha.
“Sthep ... s-sorry.”
Hindi siya nagsalita. She just walked away from me. Ilang sakripisyo pa baa ng kailangang mangyari? Ilang tao pa ba ang kailangang mawala sa buhay ko para bumalik lang ang lahat sa dati?
Bigla akong nanghina. Unti-unting bumigat ang talukap nang mga mata ko hanggang sa nawalan ako bigla ng malay.
“Kathy ...” Isang malagong na boses ang tumawag sa pangalan ko. Isang pamilyar na boses.
“A-anong kailangan mo sakin?” Nanginginig kong tanong sa kanya.
“Gusto mo na bang sumuko?”
“Anong ibig mong sabihin?”
Unti-unti akong nakaramdam nang matinding init sa katawan na animo’y pinapaso ang aking balat. Halos hindi ako makahinga.
“Hindi ikaw ang sisira sa mga plano ko!” Malakas iyon. Nakakabingi. “Ako – ang itim na anino. Ang hari nang kasamaan. Ang ama nang lalaking minahal mo. At walang sinumang mortal ang maaaring sumuway sa akin.”
Napasandal ako sa isang malaking bato. Unti-unti akong naubusan ng lakas.
“Hanggang may mga inosenteng kaluluwang nabubuhay sa mundo, hanggang hindi ko nakukuha ang mga kaluluwa ng katulad mo … hindi ako titigil. Ngayon, sabihin mo sa akin …
… ano ang ninanais ng puso mo?”
Iisa lang naman ang ninanais ng puso ko.
“Gusto mo bang ibalik ko ang ala-ala ng anak ko? Gusto mo bang ibalik ko ang lahat sa dati? Gusto mo bang muling marinig ang mga salitang ‘Mahal kita’ mula sa marumi niyang bibig? Sabihin mo!”
Nabuhayan ako nang dugo nang marinig iyon. Kahit anong paraan gagawin ko, maibalik lang sa dati si Damon. Wala akong pakialam kung bumalik siya sa pagiging demonyo o mas malala pa dun. Kahit na ba tubuan siya nang sungay at buntot. Ang mahalaga sakin ay yung nararamdaman niya ... yung nararamdaman niya para sakin.
Oo.
Sakim ako.
Si Damon lang kasi ang nag-iisang taong ginusto at minahal ko nang ganito. Gusto ko siyang ipaglaban sa kahit anong paraan. Sa kahit anong panahon. Sa kahit anong lugar. Wag lang niya akong iwan.
BINABASA MO ANG
The Devil's Son
خيال (فانتازيا)"I don't care if I will fall in love with a devil .. as long as that devil will love me the way he loves hell." Kathy