II : Ang Anim na Kasalanan

10.7K 207 97
                                    

Ang Ika-apat na Kasalanan

“Kathy!” Tawag sakin ni Sthep nang minsang makasalubong ko siya sa hallway nang lobby.

Huminto ako sa paglakad.

“Kathy, may problema ba sa ating dalawa? May problema ka ba sakin? Galit ka ba? May nagawa ba ako sa’yo bukod sa pagtatalak at pagbubunganga ko? Ano? Sabihin mo? Anong gusto mong gawin ko?” Sunud-sunod niyang tanong sa akin.

“Manahimik ka. Yun lang Sthep. Yun lang.”

Atsaka ako muling lumakad.

“Ano ba! Seryoso ako!” Muli niyang sabi.

“Ako ba hindi?”

“Bakit ka ba nagkakaganyan?”

“Wala ka na don. Hayaan mo nga muna akong mag-isa.” Mataray kong sabi sa kanya.

“Alam mong hindi ko pwedeng gawin yon Chum. Bestfriend tayo di ba?”

Hindi ako sumagot.

Alam ko, nakapaligid lang ang itim na anino sa akin. Alam ko, nakabantay lang siya sa bawat kilos at galaw ko.

“Kailan pa Sthep?” Atsaka ako huminga nang malalim.

“Kathy ...” Basag ang boses niyang sabi sakin. Hindi na ako nagtangka pang lingunin siya. Dahil alam ko, hindi ko matitiis na hindi siya yakapin at hindi humingi nang tawad sa kanya – sa mga nasabi ko.

“Ayaw ko nang maging kaibigan ka Sthep. Simula ngayon, layuan mo na ako. Kaya ko na ang sarili ko ngayon. Hindi na kita kailangan.” Pagkasabi ko noon ay umalis na ko.

Kathy ... mali na ang ginagawa mo.

Napailing na lang ako nang sumagi iyon sa isip ko. Matagal ko nang kaibigan si Sthep at kahit kailan ay hindi niya ako iniwan. Palagi siyang nasa tabi ko. Bungangera siya at matalak pero kahit ganun pa man – hindi niya ako pinabayaan.

Hindi na niya ako kinulit pa. Hinayaan na niya ako.

Nang makalabas na ako sa gate nang school ay bigla na lamang tumigil ang pagtibok nang puso ko.

“Kathy! Teka sandali!” Sabay hawak niya sa aking braso. Napapikit ako sa ginawa niyang yon. Kakayanin kong ipagtabuyan lahat, kakayanin kong balewalain lahat … pero hindi siya.

“Nakita ko ang ginawa mo kay Sthep. Bakit mo ginawa yon?” Tanong ni Damon sakin. “Magkaibigan kayo hindi ba?”

“At ikaw ang knight in shining armor niya ganon?” Pambabara ko sa kanya.

“Bakit ka ba nagkakaganyan? Kasalanan ko ba?”

Hindi mo kasalanan. Wala kang kasalanan. Para sa’yo – kaya ko ginagawa ‘to. Halos gusto nang isigaw nang isip ko.

“Kailan ka pa nagkaroon nang pakialam sa amin ni Sthep?”

Yumuko siya. Pero hindi siya nagsalita.

“Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako. Sinasayang mo lang ang oras ko.”

Unti-unti naman bumitaw ang mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin.

“Alam ko, hindi ka ganyan. Kung anuman ang problema mo ... sana maging maayos lahat.”

Hindi ko na iyon pinansin pa. Hindi ako dapat magpadala sa mga drama at sa mga simpleng salita ni Damon. Hindi ako pwedeng tumigil. Hindi ako pwedeng sumuko.

Malapit na akong matapos.

Malapit ko nang makuha ang gusto ko.

“At ano naman ang ika-apat na kasalanan?” Tanong ko sa itim na anino.

The Devil's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon