CHAPTER TWENTY-EIGHT

16.7K 283 71
                                        

[STHEP'S POV]


Ayos naman ang lahat last week ah?

Oo, naging emo si Kathy. Drama dito, drama doon. Pero hindi naman siya naging basagulera, hindi siya naging troublemaker. Ano kayang nangyayari sa kaibigan ko? I have a feeling na kinukulam siya. Siguro dapat ko siyang dalhin sa alburayo. At ako mismo ang hahampas sa kanya ng buntot-pagi nang matauhan.

Kanina pagpasok namin, tulad ng dati, binully na naman siya ng mga classmates niya. Pinagtawanan. Pinag-usapan. Hindi naman yon big deal kay Kathy eh. Actually, iniignore pa nga niya. Ako pa nga ang pinipigilan niya kapag gustung-gusto ko ng sabunutan. Pero kanina, nagulat na lang ako ng bigla niyang sabunutan yung isang babae. Sinapak niya yung isa. At ang nakakagulat pa don, masyado siyang naging malakas like we tried to calm her down pero wala ni isa sa amin ang nakaawat sa kanya. Kaya hinanap ko si Damon, baka sakali magpaawat siya.

"KATHY!"

Humahangos na tawag ni Damon sa warfreak kong kaibigan. Hinawakan niya agad si Kathy sa bewang. Saka niya iniangat ito. Napatanga na lang ako sa isang tabi.

"STOP IT!"

Nagpapadyak si Kathy sa hangin upang makawala sa higpit ng yakap ni Damon sa bewang niya.

"I'm tired of being good! At yang mga babaeng yan, sumosobra na sila!" Sabay duro niya sa babae na palaging nambubully sa kanya. Bahagya silang umatras. Natakot na atang masapak at masabunutan ulit.

“Ano pang hinihintay niyo diyan? Pasko?” Mataray ko namang sabi. “Umalis na kayo!”

Nang wala na ang mga lukaret at saka lamang ibinaba ni Damon si Kathy. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

"What’s happening to you?"

Tinitigan ng masama ni Kathy si Damon. Ito yung kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang tumitig ng ganon.

"Lahat ng tao may bad side Damon ... hindi lang ikaw!"

Lumakad palayo si Kathy, palabas ng school. Wala naman kaming nagawa ni Damon kundi ang sundan siya.

"Kathy!"

Hinila ni Damon si Kathy sa braso.

"Bitawan mo nga ako! Isa ka pa eh, bwisit kayong lahat sa buhay ko!"

Medyo natakot ako sa pagsinghal na iyon ni Kathy kay Damon. Parang konting push na lang magiging si The Hulk na siya.

"Ahh ... bwisit pala ha." Walang anu-ano'y biglang binuhat ni Damon si Kathy. "Tignan natin ngayon kung anong pwedeng gawin ng bwisit na ‘to sa’yo."

Nagpupupumiglas si Kathy. "Ano ba! Put me down! DAMON!"

Napailing at napangiti na lang ako ng isakay ni Damon si Kathy sa kotse nito. Who would have thought na magiging ganyan na sila ka-close sa isa’t isa? Ang kaibigan kong dati ay uhaw lang sa atensiyon ni Damon … na ngayon ay halos araw-araw na niyang kasama.

Hindi pa din ako makapaniwala.

Isang tanong ang naiwan sa isipan ko, mahal ba ni Damon si Kathy? O paglalaruan lang niya ito kagaya ng dati?

••••

Dear Damon,

Gusto ko lang malaman mong gusto kita. Gustung-gusto kita. Gusto kita kahit hindi mo ako kilala. Gusto kita kahit pag-aari ka na ng iba. Gusto kita kahit imposibleng gustuhin mo din ako. Gusto kita at gusto kong malaman mo yun. Gusto kong malaman yung mga bagay na makakapagpasaya sa'yo. Gusto kong malaman ang pakiramdam na kasama ka. Gusto kitang makita araw-araw … kasi pag hindi kita nakita, hindi kumpleto ang araw ko. Kahit palagi mong kasama si Julia, ayos lang. Ang mahalaga, nakikita kita - kuntento na ako dun.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon